Entry 6
Regrets
Have you ever made a decision in your life that you regret ??
Ako? I once made a decision that I've regreted in my entire life. Isang beses pa lang sa buong buhay ko. Hindi ko inakalang pagsisisihan ko ung araw na yun. Minsan gumagawa tayo ng mahihirap at complicated na mga decision sa buhay. Akala natin matatanggap natin ung mga consequences nung decision na ginawa natin. Akala natin ready tayo dun sa consequences. Pero hindi mo malalaman na hindi pala ganun kadali tanggapin un hanggat wala ka dun sa posisyon. You have to live with that decision you have made. No choice ka na eh, kundi tanggapin na lang ung consequences. Saka mo lang malalaman na mali pala yun kapag ikaw mismo nasasaktan na pero wala kang magagawa kundi panindigan na lang yung desisyon na ginawa mo. Oo, mahirap pero you have no choice but to accept and live with it, because it is YOU who made that.
Bakit ganun no? kung sana malalaman mo agad ung consequences dun sa ginawa mong desisyon. Kaso malalaman mo lang ito kapag huli na ang lahat. Kung sana may undo lang ung buhay natin eh para mai'undo natin ung mga nagawa nating desisyon. Yung masakit pa dun, hindi lang ikaw ung nasaktan, may ibang tao ka ring nasaktan dahil sa desisyong ginawa mo. Saklap no.
Pero if there's one thing na maaari mong gawin is to accept and hope.
Accept the consequences of that decision you've made. Oo, hindi ganun kadali iyon, pero wala ka namang magagawa kundi tanggapin. Think positive na lang. hindi naman siguro mangyayari iyon ng walang dahilan. Everything that happens has a reason. Yung magandang side siguro nun eh yung lesson na maaari mong matutunan. Matuto na lang tayo dun sa consequences ng decision na ginawa natin para sa susunod mag-iisip muna tayo bago gumawa ng desisyon. Balewala kasi iyon kung hindi tayo matututo. Maybe it will teach us to be strong and to use our head before we decide.
Hope. You have nothing to do but to hope that somehow and someday everything will fall back into place. You have to keep that hope para kahit papano meron kang pang hawakan. Hope that someday he will be back to you. Hope na kaya ka nasasaktan ngayon ay para mai'ready ka ni God sa mas marami at malaking blessings, para sa susunod kaya mo ng i'handle iyon. Pero don't hope too much, kasi yung sobrang hope na yan, minsan yan ung dahilan para mas lalo kang masaktan. Stick to the reality. Don't expect and hope too much. Dati kasi sigarilyo lang ang hope ngayon lason na.
Ang dami ko ng sinabi, pero hindi mo pa rin alam ung greatest regret ko sa buhay ko. Ano nga ba iyon?? Hmmmm..
Leaving him behind and saying goodbye is the greatest regret I've ever done in my entire life. I shouldn't have done that. If only I am strong and brave enough to fight for him. I thought I was ready for the consequences, but I guess until now I'm not.

BINABASA MO ANG
Inside Thought
RomanceIto ay compilation ng mga ideya, opinyon at mga karanasan. Kahit anong maisip ko tungkol sa mga bagay bagay. Advices about love, kwentuhang politika, sports at kung ano ano pa. Lahat ng maisip ko. Kumbaga parang ako, walang patutunguhan. Ito ay bu...