Ikalimampu't Dalawang Kabanata

28.5K 504 21
                                    

Andrew's POV

"Andrew Blake Santillan. Bakit nakatulala ka na naman diyan?" Sigaw ni Athena sa akin.

Nakapamewang siya sa harap ko habang nakahiga ako sa kama at tinitignan ang kabuuan niya.

"Hmmm, may narealize lang ako my." Nakangising saad ko.

"Ano yun?" Kunot noong tanong niya.

"Sexy ka pala. Hindi lang halata." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Sira ulo!" Athena

Nakasando at nakashort lang kasi siya. Nandito kami sa kwarto namin. Ayaw pa kasi namin pumasok. Aattend kami ng graduation pero hindi kami aattend ng practice. Ayaw pa rin kasi pumasok ni Athena. Malamang malungkot na naman siya kapag naalala niya yung mga nangyari noon.

**TOK**TOK**

"Pasok." Sigaw ko sa kung sino man ang tao sa likod ng pinto.

Sina Denice at Denise. Ano kayang kailangan ng mga to?

"Kuya ..." Saad ni Denise. Alam ko na. May kailangan na naman tong dalawang to.

Lumapit naman si Athena sa akin at tumabi sa kama. Parehas na nakasandal sa headboard ng kama ang likod naming dalawa. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Geez! You don't have to be so PDA in front of us. My innocent eyes." Denice

"Tsk. What do you need?"

Lumapit si Denice sa akin at nag-abot ng isang envelope. Kinuha ko ang envelope ar binuksan ito. Lumapit din si Athena para makitingin kung anong laman ng envelope.

"We know that your going to make alis na the week after next week so we planned that. You need some time alone. Besides your not making pasok naman so it's fine if you'll go there." Saad ni Denice.

It's a plane ticket. Plane ticket papuntang Singapore. Three days and two nights yung trip.

"What's with the sudden surprise?"

Hinarap nila kami at ramdam ko ang biglang paglungkot ng ekspresyon nila.

"Kuya, alam namin kung anong pinagdaanan niyo nitong nakaraan. Gusto lang naming makalimot kayo kahit sandali." Sinserong sabi ni Denise.

Nilingon ko si Athena at nakita kong nakangiti siya. Alam kong kagaya niya, hindi niya inaasahan ang sorpresang ito nilang dalawa. Kinuha ni Athena yung tickets at tinignan ito.

"Alam mo dy, okey sana to kaya lang tinatamad ako." Inabot ni Athena kina Denice yung ticket. "Kayo na lang ang pumunta dun. Mas gusto ko dito sa kama kasama ng kuya niyo." Nilingon niya ako at nakita ko ang nakakalokong ngiti ng asawa ko.

Tsk. Tsk. Tsk. My naughty wife is back.

Iniyakap ko ang braso ko sa bewang niya at nilapit siya sa katawan ko. Iniyakap naman niya ang braso niya sa leeg ko. Tinitignan niya ako ng diretso sa mata at nakikita ko ang pang-aakit na ginagawa niya.

Inilapit ko ang mukha ko at malapit na sanang dumampi sa labi niya ang labi ko ng sumigaw si Denice.

"MY GOD! LET'S MAKE IMPAKE NA NGA AND LEAVE THIS TWO HERE! IT'S SO ... SO GROSS! EWWWW!" Denice

Tawa naman ng tawa si Athena habang padabog na lumabas si Denice at tatawa-tawang sumunod lang sa kanya si Denise.

"Hahaha. Sarap talagang asarin ng mga kapatid mo." Athena

"Tss. Dati ikaw ang inis na inis sa kanila."

"Tsk. Bitch naman kasi talaga yang mga kapatid mo. Nagsuot lang ng maskara ng anghel." Athena

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon