CHAPTER 12
“Excited na talaga akong maging Ninang. Bakit ba ang tagal niyan lumabas?” Salubong na tanong ni Sam.
“Hayaan mo, one month na lang hindi lang pagiging ninang ang magiging papel mo sa baby ko, gagawin din kitang yaya.” Malakas na tawa niya samantalang si Sam naman ay nakangiwi. “Oo ba, basta malaki ang ibabayad mo sa akin.”
“Baka naman mamulubi ako niyan.” Sakay niya sa biro ni Sam. “Okay lang mayaman naman ang tatay niyan eh. Balita ko maunlad na ulit ang Auto shop nila at nadagdagan pa ng panibagong branch sa Probinsya.”
“Mukhang updated ka tungkol sa lalaking yon ah.”
“Ginagawa ko yon para sa’yo Ali. Teka, hindi mo pa rin ba napapatawad ang taong iyon?”
“I’m trying to, besides he’s the father of my child, iyon ay kung nakakaalala pa siya ng tungkol sa akin.”
“You couldn’t blame him if ever na nakalimutan ka na niya because you were the one who taught him to do so. Ilang beses mo nga palang ipagtabuyan ang pobreng iyon noon? He was also broken and devastated that time. Hindi lang naman ikaw ang nasaktan, Alisha. Kaya patawarin mo na 'yong tao. You couldn’t be happy if you are still holding a grudges towards him. Masaya na si Matti with his Girlfriend. Pati si Cion masaya na rin sa buhay may pamilya. Lahat sila nagkapatawaran na ikaw na lang ang hindi nagpapatawad.”
“Sam, mahirap patawarin ang taong sobrang minahal mo at pagkatapos ay malalaman mong niloloko ka lang.”
“Niloko ka nga ba? Dapat kasi inalam mo rin kung kaano-ano niya ang babaeng iyon. H’wag ka ng magpabebe diyan. Ikaw din, maraming matatabang isda sa karagatan samantalang ikaw isa ka ng Butanding na may malaking tiyan. Naghihintay lang naman daw siya sa 'yo at h’wag na itanong kung bakit ko alam.” Kumindat pa ito bago tumalikod.Napaisip siya dahil sa mga sinabi ni Sam. Oo nga naman, bakit hindi niya ulit bigyan ng chance ang lalaki.
Kahit hirap nang kumilos si Alisha dahil sa malaking umbok ng tiyan ay maaga pa rin siyang gumising para bumili ng bulaklak sa Dangwa. October Thirty first pa lang pero sisindihan na niya ng kandila ang mga mahal sa buhay na namayapa na. Hindi siya puwedeng makipagsabayan sa mga pupunta sa sementeryo bukas at tiyak niyang magigitgit lang siya. Hindi pa ganoon karaming tao sa Manila Memorial Park nang dumating siya. Iilan lang ang naroon para linisin ang puntod ng mga mahal nila sa buhay.
Pagkatapos niyang magsindi ng kandila at umusal ng maikling panalangin ay sunod niyang pinuntahan ang puntod ng mama ni Amerald, alam niya kung sa'n ito banda nakahimlay sapagkat isinama na siya minsan ni Amerald doon noong ok pa sila.
Kanina pa nakatayo si Amerald malapit sa malaking puno, patungo na sana siya sa puntod ng ina pero natigilan siya ng may babaeng lumapit doon at naglapag ng bulaklak. Hindi niya mapag-sino ang babaeng iyon, hindi niya kasi suot ang eyeglasses kaya nagpasya siyang lapitan ito.
“Ali-?” Hindi siya maaaring magkamali na ito ang babaeng pinakamamahal niya. Unti-unting humarap ang babae at hindi na siya nagulat nang makitang malaki ang umbok ng tiyan nito. She’s wearing an off-shoulder midnight blue dress. Umabot iyon sa itaas ng tuhod ng babae kaya nakalitaw ang mala-rosas nitong balat. Hindi nakabawas sa kaseksihan nito ang pagiging buntis, bagkus para sa kanya at lalo pa itong naging kaakit-akit.
She cleared her throat before she spoke. “Amerald-” Hindi niya alam kung ngingitian ang lalaki o ano pero nang ngumiti ito ay parang nahawa na rin siya. Lalo lang itong naging gwapo sa paningin niya. She imagined how those pink lips nipped and sucked her delectable skin. Kung hindi pa nito hinawakan ang kamay niya ay hindi pa siya matitinag sa kakatitig dito.
“Kung hindi pa ako umuwi hindi ko pa makukumpirma na totoo ngang magiging tatay na pala ako. You don’t have any idea how happy I am right now. I’m so sorry kung matagal akong hindi nagparamdam. Gusto lang kitang bigyan ng space kasi hindi mo ako matututunang patawarin kung lagi kitang kukulitin. Mahal na mahal parin kita. Sana may space pa ako diyan sa puso mo.”
BINABASA MO ANG
Night Duty (R-18) PUBLISHED UNDER BOOKWARE(ebook version)
RomanceRATED-18 Her ultimate dream was to be married to Matti Montezar, her bestfriend. Bata pa lang si Alisha Guanzon ito na ang pinangarap niyang makasama habang-buhay at batid niyang may gusto rin ito sa kanya kaya naman iningatan niya ang pag-ibig na i...