Ikalimampu't Isang Kabanata

26.4K 546 21
                                    

Andrew's POV

Ilang araw na rin ang nakalipas mula ng mawala sa amin si Andrea. Napagdesisyunan naming pangalanan siya ng Andrea kahit na hindi namin alam ang magiging kasarian niya sana. Pinagawan ko din siya ng lapida niya sa family musuleum namin. Katabi ng mga magulang ko namin nilibing si Andrea.

Andrea Ricafort Santillan

Died: March 21, 20xx

Ang weird sigurong tignan kung bakit died lang ang nakalagay sa lapida niya at walang nakalagay kung kailan siya ipinanganak. Hindi naman talaga nabigyan ng pagkakataon ang anak namin na masilayan ang mundo.

Inilapag ko ang basket ng bulaklak sa tapat ng lapida niya.

"Baby, tulungan mo naman si mommy na makabangon. Nahihirapan na akong makita siyang ganun ..." pumatak na naman ang luha ko. Sa tuwing dadalaw ako dito, palagi na lang akong umiiyak sa tuwing nakikipag-usap ako sa anak ko.

Magmula ng araw na yun, hindi na nagsasalita si Athena. Nanatili na lang siyang nakatulala. May mga pagkakataong bigla na lang siyang iiyak. Nahihirapan na akong makita siya sa ganung kalagayan.

Naiintindihan kong nasasaktan siya. Maski ako nasasaktan din pero nilalabanan ko dahil alam kong kailangan niya ako. Sana maintindihan niya rin na kailangan ko siya.

"Baby Andrea, kausapin mo si mommy ha? Namimiss na ni daddy si mommy."

Nagsasalita akong mag-isa dito. Kahit magmukha akong tanga, wala akong pakialam.

"Boss ..."

Napalingon ako sa likod ko kung nasaan ang nagsalita. Nandun ang gems, zodiacs, si Ynares, Hera at Ezekiel.

"Guys, napadalaw kayo."

"Dadalawin lang sana namin si Andrea." Paalam ni Amethyst sa mahinang tinig.

Ngumiti lang ako at marahang tumango. Umatras ako para bigyan sila ng pagkakataong malapitan ang lapida.

Napatingin ako sa labas ng musuleo. Napatulala ako.

Si Athena. Nakatayo lang siya sa labas at tinatanaw ang lapida ng anak namin sa loob. Nakatulala lang siya. Wala akong makitang emosyon sa mga mata niya.

Unti-unti itong humakbang papasok sa musuleo. Ramdam kong napakabigat ng bawat hakbang na ginagawa niya. Nakikita ko rin ang unti-unting pamumuo ng mga luha sa mga mata niya.

Nang makapasok siya sa loob ng musuleo, tahimik siyang tumayo sa harap ng lapida ni Andrea. Lahat ng mga kasama namin nakatingin lang sa kanya.

Sa gulat namin ay bigla itong bumagsak sa sahig. Agad akong lumapit sa kanya at inalalayan siya.

"I'm sorry baby. I'm sorry. It's my fault. Kasalanan ko kung bakit nawala ka. Kasalanan ko." Paulit-ulit na sabi ni Athena. Sa limang araw na yun, ngayon ko lang ulit siya narinig na nagsalita.

Pilit ko siyang pinapatahan. Hindi ko alam na sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala ng anak namin. Palagi lang kasi siyang tahimik.

Kahit ako, pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nawala ang anak namin. Hindi ko sila nabantayan ng maayos. Wala akong kwentang asawa at ama sa kanila.

Hinayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak hanggang sa maubos lahat ng luha niya.

Alam kong matatapos din ito. Mawawala din lahat ng sakit pero hindi namin makakalimutang minsan din kaming napasaya ni Andrea.

Ang panganay namin ni Athena.

Amethyst's POV

Iniwan na namin sina Andrew at Athena sa loob ng musuleo. Mukhang kakailanganin nila ng konting oras kasama ang anak nila.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon