"STOP IT, Cion! Ikakasal na ako kaya puwede ba, tigilan mo na ako! Hindi ba malinaw sa 'yo 'yong usapan natin? Ayokong makipag-commit sa 'yo. Sex lang naman ang nag-uugnay sa ating dalawa kasi iyon ang gusto mo!""That was before, Matti! At pumayag lang naman ako because I don't want to lose you and I am hoping that we could put everything into serious relationship. I love you Mat, hindi ka naman manhid para hindi iyon maramdaman. Please, ako naman ang piliin mo. Masaya naman tayo 'di ba? We're so compatible in so many things. Let's start all over again, Honey." May pagmamakaawa sa boses nito. Pumunta pa talaga ng Batangas ang dalaga at sinadya siya nito sa lumang bahay nila kung saan doon gaganapin ang bisperas ng kasal nila ni Alisha. Mukhang nakatiktik sa kanya ang babae at alam nitong mag-isa lang siya doon. Bukas pa kasi luluwas ang mga magulang niya galing ng Maynila.
"Si Alisha ang gusto ng mga magulang ko. Bata pa lang kami, pangarap na nilang maging manugang si Ali. I also learned to love her morethan a bestfriend. Mahal kita bilang kaibigan Cion, believe me, I've been trying my best to learn how to love you the way you want to pero hindi ko kayang baguhin ang damdamin na meron ako para kay Ali . I'm sorry. Maybe we just love each other because of sex. Doon lang tayo compatible. Just accept that." Malakas na sampal ni Cion ang dumapo sa pisngi niya at hindi iyon napaghandaan ng lalaki. Well, he deserved it. Kulang pa nga ang sampal kung tutuusin sa dami ba naman nang ginawa niyang mali."Wow! Really? So, malinaw na minahal mo lang ako dahil sa puñetang sex na 'yan? Five years Matti! My God, ganoon lang pala ako sa 'yo. Parausan! How about that Alisha girl? Baka naman mahal mo lang siya kasi mahal siya ng mga magulang mo? Poor girl! Damn it Matti! You're a fuckin' asshole!"
Akala ni Matti ay patuloy na magwawala si Cion pero umupo ito sa puno ng hagdan at doon umiyak nang umiyak. Nanibago siya sa inasta ng babae, kung dati nagwawala ito sa t'wing may hindi sila napagkakaunawaan ngayon ay kakaiba ito. She was an image of a defeated ang devastated woman. Iniwan na niya ito doon. Gusto man niyang i-comfort ang dalaga pero alam niyang hindi iyon ang tamang gawin. Mabilis niyang pinaharurot ang kotse papunta sa kung saan. Ngayon niya lang na-realize ang mga bagay na dapat sa umpisa pa lang ay hindi na niya ginawa. Wala sanang nasasaktan ngayon. Nakokonsensya siya kapag nakikita ang kalagayan ni Cion. Sino bang lalaki ang matutuwa na makita itong namamaga ang mata sa pagmamakaawang ibalik ang dati? Pero hanggang doon na lang talaga sila ng babae. Kelangan na niyang harapin ang reality. At ang reyalidad na iyon ay ang mamuhay ng tahimik kasama si Alisha.
"Anak, masaya kami para sa 'yo. Happy Birthday and Happy Wedding day. Ito na yong matagal mong pangarap. Ito na 'yon, Anak-" maluha-luha ang papa niya habang nagsasalita. Kahit kailan hindi naging emosyonal ang papa niya tulad ngayon. "Parang ang bigat sa dibdib na mapapalayo ka na sa'min. Wala nang magluluto ng pinakamasarap na Kare-Kare, Arros Valenciana, at ano pa nga yong isa? 'Yong itinuro ng Kuya Waldo mo na pagkain daw ng mga Arabu, masarap iyon anak."
"Diay Beryani, Papa." "Yon nga ipagluto mo nga ako noon pag uwi niyo ni Matti dito. Sana pala nagpaturo muna ako sa 'yo kung paano lutuin yon." The melancholy in her father's voice was very detailed. Gusto man niyang aluin ito pero alam niyang lalo lang itong magiging malungkot. Kailangan na niya itong sanayin na ilang oras na lang lilisanin na niya ang tahanang iyon para pasukin ang panibagong yugto ng buhay niya. She would surely miss her family; her forever treasure."Ay si Papa nagda-drama na naman. Noong si Kuya Magno at Kuya Waldo ang ikinasal hindi ka naman ganyan ka emosyonal. Sus, tinalo mo pa si Mama, eh.
"Eh, kasi nga, ang mama mo naubos na ang luha niya noong ikinasal ang dalawa mong kuya. At saka kaya lang naman umiyak nang todo 'yong mama mo noon kasi wala na siyang mase-sermonan araw-araw. Alam mo naman 'yong dalawa mong kuya, parehong lagalag kaya gano'n na lamang ang drama ng ina mo noong magkasunod silang nagpakasal. Basta mamimiss kita, bunso. Magpakabait ka sa mga biyenan mo."
BINABASA MO ANG
Night Duty (R-18) PUBLISHED UNDER BOOKWARE(ebook version)
RomanceRATED-18 Her ultimate dream was to be married to Matti Montezar, her bestfriend. Bata pa lang si Alisha Guanzon ito na ang pinangarap niyang makasama habang-buhay at batid niyang may gusto rin ito sa kanya kaya naman iningatan niya ang pag-ibig na i...