Chapter 3

7.7K 121 8
                                    

CHAPTER 3
“OPPSS! SORRY- ? Ikaw nga!” Lahat ng problema ay tila naglaho pagkakita niya pa lamang sa babae.
“Hey! Amerald anong ginagawa mo dito?” A sweet smile automatically formed on her lips.
“Dialysis ng Mama ko ngayon. Ikaw, anong ginagawa mo dito?”
“Sorry to hear that. Ahm, therapy ni Matti ngayon. Pauwi ka na ba niyan?”
“Yeah, pauwi na kami. Nagbayad lang ako ng bill namin.”
“I see. Sige mag-ingat kayo.”
“Thanks. Ikaw din. Pakisabi kay Matti magpagaling siya agad.”
Sinundan niya nang tingin ang babae hanggang sa maglaho ito sa Paningin niya. Bigla siyang nakaramdam ng kahungkagan.
That was wrong. Maling-mali na makaramdam siya ng gano’n sa asawa ng kaibigan niya.

“Ang tagal mo yata.” Bungad na tanong ni Matti sa kanya.  Nakaupo na ito sa back seat ng sasakyan nila.
“Yeah. Nakita ko kasi yong kaibigan mong si Amerald. Nangumusta saglit. Dito rin pala nag da-dialysis ang mama niya. Magpagaling ka daw. Mukhang miss ka ng kaibigan mong iyon.“
“Matagal-tagal na rin kaming walang bonding. At nagmamadali naman sila noong pumunta sa bahay.”
“You can invite them for a dinner sometime. Ipagluluto ko kayo ng masarap na hapunan-” She was excited the thought of having a dinner with Matti’s friend. “Nakakamiss din kasi kumain na marami kayo sa  lamesa.” Nakapangalumbaba siya habang nakatitig kay Matti.
“I’m sorry Hon. I’m sorry kung hindi manlang kita nadadala sa mga exclusive restaurants para doon tayo kumain at mag kwentuhan. How I wish I could do that simple thing for you. Can you bend your back and get something at the back seat?” Puno ng lambing ang boses nito.
Sinunod niya ang sinabi ni Matti at bumulaga sa kanya ang isang bungkos ng long stemmed red roses. Pakiramdam niya kasingpula na ng Rose ang mukha niya dahil sa kilig na nararamdaman. Sweet pa rin ang asawa niya kahit madalas na mainit ang ulo nito.
“Happy Monthsary my Princess. Always remember that I love you no matter what.” Ang babae na ang humalik sa lalaki subalit natigilan siya nang mapansing puno ng kalungkutan ang mga mata ni Matti. “May problema ba?”
“Nothing. Lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kita.”


“Honey, I know. Kakasabi mo lang, eh. I love you more. And I love roses too.” She kissed him once again. Dampi lang iyon, ayaw niyang mag eskandalo sa harap ni Manong Rob. Nakakahiya sa matandang Driver na panaka-nakang tumitingin sa kanila sa pamamagitan ng rearview mirror.
“Manong Rob, sa Greenbelt po tayo. Doon tayo mag lu-lunch” Utos ni Matti sa kanilng Driver. Agad naman nag u-turn ang matanda.

“Hon-”
“Yes?” Baling niya kay Matti “About my friend, Amerald. Tumawag sa akin last night si Norris at nakiusap na baka pwede silang humiram ng pera sa Bangko ni Papa para sa pagpapagamot ni Tita Amara pero ‘di ba may proseso pang pag dadaanan iyon?”
“Yeah,” sang-ayon niya.
“Bakit hindi nalang natin sila pahiramin ng pera galing sa personal savings natin ‘di ba?
“Oh, ba’t di mo tulungan? I mean, you don’t need to ask my approval. Matti, pera mo iyon noong binata ka pa at hindi ako makikialam doon.” 
“Honey, lahat ng akin ay sa ‘yo na rin kaya may karapatan kang malaman lahat ng desisyon ko, you’re my wife, remember?”
“Thank you Matti. And get well soon, Honey. Marami ka ng utang sakin.” Bulong na sagot ni Alisha habang kinakagat-kagat ang tenga ni Matti. Na lalo naming ikinapula ng mukha ng lalaki. Pero dumadaan parin sa mga mata nito ang kalungkutang hindi niya magawang usisain dito. Madalas narin itong tahimik simula noong huling sagutan nila na nagbibigay lamang nang agam-agam sa dibdib niya.
Halos mag dadapit-hapon na sila nakauwi ng bahay matapos maglibot-libot sa Greenbelt.
“Thank you Manong Rob.” Nagpasalamat si  sa family driver ng mga Montezar matapos na ihatid nito si Matti sa loob ng bahay.
“Walang problema Ma’am.”
“Alisha po. Ilang beses ko na pong sinabi yan sa’yo. Hindi pa po kami naikakasal ni Matti napag-usapan na po natin yan.” Malapad na ngumiti si Alisha.
“Sige Alisha na kung Alisha. Kaya ka mahal na mahal ni Lara at Theo eh. Palagi kang bukam-bibig ng Mama ni Matti alam mo ba ‘yon? Ang layo daw kasi ng ugali niyo ni Cion. Alam mo bang Tuko doon ang tawag ni Lara.” Humagikgik ang matandang Driver
Nagtaka siya nang matigilan si Manong Rob sa pagsasalita. Sinundan niya ang tingin nito. Nasa malapit na pala nila si Matti. Hindi niya ito napansin kasi nakaharap siya kay Manong Rob na ganadong makipag-kwentuhan sa kanya.

“Sige Alisha babalik na ako sa malaking bahay.” Ang bahay ng mga magulang ni Matti ang tinutukoy nito. Pumupunta lang kasi ito sa kanila kapag schedule ng therapy ni Matti.
“Sige po. Mag-iingat po kayo.”

“I’m sorry, Honey.” Mahigpit na magkasalikop ang mga kamay nila.
“For what?”
“For everything.  For being so understanding from day one until now. Sa pagiging matatag mo para sa akin.  Sa pagtanggap ng lahat ng mali sa pagkatao ko.
“Thank you din Matti. You know how much I love you. At kasama sa pagmamahal na iyon ang intindihin ang mga flaws natin sa buhay. As I’ve promised to God, mamahalin kita habang buhay. Ikaw lang ang lalaki na minahal at patuloy kong mamahalin.” Hindi alam ng babae pero parang kulang sa conviction ang mga salitang lumabas mismo sa bibig niya. May nagbago na ba sa pagmamahal niya kay Matti?
“That’s why I love you so much. Thank you Alisha  for everything. I love you.”
“I love you too, Matti. Teka, dito ka lang muna ha? Ihahanda ko lang ang hapunan natin.”
Masayang tinungo ni Alisha ang kusina pero nagulat siya sa nadatnan doon.
It was a basket of assorted fruits. May nakasabit na card doon.
“Matti, Babe, I miss you so much. Please maagpagaling ka na.- Cion”
Kanina pa sa kusina si Alisha pero wala pa siyang natatapos lutuin. Ang hirap yatang intindihin ng sitwasyon, si Matti madalas tahimik at ito naman ngayon ang madadatnan niya sa kusina. Kelangan na ba niyang kausapin si Matti?

“Hey! What’s wrong? Anong problema Ave?”
“Wala-”
“Iba ang lasa ng niluto mo kaya alam kong may problema ka, say it, honey.” Dahan-dahan nitong inabot ang kamay niya at kahit hirap parin itong kumilos ay pinilit iyon dalhin sa mga labi nito at ginawaran ng mabining halik.
That was a sweet gesture pero bakit pakiramdam ni Alisha may kulang? May hinahanap siyang hindi niya makita kay Matti.
Sex! Yan ang kulang Alisha. Bulong ng utak niya.


“Buti naisipan mong lumabas sa lungga mo ha? Hindi ka ba nabuburyong sa buhay mo? Kung ako yan baka matagal na akong nabaliw sa kakatunganga sa harap ng pilantod kong asawa.”
“Joana! Yong bunganga mo, ano ka ba?”
“Hayaan mo nga akong magsalita Sam! Malay mo, matauhan na itong si Alisha sa katangahan niya.”
“Hindi katangahan ang pagsilbihan ko ang taong mahal na mahal ko, Joana. Yes, aaminin kong hirap na hirap na ako. Tinitiis ko kapag sinisigawan ako ni Matti kahit nasasaktan na ako, iniisip ko nalang na nahihirapan na siya sa kalagayan niya kaya sinusubukan kong intindihin ang lahat kahit sobrang sakit na kasi mahal ko siya.” Hindi na napigilan ng babae ang pag bagsak ng luha niya.
“I’m sorry Alisha. Hindi ko intension na saktan ka. Worried lang kami sa’yo. Tingnan mo nga sarili mo sa salamin. Tatlong buwan palang kayong kasal pero losyang na losyang ka na. Wala ka pang anak sa lagay na yan.”
“Iuwi na natin siya Joana. Lasing na ang bruhang yan.” Naramdaman niyang pinagtulungan siyang akayin ng dalawa niyang kaibigan palabas ng Bar na pinuntahan nila na pag mamay-ari ni Joana.
“Hindi ako lasing. Hindi ako pwedeng magpakalasing kasi walang mag-aalaga kay Matti.” Sumisinok na wika niya.
“Hindi daw lasing. Eh hindi ka na nga halos makatayo eh.”
“Kaya ko pa, kayo lang ‘tong mga OA! Anyway, thank you Sam. Happy Birthday ulit. Sa bahay nalang ng parents ni Matti niyo ako ihatid. Doon ko siya iniwanan kanina.”

Tuluy-tuloy na umakyat sa second floor ng bahay si Alisha kahit pa nga nakakaramdam na siya ng pagkahilo. Nadatnan niyang nakaupo sa kama si Matti. Tutok na tutok ito sa Telebisyon kaya nagulat pa nang halikan niya sa labi. “I’m sorry Honey. Ang kukulit kasi ng mga kaibigan ko. Ayaw akong pauwiin agad. okay ka lang ba? Nakainom ka na ba ng gamot mo?”
“Hey, relax. Three hours ka lang nawala at okay na okay ako. ‘Yon nga lang na miss kita.” She missed him too. Kaya naman mabilis niya ulit itong hinalikan. The moment their lips touched each other was like burning her soul. Her hands kept on exploring his body. Hindi na alam ni Alisha kung paano niya naipasok ang kamay niya sa ilalim ng t-shirt nito. Their kiss became deeper and deeper. Ayaw nang magpaawat ng mga kamay niya.
“Ahhhh..Matti Honeyy... This is so delicious.” She moaned between kissing. Patuloy na gumagapang ang kamay niya pababa nang pababa. She was searching for something. Something huge and hard. She was about to enter her hand to the main subject pero para siyang binuhusan ng nagyeyelong  tubig nang pigilan iyon ni Matti.
“I’m sorry-” Sorry-iyon lang ang kayang sabihin ni Matti sa t’wing sinusubukan niyang gampanan ang pagiging asawa dito. Hindi niya alam kung kelan siya susuko sa pagbabakasakaling may magbago. “Sorry din. Goodnight.” Tinalikuran niya ito. Kung kanina para siyang sinisilaban sa init na nararamdaman ngayon naman ay walang kapantay na lamig ang lumulukob sa pagkatao niya.  Pakiramdam niya napakawalang kwenta niyang babae at hindi niya magawang buhayin ang pagkalalaki ni Matti.

“Find someone who can pleasure you in bed.”  Parang sirang plaka na paulit-ulit na umaalingawngaw sa tenga niya ang mga binitawang salita ni Joana kanina sa Bar. Alam niyang biro lang iyon ng kaibigan pero bakit apektado siya. No! hindi niya kayang gawin iyon!
Kung ano ang posisyon nila kanina bago matulog ay ganoon pa rin naman nang magising sila. Wake up ! Paralized ang asawa mo kaya h’wag ka ng umasa na nakayakap siya sa’yo pag gising niyo.

“Tulala ka na naman ‘pre. Nagkaganyan ka lang naman simula noong makita mo yong asawa ni Matti. Maniniwala na talaga ako sa kuwento mo at lalo na sa nararamdaman mo. Naku, delikado ‘yan. Kaya nga kahit kelan hindi ipinakilala sa atin ni Matti yong asawa niya noong hindi pa sila naikakasal. Takot ang loko na baka mapunta sa ‘yo. Gawain niya kasing manulot. By the way, nai-deposit ko na sa Bank account mo yong konting tulong ko sa ‘yo. Subukan mo ring lumapit kay Matti alam kong hindi tatanggi ‘yon.”
“Maraming salamat. Ibabalik ko din ‘yon oras na mahanapan ko ng buyer ang maliit na iniwan na lupain ni Daddy sa probinsya.” Marahan lang siyang tinapik sa balikat ng kaibigan.


Hindi na kelangang lumapit ni Amerald kay Matti kasi ang huli na mismo ang kusang tumawag sa kanya.
Pigil-hiningang nginitian ni Amerald si Alisha habang inaalok siya ng dalaga na pumasok sa bahay nito.
Napakaganda ng babae sa simpleng cotton dress na suot nito. Nanuot sa ilong niya ang mabangong buhok ng babae.
“Pasok ka. Nasa study room si Mat.  Naghihintay siya sa ‘yo.”

“Please lock the door, Amer. Baka biglang pumasok dito si Alisha.” Napansin ni Amerald na napaka-formal ng tono ni Matti. Para itong nasa loob ng opisina at nakikipag negosasyon sa mga kapwa nito Businessman.

“I heard Tita Amara is really sick at kelangan mo ng malaking halaga. I wanted to offer a help Amer. De-deretsahin na kita, kelangan ko rin ang tulong mo. Since pareho tayong nangangalaingan ng tulong, bakit hindi nalang tayo ang mag tulungan? I can give you any amount pero sa isang kondisyon.” Lagpas-lagpasan ang tingin sa kanya ni Matti. 
Kinakabahan man ay naghihintay parin si Amerald na marinig ang sasabihin ng kaibigan.
“Be my wife’s lover.”

Night Duty (R-18) PUBLISHED UNDER BOOKWARE(ebook version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon