Entry 9 - Moving On; Moving Forward

62 5 0
                                    

Entry 9

 

Moving On; Moving Forward

 

 

Paano nga ba mag move on? Maski kasi ako, hindi ko alam. Yun ba yung kapag nakakaya mo ng gawin ung mga bagay na ginagawa mo dati. Masasabi mo bang naka move on ka na kapag nakakaya mo nang makita siya na may kasamang iba. Kapag hindi mo na binibisita yung mga social media accounts niya. Kapag nakakaya mo ng maging masaya kahit wala siya. Yung hindi mo na hinahanap yung presence niya. Move on ka na nga ba kapag lahat ng nabangggit ko, eh nagagawa mo na? Naka move on na nga ba talaga?

Alam mo, sabi ng professor ko sa world literature, "there's no such thing as moving on". I agree to him. Siguro nga hindi mo talaga malalaman kung nakamove on ka na. Siguro nga walang moving on, pero  A C C E P T A N C E meron.Tanggapin mo na hindi ka na niya mahal. Tanggapin mo na may iba na siyang mahal. Tanggapin mo na naloko ka, na dalawa kayong pinagsabay niya. Tanggapin mo na ginago ka. Tanggapin mo na hindi ka na niya kayang ipaglaban kahit pa gusto mong lumaban para sa kanya. Tanggapin mo na talo ka. Masakit di ba? Wag kang magagalit sakin. Isang paraan yan para matanggap mo yung mga nangyari sayo. Face the reality. Yun yung nangyari eh, hindi mo naman na mababago yun. Para sakin kasi, nagsisimula ang pag momove on sa pag accept. Sa pagtanggap. Minsan kasi kahit ayaw mo, kailangan mong tanggapin yung mga nangyayari sayo. Kapag natanggap mo na, dun ka lang makakausad sa buhay. Hindi naman minamadali ang pagtanggap sa mga masasakit na bagay na nangyari, dahan dahan lang, unti-unti. It takes a process. Hindi siya pang 2 months or 3 months, minsan nga umaabot pa ng taon. Wag mong bilangin ung buwan o taon, ang mahalaga, matanggap mo kahit gaano pa katagal. At habang nasa proseso ka ng pagtanggap, mag enjoy ka lang. Appreciate the things that you have. Appreciate the people that loves you. Makakatulong yun. Kung sakaling nasasaktan ka man sa process, endure the pain, hanggang sa maging normal na lang sayo, hanggang sa maging parte na lang ng buhay mo, hanggang sa makasanayan mo na lang then eventually, for sure magugulat ka na lang, nakakaya mo ng harapin ung mga bagay na nakakasakit sayo. Dun ka magsimulang bumangon. Sabi nga sa kanta, "what doesn't kill you makes you stronger". Hindi ka naman napatay nung sakit na yun eh, so makakaya mo pang bumangonWala naman kasing mangyayari kung magmumukmok, magpapaka emo at madedepress. Lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo. Enjoy your life. Have fun and do something that is so productive. It can help you to lighten your mood and keep yourself busy. The more kasi na nag ooverthink ka, the more na madedepress at mapapraning ka lang. Wag mo ring sisisihin yung sarili mo. Hindi nakakatulong yun. Wala kang dapat sisihin kung bakit nangyari yung mga masasakit na bagay, everything happens for a reason, kung ano man yung reason, malalamon mo yun in God's perfect time. Lastly, matutong magpatawad.Kasabay ng acceptance ang forgiveness. Forgive the person that hurt you and forgive yourself. Sa pagpapatawad nagsisimula ang pagtanggap. Kahit gaano pa kasakit yung nagawa sayo, kailangan mo pa rin magpatawad. Forgive not for the person that hurt you but for yourself. Gawin mo ang pagpapatawad para sa sarili mo. By doing that, you can have a peace of mind and heart. Peace of mind is the greatest asset we have for happy and healthy living.

Kaya mo na bang gawin lahat ng nabanggit ko o kung nagawa mo na ba lahat ng nabanaggit ko? Umabot ka na ba sa puntong masaya ka pero hindi na dahil sa taong nang iwan sayo. Sabi naman sayo eh, kaya mong maging masaya kahit wala siya. Wag kang mag alala marami pang nagmamahal sayo. May pamilya at mga kaibigan ka pa. Minsan kasi, hindi natin napapansin ung mga taong totoong nagmamahal sa atin. Naka focus kasi tayo sa taong akala natin eh mapapasaya tayo. Akala lang pala natin un? Eventually kapag iniwan ka nila, babalikan mo rin ung mga taong nandyan lang at patuloy na nagmamahal sayo. Don't chase the one who leave, instead focus on those people who stay. Eh ano kung iniwan ka niya? Marami pa ring nagmamahal sayo. Divert all your love to those people who stay in your life. I bet, you will be happier.Mahalin mo rin yung sarili mo. Tandaan ang number 1 rule sa pagmamahal, ay magtira para sa sarili. Wag kang magmahal ng sobra sobra, dahil lahat ng sobra nakakasama. Learn to love youself and the people around you, then you will be surprised that you are already move on.

You are now moving forward with your life. That's how I manage to get over and move forward.

Inside ThoughtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon