Entry 2
Time Machine
"Kung bibigyan kayo ng time machine, anong tatlong kamalian sa buhay mo ang gusto mong baguhin?"
San ko napulot ung tanong na yan? Sa ask.fm lang naman. That question hit me at talagang tumatak sa akin.
Siguro kung kayo, gusto nyo magkaroon ng time machine, well, iba kasi ako eh. Ayaw ko magkaroon ng time machine, at kahit may ganun pa wala akong paki. Bakit?
Simple lang, wala akong gustong baguhin sa past ko. I dont have regrets in my life. Ako kasi ung tipo ng taong handang mag-take ng risk wag lang magkaroon ng regrets. Ayokong may pinagsisisihan. Syempre tao rin naman ako, I commit mistakes, Marami akong pagkakamali na nagawa sa buhay ko, pero kahit pa bigyan mo ako ng time machine ayaw ko ng baguhin un. Kasi dun sa mga pagkakamali na un, dun tayo natututo.
Hindi mo mararating yung kalagayan mo ngayon kung hindi dahil sa mga pagkakamali mo noon. Mistakes serves as a lesson for us. You'll never learn unless you make mistakes.
Sa buhay ko naman ngayon, ung mga pagkakamali ko noon ung nagsilbing lesson sa akin at inspiration para marating ko kung ano man ako ngayon. Hindi man ako ganun ka-successful pero I have a lot of lessons that I learn in my life. In 18 years of my existence, ang dami ko ng natutunan, at jan ako proud sa sarili ko. Ngayon ko masasabi na talagang nag-matured na ako. Alam ko maraming pa akong daranasin na hirap, pero sa ngayon kuntento na ako sa buhay ko, well, syempre I always be thankful sa mga darating pang blessings. Di naman ako naghahangad ng sobra, kasi alam ko God will always there to provide my needs. Alam nya kung ano ung pangangailangan ko.
Kung babaguhin ko ung past, mababago rin ung future ko, malamang wala akong natutunan tungkol sa buhay. From that mistakes, I am what I am today, and Im trying my best to be the best person that I can be someday. Yung mga kamalian ko na un, nakatatak na un sa pagkatao ko, someday, maikukwento ko un sa mga magiging anak ko, at isa siguro un sa mga bagay na maipagmamalaki ko.
Ang buhay simple lang naman, hanggat nabubuhay ka hindi ka dapat huminto. May mga pagkakamali ka mang magawa, pero patuloy ka pa rin bumangon, hindi mo kelangan ng time machine para maging maganda ang future mo. Dahil ang future nakadepende sa kasalukuyan. Kung ngayon susuko ka, wala kang mararating. Yung past, it will always serve as a lesson for us to make our future clearer and brighter.
Just enjoy your life to the fullest. And syempre, always trust God and surrender your life to Him. He has a greater plan for you. Dont give up. Given na sa life ang challenges and that challenges will make us stronger.
Hindi mo kelangan ng time machine. Ang kelangan mo si God.
BINABASA MO ANG
Inside Thought
Roman d'amourIto ay compilation ng mga ideya, opinyon at mga karanasan. Kahit anong maisip ko tungkol sa mga bagay bagay. Advices about love, kwentuhang politika, sports at kung ano ano pa. Lahat ng maisip ko. Kumbaga parang ako, walang patutunguhan. Ito ay bu...