Chapter 4

6.4K 112 2
                                    

CHAPTER 4

UNTI-UNTING namuo ang tension sa pagitan nilang dalawa. Naglabanan ng matatalim na titig hanggang sa siya ang unang sumuko at walang paalam na lumabas ng study room. Hindi lang pala paralisado ang kaibigan niya. Mukhang baliw na rin ito. Sino nga ba namang asawa ang nasa matinong kaisipan na hahanapan ng kabit ang sariling asawa? At bakit sa dinami-dami ng pwede nitong hilinging kapalit sa tulong na ibibigay nito sa kanya ay iyon pa talaga.

“I think we need to look for someone who can help you up taking care of me. Masyado ka nang napapagod. I won’t take no for an answer, Honey.”
“Okay. Dapat hindi mo na sinabi sa akin ang tungkol dito. Mukhang nakapag desisyon ka na agad-agad.” Tumayo si Alisha at nagkukunwaring may tinitingnan sa closet nila. Sinundan siya ni Matti.
“Honey, nagtatampo ka ba? It’s for your own good naman, ‘di ba? I want you to rest. Mag a-apat na buwan mo na akong pinagsisilbihan. It’s enough okay? Ayoko na napapagod ka, so please pagbigyan mo na ako.”
“Kahit isang taon o habang-buhay pa kitang pagsilbihan hindi ako mag rereklamo, Matti kasi obligasyon ko iyon bilang asawa mo. Pati ba naman iyon ipinagdadamot mo?!” naiirita na siya sa mga lumalabas sa bibig niya pero hindi niya mapigilan na maibulalas iyon.
“May ipinagdamot ba ako sa ‘yo, ? Tell me, may bagay ba akong ipinagdamot sa ‘yo. Kasi ang alam ko ibinigay ko naman lahat sa ‘yo, maliban sa-” ramdam niya ang hinanakit sa boses ni Matti.
“Tama ka ibinigay mo nga lahat sa akin. Pero hindi sa lahat ng oras ay mabibili ng pera mo ang kaligayahang gusto mong ibigay sa akin everytime na nagkukulang ka. Ikaw ang kelangan ko Matti, hindi ang pera mo! Pagmamahal mo ang kelangan ko hindi pagmamahal ng mga magulang mo.” Gumagaralgal na ang boses niya pero hindi niya hahayaang maging kawawa sa harapan ni Matti.

Mabilis niyang nilisan ang kuwarto at tumuloy sa Guest Room. Doon muna siya magpapalamig. Hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang lakas ng loob na iyon para sumbatan si Matti. Ngayon pa ba iiral ang panunumbat niya kung kelan mag-asawa na sila?
Maghapon siyang nagkulong sa Guest Room.
Bumalikwas nang bangon si  nang marinig niya ang sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto. Nakatulog pala siya.
“Good Evening po. Ako po Meryl. Ako po ‘yong new hired na Care Giver slash Maid ni Mr. Montezar, dumating po ako kanina bago mag alas-singko ng hapon. Inutusan niya po akong katukin kayo. Gabi na kasi, hindi pa raw po kayo naghahapunan.” Mahinhing wika ng dalaga na sa hula niya ay kasing edad niya lang pero hanggang balikat lang siya nito.

“Thank you. Anyway ako si Alisha. Kumusta ang asawa ko?”
“Okay naman po siya, Ma’am. Nagpapahinga na po.”
“Ate nalang ang itawag mo sakin. Kumain ka na ba? Pasensya na ha? Dapat ako ang nagluto.”
“Wala pong problema. Sanay naman po akong magluto eh. Hindi pa po ako nag di-dinner. Kakatapos ko lang kasing asikasuhin si Sir.”
“Okay. Halika sabayan mo akong kumain.”
Mabilis na kumuha si Meryl ng dalawang plato sa cupboard at inilapag iyon sa lamesa saka binuksan ang mga nakatakip na pagkain. Nagulat pa si  sa tatlong putahe na naroroon.
“Ang dami nito ah. At may Kare-kare pa. Salamat Meryl.”
Ngumiti lang ang dalaga habang naglalagay ng kanin sa plato nito.
“Hmmm, masarap itong Kare-kare mo ha. Infairness, mukhang tatalunin mo ako. Alam mo kasi, Kare-kare is one of the favourite recipes of my family kaya naman inaral ko talagang lutuin at sa kagustuhan kong maging magaling sa kusina kumuha ako ng HRM course.”
“Pareho po pala tayo. Ang kaibahan lang hindi ko natapos ang kursong iyon. Hindi po sapat ang masarap na lutong inihahain ko araw-araw para pumayag ang parents ko na ituloy ko ang HRM course ko.”
“So, kaya ka napunta sa pagiging Care Giver?”
“Parang ganon na po. Nag enjoy na rin ako sa ganitong trabaho. Minsan may naidudulot ding mabuti ang pag rerebelde.” There was sadness in her eyes while sharing her story. Hindi nagawang takpan ng ngiti nito ang lungkot na nababanaag niya sa mga mata ng dalaga.
“It’s Okay Meryl. The good thing is you have learned something from it.”
“Pasensya na po. Ang dami kong kwento.” Nahihiyang sambit ng dalaga kapagkuwan.
Marami pang i-kwinento si Meryl sa gitna ng hapunan nila at iisa lang ang tumatak sa isip niya. Sobrang swerte niya sa pagkakaroon ng pamilya na todo suporta sa kanya sa lahat ng bagay.

Masama parin ang loob ni  pero kelangan niyang bumalik sa kwarto nila ng asawa niya. Sa Guest Room kasi matutulog si Meryl. Ang isang bakanteng kwarto naman ay hindi nalilinis kaya wala siyang choice kung hindi lunukin ang pride niya at matulog katabi ang asawa.
Nadatnan niyang tulog na si Matti sa kwarto nila. Mataman niya itong tinitigan at parang ngayon niya lang napansin na pumayat ito ng bahagya.
She loves this man so much. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit. Gusto niyang halikan kahit ilang saglit lang. maiparamdam man lamang niyang kelangan niya ito pero nakakapagod din pala kapag ang lahat ng efforts mo ay walang katumbas.
“, anak pumapayat ka yata? Nahihirapan ka na ba sa pag-aalaga sa anak ko? Pasensya na ha? Hindi ito ang buhay na pinangarap mo at hindi ito ang buhay na gustong ibigay sa’yo ni Matti. My son is sometimes a hard-headed one but he doesn’t deserve to spend his lifetime in that wheelchair. Maraming pangarap ang anak ko at nasira ang mga iyon simula nang maganap ang aksidente.”
“Mama, okay lang po ako. And I’m so sorry, feeling ko kasi ako ang may kasalanan sa lahat kung bakit nakakulong siya ngayon sa wheelchair na ‘yon.”
“Shhhsss… don’t say that sweetheart. Walang may kasalanan. Talagang aksidente ang lahat. Salamat sa pag-aalaga mo kay Matti.”
Iyon ang araw ng therapy ni Matti na nag volunteer si Mrs Montezar.  na samahan si Alisha  at para personal na rin na malaman ang tunay na kalagayan ng anak.

Ikwinento ni Amerald ang kabuuan ng kasunduan nila ni Matti. Wala siyang inilihim kay Norris kahit pa nga masyadong confidential ang agreement na yon. Si Norris lang ang tanging mapagkakatiwalaan niya ng lahat. Hindi naman kasi niya pwedeng sabihin sa Mama niya. Kapag nagkataon mapapaaga ang kamatayan nito dahil sa problemang pinasok niya. Hindi gugustuhin ng Mama niya na mag sakripisyo na naman siya para dito.
“Did you grab the offer, pare?” Tinapik-tapik ni Norris ang balikat niya, trying to give him some kind of moral support.
Umiling lang siya bilang tugon dito.
Kanina pa nag-iisip si  kung ano ang pwede niyang gawin kasi halos lahat ng gawaing bahay ay inako na ni Meryl.
“‘Nood tayo Honey?” Pag-aaya niya kay Matti na nakatingin sa labas ng bahay. Binuksan niya ang bintana kaya malaya nilang natatanaw ang maluwag na solar niyon.
Hindi siya nito pinansin.
“Matti-”
“I want an Annulment, .” He said flatly. His voice was lifeless. It was almost a whispher but it gave her so much pain and disappointment. Kahit ang humakbang ay hindi niya magawa. Nalaman na lamang niya na may mga butil nang nahulog sa mga mata niya. Kung nakakamatay lang ang sinabi ni Matti, kanina pa siya tumimbuwang sa kinatatayuan.



Halos dalawang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon nag mumukmok parin si  sa bakanteng kwarto ng bahay nila. Nagpatulong siya kay Meryl na linisin iyon. Alam niyang gustong magtanong ng Care Giver ni Matti pero mabuti nalang na mas pinili nito na manahimik. Hanggang ngayon iniisip niya parin na hindi narinig ang lahat o kaya naman ay nagbibiro lang ang asawa. She wanted to confront him pero naduduwag siya maski ang lapitan ito. She kept distance between them. Ipinaubaya na niya ang pag-aasikaso dito kay Meryl. Natatakot siya na baka pag nilapitan niya ito ay muli nitong banggitin ang tungkol sa Annulment.
Lumapit siya sa Veranda para kahit papaano ay makasagap siya ng sariwang hangin. Medyo malamig na sa balat ang dapyo non, bukod sa papadilim na ang paligid ay Winter season na sa bansa.
“Inaasikaso na ni Attorney Arevalo ang Annulment papers natin. I am really sorry , but please cooperate with this.” Bago pa makapag salita si  ay nag unahan na namang pumatak ang mga luha niya. Kahit anong pagnanais niyang pigilin ang mga iyon mula sa pagbagsak nito ay bigo siya.
“Please don’t cry . Kahit umiyak ka pa sa harapan ko magdamag still, it won’t change my decision. I’m doing this not for myself but for you . Ayokong ikulong ka sa ganitong buhay na kapiling ko. Someday, you will understand why I am doing this. I love you . I really mean it that’s why I am setting you free. Pinapalaya na kita Mahal ko.”
She slowly removed her wedding ring from her finger and handed it to Matti.

“Thank you for being so selfish Matti. Thank you for thinking that setting me free would make me happy. Hindi naman ako charity institution na kailangan mo ambagan kapag awang-awa ka na. Oo, iyon nalang ang nararamdaman ko sa ngayon. Naaawa ka nalang kaya pinipilit mo parin akong mahalin kahit hindi na iyon ang nararamdaman ng puso mo. May be I deserve this kasi nagmahal ako ng sobra.” Mapaklang nginitian niya si Matti habang nagpupunas ng luha.

He let his tears dropped down to ease the pain even a little. Siya ang may gusto nito kaya dapat handa na siya. Pero bakit buong katawan niya yata ang na paralisa nang ilagay ni  ang singsing nito sa mga palad niya. Siya ang humiling ng bagay na ‘to pero mas higit siyang nasasaktan.

Night Duty (R-18) PUBLISHED UNDER BOOKWARE(ebook version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon