Entry 1 - First Love

145 3 0
                                        

Entry 1

First Love

Sabi nila, "first love never die" daw. Maraming hindi naniniwala dito pero ako naniniwala ako sa kasabihang yan. Bakit? Proven kasi sa akin yan. Maraming beses  na akong nainlove, at ung first love ko ang pinakatumatak sa akin. Ikaw ba naman ang mainlove sa bestfriend mo eh. Masaya at masarap sa pakiramdam. Tipong bawat oras na magkasama kayo eh parang wala ng bukas, as in enjoy talaga.

Masarap mainlove lalo na kung first time mo, bago sa pakiramdam. Tipong may mga bagay kang nagagawa na hindi mo inaakalang kaya mo palang gawin para sa kanya. Kusa mo na lang natutunan kahit hindi mo pag aralan. Pero sa first love, dun mo rin mararanasan ang first heartache, first pain, at higit sa lahat ang unang beses na maaari kang mabroken heart. But that things make your first love special.

Kaya mas tumatatak sa atin ung taong una nating minahal dahil siya ung unang nagparanas sa atin ng lahat ng pwede mong maramdaman pagdating sa love. Kung sakaling hindi naging successful ang first love mo, hindi ibig sabihin nito na wala na itong halaga sayo. It will always be special to you. Yung unang taong minahal mo, palagi siyang may space dyan sa puso mo na hindi na mapapalitan ng kahit na sino. Maaaring magmamahal ka ng iba pero hindi ka na magmamahal ulit kagaya nung pagmamahal na naramdaman mo nung unang beses mong naranasang mainlove. The first cut is the deepest. First love, first heartache.

Kung hindi man naging maganda ang kinahinatnan ng un among pag-ibig, wag kang matatakot magmahal ulit. Basta tandaan mo lang, dapat handa kang masaktan, dahil lagi ng kaakibat ng salitang love, ang salitang pain. Kambal kasi ata sila.

To loved and be loved is the most wonderful feeling in the world. Gumagalaw at nagkakaroon ng kabuluhan ang buong 24/7 at 365 days mo dahil sa salitang LOVE. Kaya wag kang titigil magmahal. Cherish your first love and learn from all your first experiences in love.

Sa lahat ng inlove, nainlove at maiinlove.

Cheers!

Inside ThoughtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon