Entry 4
Dare To Dream; Make It Happen
Lahat ng tao may mga pangarap. Mga pangarap na nagsisilbing motivation upang mas maging makabuluhan ang buhay. Naaalala ko pa noong elementary ako, kapag tinatanong ako kung anong gusto ko maging, paglaki ko ang lagi kong sagot eh, "gusto kong maging teacher". Hindi ko alam kung san ko napulot ung pangarap na yan. Siguro kasi natutuwa ako tuwing pinagmamasdan ung mga guro ko noon. Parang ang cool maging kagaya nila. At syempre bata, madali lang maimpluwensyahan ng nasa paligid mo.
Bago ako matapos ng elementary, nahilig ako sa mga OPM songs, ung mga kanta ng mga banda. Kasali rin ako sa rondalla, ung mga tumutugtog ng mga bandurya, gitara at ibat ibang instrument. Swerte ko nga dahil pinayagan ako ng magulang ko sumali dun. Nung malapit na ako magtapos ng elementary, sinabi ko sa sarili ko na sana, magkaroon ako ng banda. Gusto kong kumanta sa harap ng maraming tao. Gusto kong tumugtog sa kanila. Gusto kong ibahagi sa kanila ung musika na meron ako. Ang dami kong gusto pansin mo?
Nung nag-high school na ako, nagkaroon ako ng mga kaibigang lalaki na magagaling maggitara. Bonus pa, nakasali rin ako sa music ministry sa simbahan. Pakiramdam ko natutupad ko na ung mga pinangarap ko nuon nung nasa elementary pa lang ako. Kumakanta ako sa harap ng maraming tao kapag nagka-choir at tumutugtog din ako sa harap nila kapag nasa charismatic na. Sumali rin kami sa isang contest nuon, tipong battle of the band, isa ako sa vocalist at may hawak ng rhythm guitar. Nagkaroon din kami ng pagkakataon kumanta sa mga bars, at kahit papano eh, kumikita ako. Ang sarap sa pakiramdam na unti-unti natutupad ung mga pinapangarap mo. Nasa isip ko lang ang mga ito dati, hindi ko inakalang matutupad. Ang sarap gawin ung isang bagay na hilig mo talaga, hindi ka makakaramdam ng pagod, tanging saya lang ung mararamdaman mo sa tuwing naa'acomplish mo kung ano ung ginusto mo.
Dahil makulit ako, hindi natapos dyan ung mga pangarap ko, bago ako magtapos ng highschool, sinabi ko sa sarili ko na sana, makapasok ako sa Polytechnic University of the Philippines o PUP. Gusto ko doon mag-college. Alam ko, ang daming prestigious school dyan, pero ewan ko ba sa sarili ko bakit dyan ko ginusto makapasok. Sabi ko pa nga, psychology ung gusto kong kurso. Di nagtagal nakapasa ako sa test, edi success na, makakapag-aral na ako sa gusto kong eskwelahan. Kaso nung enrollment na, nalaman ko na lang puno na ung slots sa psychology, malungkot ako syempre, hindi ko na makukuha ung kursong gusto ko. Naghahanap ako ng mga kursong pupwede sa akin, hanggang sa nakita ko ung Marketing. Sabi ko, mahilig naman ako sa business, hm sige na nga bahala na. Ayun, tinanggap naman ako sa marketing.
Pinagbubutihan ko talaga ung kinukuha kong kurso ngayon sa PUP, kasi sinabi ko sa sarili ko, gusto ko magkaroon ng award pag grumaduate na ako. Kahit Cum Laude lang, masaya na ako. Kaso meron na namang pangyayari na hindi inaasahan eh, meron akong terror na professor, binigyan niya ako ng grade na tres. Syempre umiyak ako, biglang gumuho ung pangarap ko. Ung tipong ginawa mo naman ung lahat, as in ung best mo pero wala eh, sabi ko nga hindi na ako ung may kasalanan, sa palagay ko ung prof ko. Buti na lang sinabi ni mama na, "hayaan mo na yang laude na yan, ang mahalaga makatapos ka ng college." Ang sarap sa pakiramdam marinig yang mga ganyang salita mula sa magulang mo. Nakaka-uplift ng spirit, nabuhayan ako ng loob. Nabalik ung self-confidence ko. Sinabi ko sa sarili ko, "sige mama, pagbubutihin ko, makakatapos ako ng may maayos na grade at makakasabay ako sa mga kaklase ko sa pagmartsa sa march".
Sa kasalukuyan, isang taon na lang bago ako makatapos ng college, bukod sa pag-aaral ng mabuti, nahihilig din ako ngayon sa pagbabasa at pagsusulat. Pumupunta ako sa mga book launch ng mga paborito kong mga authors kagaya nila Rhadson Mendoza at Marcelo Santos III. Nung isang beses nga na nagpunta ako sa launching ng book nila, nasabi ko na lang sa sarili ko, balang araw makakasama din ako sa inyo. Magiging writer din ako kagaya niyo. Nakaka-inspired kasi sila, at bukod dun, ang pagsusulat din ang isa sa mga hilig ko. Kaya nga eto ngayon, pinipilit ko maisakatuparan ung pangarap ko na yun eh.
Bukod sa mga nabanggit, pangarap ko din magkaroon ng isang maginhawang buhay, para sa akin at para sa pamilya ko. Maging professor, maging photographer, magkaroon ng sariling business, magkaroon ng sariling bahay at kotse. Minsan suntok sa buwan na ung mga pangarap ko di ba? Tipong walang kasiguraduhan kung matutupad ba siya o hindi.
Bakit ko sinasabi sayo ung mga pangarap ko? Sinasabi ko ito hindi para magyabang, gusto ko sabihin na, ang tao habang nabubuhay dapat patuloy na mangarap. Ung mga pangarap na un, minsan un ung motivation natin at goal, para alam mo kung saan patungo ung buhay mo. Kasama ng pangangarap mo ung determinasyon at tiyaga na gawin lahat ng bagay para matupad ung mga ninanais mo sa buhay. Habang nagkakaedad ka, mas lumalalim ung mga pangarap mo, mas nagiging mahirap itong abutin. Minsan nga, may mga pangyayari pa sa buhay natin na hindi natin inaasahan. Tipong susubukin ka talaga kung hanggang saan mo kayang mag-stand para sa mga pangarap mo. Pag nangyari sayo un, ang kailangan mo lang gawin, manalig ka lang. Have faith that everything will gonna be fine. Magtiwala at magdasal ka lang kay God, dahil lahat ng pangarap mo ay balewala kung hindi mo sasamahan ng panalangin. May mga pangarap tayo na nawawala at nagiging imposible na natin maaabot. Tandaan mo lang na may, mas better na plano si God para sayo. Hindi man umayon sayo ang sitwasyon, sooner or later you will realize na kaya pala hindi nangyari un dahil may mas better pala. Basta wag ka lang titigil na mangarap, kahit pa ung mga pangarap mo eh, suntok sa buwan na, at least di ba may pangarap ka. Malay mo magkatotoo, walang nakakaalam ng future mo, nasa sayo din un, kung paano ka magreact ngayon sa mga nangyayari sa buhay mo, dun nakadepende ung future mo. Every decision you make today affect your future.
Basta tandaan mo lang never say die sa mga pangarap mo. Continue to aim high but always keep your feet on the ground. Samahan mo ng panalangin lahat ng pangarap mo. Don't stop dreaming. The moment you stop to dream is the moment you stop living for your life.
BINABASA MO ANG
Inside Thought
RomansaIto ay compilation ng mga ideya, opinyon at mga karanasan. Kahit anong maisip ko tungkol sa mga bagay bagay. Advices about love, kwentuhang politika, sports at kung ano ano pa. Lahat ng maisip ko. Kumbaga parang ako, walang patutunguhan. Ito ay bu...