EPILOGUE
FOUR MONTHS LATER.
Tinupad ni Amerald ang pangako nitong kasal pagkapanganak niya. It was an extravagant Beach Wedding sa isa sa mga Beach Resorts sa Batangas. Ano pa nga ba ang pwedeng hilingin niya sa buhay? Lahat ng mga tao sa paligid niya ay masaya para sa kanya. Hindi niya hiniling kay Amerald ang ganito ka-engrandeng kasal pero ito ang gusto ng lalaki kaya sino ba siya para tumanggi pa?Kanina pa nakamata si Amerald sa parehang magkayakap malapit sa poolside ng resort na pinagdausan ng wedding reception nila pero sa halip na selos ang maramdaman niya ay katuwaan ang pumuno sa dibdib niya. Masaya siyang personal na nagkapatawaran si Matti at Alisha. Umuwi ng Pilipinas ang una upang maging Bestman niya at balita niya ikakasal na rin ito sa fiancée nitong isang Fil-Am model.
Kinabukasan paglabas nila ng Hotel ay isang bagong Montero ang nakaabang sa kanila. Bigla niyang naalala ang text sa kanya ni Norris bago ang kasal nila ni Ali na ipapadala na lang nito ang regalo. “Binyagan natin baby?” pilyong tanong sa kanya ni Amerald. Huli na nang makuha niya ang ibig nitong sabihin at wala na siyang pagkakataon na tumanggi paano sakop na nito ang labi niya.THE END
BINABASA MO ANG
Night Duty (R-18) PUBLISHED UNDER BOOKWARE(ebook version)
RomanceRATED-18 Her ultimate dream was to be married to Matti Montezar, her bestfriend. Bata pa lang si Alisha Guanzon ito na ang pinangarap niyang makasama habang-buhay at batid niyang may gusto rin ito sa kanya kaya naman iningatan niya ang pag-ibig na i...