Entry 7
The One That Got Away
Naransan mo na bang maiwan o iwanan ng isang taong pinakamahalaga sayo? Eh yung ma- friendship over ng bestfriend mo? Sakit lang no? Nakakabadtrip din.
Ako,? maraming beses na ako iniwan ng mga taaong mahal o minahal ko. Hindi ko alam kung bakit ganun? Tipong binigay ko naman lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanila pero palagi na lang nilang pinipiling iwan ako. Alam mo ung masakit dun, laging nasasakto sa supposedly special day ko, ang birthday ko. Hindi ko alam kung anong malas meron ang September 18, at palagi na lang may hindi magandang nangyayari. Kung hindi nag-aaway ung mga magulang ko, merong malaking problema at ang worst may taong laging umaalis sa buhay ko, yan ung madalas na scenario sa birthday ko. Ang saklap no.?
Ganun na nga siguro yun. Not all the people that come in your life will stay in your life. Hindi naman natin hawak ung feelings at isip nila eh. Kung choice nilang iwan tayo, wala na tayong magagawa kundi tanggapin yun. Masakit man at talagang nakaka bullshit yung feeling, no choice ka naman eh kundi tanggapin na lang. Don't ever chase for that person who got away. Nagsasayang ka lang ng effort kung hahabulin mo siya. Ibig sabihin lang kasi nun, hindi ka niya ganun kamahal kaya nagawa ka niyang iwan. Kaya nagawa niyang tapusin lahat ng meron sa inyo. Hindi ka niya ganun pinahalagahan, kasi kung talagang mahalaga ka sa kanya, pipiliin niyang mag stay sa buhay mo. Masakit man pero yan ung reality. Yan yung katotohanan.
Siguro, yung magagawa mo na lang is to accept. Acceptance na lang sa naging decision niya. Masakit man pero yan ung nararapat gawin. Learn to move on. It may take a long process, but when you do it, you'll see that it worth the pain. Sabi nga ni Popoy, sa movie na One More Chance, "kaya siguro tayo iniiwan ng mga taong mahal natin, kasi merong bago na darating. Yung makakapagpasaya sayo". Ipakita mo na lang sa taong nang-iwan sayo na masaya ka kahit wala sya. Yun na lang siguro ung magagawa mo para sa sarili mo, para kahit papano magkaroon ka naman ng pride para sa sarili mo. Learn to value those people that choose to stay in your life. Hayaan mo ung "the one that got away", isa lang naman siya eh, marami pang taong nakapalibot sayo na willing mag stay sa buhay mo at magparamdam ng pagmamahal nila sayo. Tandaan mo, marami ang nagmamahal sayo.
Author's Note:
To The One That Got Away:
Alam mo, sa totoo lang gustong gusto kitang sampalin o suntokin. Gusto kong ipadama sayo ung sakit na hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin dahil sa nging desisyon mo. Oo, alam ko ako ung unang nakipag hiwalay. Commitment lang naman ung tinapos ko satin, hindi ung pakikipagkaibigan ko. Hindi ko itinapon lahat ng pinagsamahan natin. Gusto kong ipadama sayo, na kahit hiwalay na tayo, nandun pa rin ung pag-aalala ko biglang kaibigan mo. Kaso mukang hindi mo na nga ako kailangan sa buhay mo. Nagagawa mo na nga ikwento sakin yung mga pinaggagawa mo kasama siya/sila. Hindi ko alam kung anong gusto mong palabasin, na kaya mo ba sinasabi yun dahil gusto mong ipakita sakin na masaya ka kahit wala ako? Siguro nga ganun un. Ang sakit lang na nabalewala lahat ng ginawa ko para sayo dati. Na parang nawalan ng halaga lahat kasi nakaya mong itapon na lang ng basta basta ang lahat. Masakit man pero wala na akong magagawa dun eh, desisyon mo yun. Siguro nga hindi naman ganun kahalaga sayo ung pinagsamahan natin. Siguro nga masaya ka na kahit wala ako at siguro nga hindi mo na ako ganun kailangan. Meron na sigurong mas nakakaintindi sayo higit sa pag-intindi na ibinigay ko. Masakit lang kasi tinanggap ko lahat lahat ng imperfections at flaws mo pero sa kabila ng lahat ng yun nagawa mo pa rin piliin na umalis sa buhay ko. Tanggap ko naman na nandyan na siya/sila. Na masaya ka na sa kanya/kanila. Na ung space na dapat para sakin, eh nasa kanya/kanila na. Wala naman akong magagawa kundi tanggapin un eh. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na isang malaking joke lang lahat, na babawiin mo ung mga sinabi mo. Kaso huli na rin naman ang lahat. Damage has been done.
Minsan napapaisip na lang ako, kung sana hindi na lang tayo naging close, baka siguro masaya pa rin ako ngayon. Normal pa rin sana ung buhay ko. Kasi nuon hindi ko naman talaga hinahanap ung ganung pakiramdam eh, ung bang may nagmamahal sayo, na special ka at mahalaga. Nuon kuntento na ako sa love na ibinibigay ng mga kaibigan ko, kaso nabago lahat nung dumating ka. At kailangan ko na naman sanayin ung sarili ko. Kailangan ko na naman maging bato at manhid. Maraming akong tanong na hindi ko mahanap ung sagot. I leave them hanging. Kasi kahit mahanap ko pa ung sagot wala rin namang ng mababago. Nangyari na eh.
Salamat na lang sa lesson na ibinigay mo. I learn not to trust to anyone because eventually they will leave you, even if you do everything to make them stay. Even if you make yourself a stupid for them to stay, they still choose to leave you. I learn not to believe in all promises. Most of all, I learn to be strong as stone, so I will not easily fooled by love. Mas okay ng maging bato at manhid at least safe from all the hurt and pain.
Sana lang maging masaya ka sa kanya/kanila. Well sa nakikita ko mukha ka namang masaya. Hanggang dito na lang. Nais ko lang ipabatid ung nararamdaman ko. Malalaman mo yun kung mababasa mo to. Pero sana wag mo na lang mabasa.
To Michelle Galura:
Sorry if I became rude at you. It's just that I can't be friends with you. Hindi ko kayang mag pretend at plastikin ung sarili ko na okay lang sakin ung mga nakikita at nalalaman ko. Nuon pa man kasi, mas nauuna ka/kayo NIYA kesa sakin. Siguro nga mas naiintindihan mo siya kesa sakin. Sa totoo lang naiinggit ako sa iyo/inyo pero wala na akong karapatan para dun. I just wish na mas sumaya siya sayo/sa inyo, na wag mo/ninyo siya iiwan kapag may problema siya, kasi ikaw/kayo na ung bagong mundo niya. Im really sorry for all the things I have said that night. Kindly pretend that you don't know me. Hanggang dito na lang. Thanks and Sorry.
BINABASA MO ANG
Inside Thought
RomanceIto ay compilation ng mga ideya, opinyon at mga karanasan. Kahit anong maisip ko tungkol sa mga bagay bagay. Advices about love, kwentuhang politika, sports at kung ano ano pa. Lahat ng maisip ko. Kumbaga parang ako, walang patutunguhan. Ito ay bu...