Entry 5 - Forever and Happy Ending

103 3 0
                                    

Entry 5

Forever and Happy Ending

Maraming nagtatanong sa akin kung naniniwala ba ako sa forever at happy ending.

Forever? Happy Ending?

Sabi nila hindi na daw ito nageexist ngayon, dahil sa panahon ngayon bihira na lang makahanap ng taong talagang magmamahal sayo ng totoo at tapat. Mas marami ang nabobroken hearted at nabibitter, kaya naman patok na patok sa masa ung mga libro at movie na pang broken. Ung tipong hindi nagkakatuluyan ung mga bida. Ung akala mo yun na, happy ending na pero biglang may plot twist, nakakabadtrip kung minsan 'no. Sabagay, sino ba ung nagmahal na hindi nasaktan? Halos lahat naman ng tao, nasaktan dahil sa salitang love. Nag take ng risk kahit pa alam nila na 100% eh posible silang masaktan. Pero alam mo ung nakakatuwa, marami pa rin ang naghahangad na ma-in love. Ung tipong umaasa pa rin sila na may isang taong dadating at magliligtas sa kanila, ung taong magpaparealize sa kanila na meron talagang Forever at Happy Ending.

For me, Forever do exist. Isang matibay na halimbawa nito, eh yung mga magulang natin. Kung walang forever, malamang naghiwalay na yang mga magulang mo, wala ka sa mundong ibabaw. Wala rin sanang sakramento ng kasal. Hindi ka haharap sa altar at sasabihing "till death do us part". Si God na mismo ung nagpatibay ng "forever". Kaya nga di ba wala makahahadlang sa dalawang taong pinagbuklod ni God, kundi kamatayan lang.

Kung ung happy ending naman ung tinatanong mo. I still believe that each of us have our own happy ending. Kung hindi ka pa masaya sa buhay mo ngayon malamang hindi pa yun ang happy ending mo. May mga mangyayari pa sayo na maaaring maging factor para magkaroon ka ng happy ending. Minsan naman, ung happy ending, hindi lang nagsisimula sa pagkakaroon ng love life, kundi, dapat maging maayos ang buong aspeto ng buhay mo para maging masaya ka, at dapat marunong ka makuntento. Hanggat hindi ka nakukuntento at nagnanais ka pa ng mas hihigit sa kung anong meron ka, hindi ka magkakaroon ng happy ending. Minsan kasi tayo mismo ung gumagawa ng sarili nating happy ending. Nakabase ito sa mga decisions mo sa buhay.

Kung isa ka sa mga taong nawalan na ng pag-asa na magkakaroon sila ng happy ending at hindi na naniniwala sa forever, isa lang ang dapat mong gawin: Believe and Keep the Faith. Kapit ka lang, wag kang bibitaw dun sa pag-asang pinanghahawakan mo. Naniniwala ako na merong plano si God para sa atin. Hindi niya tayo hahayaan na maging malungkot. Wag kang matakot mag-take ng risk. Mas okay na ung alam mong may ginawa ka para maging masaya ka, para sa huli wala kang pagsisisihan. Do some action and let God do the rest. Each of us deserves a happy ending, and each of us has our own partner to remind us that forever still exist.  

Inside ThoughtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon