Athena's POV
Matapos ang munting bakbakan sa pagitan namin ni Andrew, nadatnan namin sa tabing dagat at naghahabulan ang mga kasama namin. Nakakatuwa lang makita silang ganito. Nagsasaya.
Naappreciate ko ang effort nila noong mga panahong kailangan namin ng masasandalan ni Andrew. They were always there for us. Hindi nila kami iniwan kahit na minsan tinataboy na namin sila palayo. Hindi nila kami iniwan.
"Andrew, aren't we too lucky? Binigyan tayo ni God ng mga kaibigang kagaya nila."
"Yeah. You're right. But have you heard?" Andrew
"What?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.
"They were planning to merge the two gangs. The zodiacs and the gems. Maganda na rin kasi ang samahan ng dalawang grupo. Maski ang gang ni Ynares makikipagsanib pwersa na rin sa atin. Of course under our leadership." Andrew
"Are you serious? Why the hell would they do that?"
"Kasi knowing the relationship of the two gangs, maaring magamit yon kontra sa atin. Maaring gamitin nila against sa atin ang isa't-isa kung hindi pa tayo magsasanib pwersa." Andrew
Gems is the number one female gang in our area. Same as the Zodiacs for the male. But will the merge benefit us or it would make things worse?
"Andrew, kapag nangyari yun, ang kalaban ng zodiacs, magiging kalaban ng gems at ng bloodsuckers gang. Kahit na bloodsuckers gang lang ang may atraso sa kanila, madadamay ang zodiacs at gems kapag tinuloy ang merge."
Maaring magpalala sa mga mangyayari ang bagay na yun. Maaring magbigay yun ng idea sa iba pang mga gangs na magsanib pwersa para talunin ang gang nila.
Sa Zodiac at Gems pa lang hindi na mabilang ang mga kaaway, idadagdag pa ang grupo ni Ynares. Given na magiging malakas ang grupo namin pero hindi makakatulong sa amin kung malalaman ng ibang gangs iyon at magsasanib pwersa din sila.
"What do you want to do? After all iniwan nila sa atin ang final decision." Andrew
"I would rather choose to keep it in dark. Wag na lang ipaalam sa gang world na nagkakaisa at nagkakasundo ang Gems, Zodiacs at bloodsuckers gang. Wag na muna sa ngayon. Mukhang walang maitutulong sa atin yon. Sa dami ng kaaway nila, sigurado akong out numbered pa rin tayo kapag nagtulong-tulong lahat ng kaaway nila." Paliwanag ko sa kanya.
Mabagal namang tumango-tango si Andrew.
"You're right. Wag na lang siguro muna sa ngayon. Were united but we will keep it for now." Andrew
Ngumiti ako kay Andrew at hinawakan niya ang kamay ko. We want this peace and harmony that we have to remain for a while. Ayaw na muna namin ng gulo.
For the past three months, naging isang roller coaster ride ang buhay namin ni Andrew sa dami ng pangyayari. Wala naman sigurong masama kung humiling ako ng panandaliang kapayapaan hindi ba?
"Athena! Andrew!" Sigaw ni Aquarius.
Lumapit kami sa direksyon nila at nakiupo malapit sa apoy na ginawa nila. Nakaupo kami palibot sa bonfire.
"Nag-eenjoy ba kayo dito?" tanong ni Andrew
"Syempre! Libre eh. Pero mukhang mas nag-enjoy kayo ..." May halong panunukso ni Gemini
"Oo nga. Hindi na kayo nakalabas ng kwarto niyo eh. Nakailang rounds ba boss?" Panunukso ni Virgo kay Andrew.
Kinuha ni Andrew ang isang bote ng San Mig Light na walang laman at mabilis na binato sa direksyon ni Virgo.
"Gago." Andrew
"Napagod kasi kami sa biyahe. Parehas kasi kaming may sea sickness kaya nakatulog na rin kami pagkaayos namin ng mga gamit namin sa kwarto." Pagpapalusot ko.
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Teen FictionAndrew is the student council president. Athena is the rule-breaker. Araw-araw nag-aaway. Araw-araw sinisita siya ni Andrew pero ganun pa rin. Lumalabag siya sa mga patakaran ng paaralan. Isang araw dahil sadyang pinaglalaruan sila ng tadhana, naka...