Ikalawang Kabanata

51.2K 907 21
                                        

Athena's POV

Tapos na ang klase at nakita kong nakaabang sa labas ng gate sina Ynares. Ano na naman ang problema ng lalakeng to?

Lumabas ako sa grounds at tsaka nilapitan ang grupo nila. Oo. Sila ang miyembro ng bloodsuckers gang. Ang panget ng pangalan di ba? Just like their leader and their group. They suck.

"Anong problema mo?" Maangas na tanong ko sa kanya. Hindi naman ako naiintimidate sa kanya. Well, nakakatakot naman talaga ang mukha niya pero hindi sapat na dahilan yun para katakutan ko siya. Sanayan lang naman yan.

"Ikaw. Pinahiya mo ko kahapon." Ynares

Bwisit. Kalalakeng tao maarte? Wala namang nakakita sa amin kahapon ah. Masyado ko bang naapakan ang pride niya at nagkakaganyan siya?

"Whatever Ynares. Wala ka namang mapapala sa akin. Kung naapakan ko ang pride mo, wala na akong magagawa patungkol dun. Totoo naman kasing mahina ka at low-class ka just like your gang,"

Napangiti ako ng may halong pang-aasar. I can see in his face that he is so pissed with me. Well I am your sweetest enemy my boy. Masanay ka na.

Akmang sasapakin niya ako ng may pumigil na kamay sa kanya.

I rolled my eyes due to the frustration. Nangialam na naman ang mga walang kwentang alalay ng mga magulang ko.

Yes, I have guards although I can protect myself. Nakakainis lang malaman na iniisip ng mga magulang mo na mahina ka at hindi mo kayang protektahan ang sarili mo.

"Miss Athena, umuwi na po tayo. Hinihintay na po kayo ni Mam Solenn." yung bodyguard ko.

"Fine. Bitawan mo na yan at namimilipit na sa sakit."

Binitawan niya si Ynares tsaka naglakad pauna sa akin pero bago ako tuluyang makalayo kay Ynares, binigyan ko siya ng malakas na suntok sa mukha.

"Akala mo nakalimutan ko na yung ginawa mo kanina?"

Ngumiti ako ng may halong pang-aasar habang naglalakad palayo sa kanila. Tss. Yung mga alalay niya, mukhang tangang nagsilapitan sa kanya ng nakahiga na siya sa sahig. Masyado nilang pinapahalatang mahina ang leader nila. Tss.

**RICAFORT'S MANSION**

Sinalubong ako ng mommy ko. Himala at nasa bahay siya. Usually nasa ibang bansa to. It's either nagsoshopping o nagliliwaliw. Madalas ang lolo at lola ko lang ang kasama ko dito sa Pilipinas.

"Baby Athena!" Mommy

Nilapitan ako ni mommy tsaka hinalikan sa pisngi. Kahit naman palaging wala ang mommy ko, I still admit that I love her so much. Hindi magbabago yun. Shes still my mo,. She's the reason why I am alive. Same as to my dad.

"Mom."

"Baby, namiss kita." Mommy

"Me too mom. How's dad?"

"Ayos lang ang daddy mo. Sayang lang at hindi ko siya nakasamang umuwi dito. You know busy ang dad mo." Mommy

Napangiti na lang ako. Lumaki naman ako na hindi madalas nakakasama si dad. Kung baga nakasanayan ko na wala siya. Umuuwi naman siya kapag may mahalagang okasyon kagaya ng birthdays. He never missed my birthday.

"baby, kaya pala ako napauwi dito because of one thing." Mommy

Inakay niya ako papunta sa sofa tsaka tinabihang umupo.

"Baby, sorry about this." Mommy

Naiiyak siya habang nagsasalita. I can feel that she's sincere. But why is she saying sorry?

"Baby, hindi naman namin gusto ng daddy mo na pati yung buhay pag-ibig mo madamay sa negosyo pero wala kaming magawa." Mommy

What? Buhay pag-ibig? What the heck? Ano to?

"Teka mom, what are you talking about?"

"Baby, the investors are demanding for you to get married as soon as you reached 18." Mommy

'WHAT?!"

Next month ay 18 na ako. But what confuses me is why are they in a hurry?

"Mom, bakit nila hininging pabor yun?"

"Baby. It's because of your performance as a student. Your not doing well at school kaya nangangamba ang mga investors that you might be the biggest failure for the company." Mommy

Hindi na ako magtataka. Kung sa bagay totoo naman ang sinasabi nila.

"Fine. I'll agree. Kayo na lang ang bahalang maghanap ng mapapangasawa ko mom."

Gulat ang rumehistro sa mukha ng mommy ko.

"What's the problem?"

"Pumapayag ka?" Mommy

"Well totoo naman kasing bagsak lahat ng grades ko. Wala akong planong mag-aral ng maigi para sa kanila. Mom, from the very start you know that I don't want the company. Yung idea pa nga lang ng pagiging heiress ko ng kompanya inaayawan ko na pero wala akong magagawa. Only child niyo ko ni daddy. Alam kong wala akong magagawa patungkol sa faling grades ko so i'll just do you a favor."

Wala naman akong pakialam kung sino mang pontio pilato ang magpakasal sa akin. Siguraduhin lang nila mommy na maasahan ang mapapangasawa ko dahil siya ang mangangasiwa ng kompanyang pinalago at pinatatag ng mga magulang ko.

Because if not, i'll make his life as miserable as hell.

Andrew's POV

Pag-uwi ko ng mansyon, mukha agad ng mga kapatid ko ang nakita ko. Hindi sa ayaw ko silang makita pero giyera kasi ang nangyayari kapag magkakasama kami.

"Kuyaaaa!" Denice

"Stop shouting Denice. I get it na malaki ang bahay natin but your just a meter away from me. Ang sakit sa tenga ng boses mo."

Nagpout ang kapatid ko. Kung sa school, si Ricafort ang sakit sa ulo. Dito sa bahay itong mga kapatid ko ang pampasakit ng ulo ko.

"Sir, yung mga files from the company po nasa office niyo na. Papaalala ko lang po yung meeting niyo tomorrow with the board. 3 PM po yun." Gary

"Okey."

Dumiretso ako sa office at tsaka binasa ang mga papeles na mula sa opisina.

At the age of 18, ako na ang namamahala sa buong kompanya ng pamilya namin. Last year namatay ang mga magulang namin sa aksidente. That's why at this age, I am already the CEO of our company. So far so good naman. Wala namang nagiging problema sa pagpapatakbo ko ng kompanya.

Hindi pa ito alam ng lahat. Hindi pa ako pormal na naipapakilala sa madla bilang CEO ng Santillan Group of Companies. Personal na desisyon ko rin kasi yun. Ayoko munang maipakilala bilang CEO habang nag-aaral ako. Ano na lang ang sasabihin ng madla? Isang high school student ang nagpapatakbo ng kompanya?

Pagkatapos kong pirmahan lahat ng nasa desk ko. marahan akong pumikit at tsaka sumandal sa swivel chair. Lately, napapadalas na ang pagsakit ng ulo ko. SIguro dala ng stress sa trabaho.

**ring**ring**

"Hello?"

"Hello sir, nasa line po si Ms. Delabreaux." Gary

Ms. Delabreaux? Anak ng may-ari ng DDC Inc. Anong kailangan nun sa akin?

"Connect it to line 2."

Binaba ko ang tawag at tsaka iniangat ang pangalawang telepono para sagutin ang tawag niya.

"Yes mam?"

"Can I meet the youngest CEO in the Philippines?" Ms. Delabreaux

"May I know what is the intentions of that meeting?"

"I just have a proposal for you." Ms. Delabreaux

"Okey. Just tell my secretary when and where and i'll be there."

Binaba ko na ang tawag at tsaka umalis ng office ko at tsaka nagtungo sa kwarto ko para magpahinga.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon