Sam's POV
"Bilisan niyo na raw po sa pag-eempake Ma'am, dahil malapit na pong dumating ang mga pinsan niyo, na makakasama niyo sa outing" inis akong humarap sa buset na taong nagsabi noon.
"At anong karapatan mong utusan ako? Who the f*** give you a permission? Tandaan mo... ako ang AMO rito at hindi IKAW kaya huwag ka ngang masiyadong feeling diyan!" madiin kong sambit, sabay irap sakanya.
"Opo Ma'am matatapos kayo kahit ano mang oras niyo gustuhin, iyon nga lang maiiwan kayo" hindi parin nawawala ang ngiti sakaniyang mukha habang sinasabi niya iyan.
Hindi ko alam kung mababanas ba ako o matatawa ako sakaniya, muntimang kasi itsura. Eh alam niyo iyong rabbit na stuffed toy na hindi gumagalaw at kung ngumiti labas gilagid? parang siya iyon eh, pasalamat siya at busy ako sa pag-eempake kundi barado nanaman siya sakin.
Nang matapos akong mag-empake padabog kong ipinabuhat sakanya ang aking dinalang maleta at siya naman ay... as usual lampa parin, pagka-bigay ko kasi ng maleta or should I say pagka-hagis, bigla siyang natumba hindi niya kasi nakayanan eh kahit hindi naman mabigat.
Sabagay patpatin kasi ang isang ito, habang nilalagay niya ang maleta ko sa likuran ng van patawa-tawa lang akong umupo sa katabi ng driver's seat at naglagay ng sun glasses at earphones.
Dahil nga naka-sunglasses ako hindi niya alam kung tulog ako o gising napansin ko ring nakasakay na lahat ng aking pinsan ko at kaniya-kaniyang labas na sila ng gadgets at earphones.
Nang masiguro ni patpatin na ayos na ang lahat naisipan na niyang i-drive ang van at naisipan ko na ring gumawa ng kalokohan habang siya'y nagda-drive, bigla kong itinaas ang aking paa at nagkunwareng tulog pa dahil nakapalda lang ako ng maiksi expose ang aking legs.
Napansin kong napatingin siya doon dahilan para mamula ang kanyang tenga na siyang ikinangisi ko nang palihim, madistract sana siya kaka-drive.
Habang ganun parin ang kaniyang tenga biglang napapreno siya ng malakas at dali-dali ko namang binaba ang aking paa sabay alis ng sun glasses.
At kunwareng nagkukusot pa ng mata "Ano ba yan Jake, ayus-ayusin mo naman pagda-drive mo kainis panira ng tulog tss" kunware ay galit pa ako habang sinasabi iyon, kahit na sa isip-isip ko ay natutuwa na ako, pagkatapos noon ay natulog na ako iyong tunay na tulog.
Bago ako matulog hindi ko parin mapigilang mapangisi, ngayon alam ko na ang kahinaan ng mokong na ito may panglaban na ako. Sabagay lahat naman ng lalake iyon ang kahinaan, ano pa bga bang maaasahan ko?
••••••••••••••••••••••••
Oo alam ko pong may pagkasira-ulo itong si Sam pagpasensyahan niyo na may nakain lang po yang hindi dapat kainin ng maldita. Haha so ayon guyseuuu keep on reading coz I love you choss.
YOU ARE READING
A Lonely Life Of Mine
Teen FictionThis is all about the girl who is anti-social, a girl who prefer to be alone than to be with so many people.. Another story of mine again, I hope you will love it. I know hindi presentable yong book cover pero wag niyo na pong intindihin what's imp...