Chapter 2

9.8K 134 4
                                    

CHAPTER 2

"I LOVE you Mrs. Alisha Guanzon Montezar. Thank you so much for offering me your life. Alam kung sakripisyo ito para sa 'yo. You are so young and you supposed to enjoy your life as single but you choose to be a married young woman. I promise to give you a happy life. Gawin mo lahat ng gusto mong gawin basta hindi iyon makakasira sa marriage natin go lang. I'll support you. Sorry for all my shortcomings. I'll make it up to you, Honey. This is it . Ito na yong panahon na ibibigay ko na ang sarili ko sa'yo ng buong-buo. Isinusuko ko na ang buong pagkatao ko sa 'yo-"

"Pati ito buong-buo mo ng isusuko sa'kin?" She grabbed his crotch which caused him blushed. "Hon!" shocked parin si Matti. Mukhang hindi talaga nito napaghandaan ang ginawa niya.

"-Of course, pati yan sayong-sayo. Eh ito akin lang 'to, ha?" sabay bagsak ng kanang kamay nito sa gitna niya. May kilabot na hatid iyon kay Alisha . Isang bahagi ng katawan niya ang nakaramdam ng init.

"Matti, mag focus ka na lang kaya sa pagmamaneho."

"Trust me honey, magaling akong mag drive." His right hand was touching her leg and it brought her so much pleasure. All was new to her. Sa loob kasi ng three years na official silang mag on ay never sila naging intimate ni Matti. They were contented of exchanging sweet words at iginalang naman ni Matti iyon. Kahit every week silang magkasama ni Matti noon ay hindi sila lumagpas sa holding hands at kiss sa check stage. Hindi naman siya against sa pre-marital sex pero hindi naman kasi iyon hiniling sa kanya ni Matti at nagpasalamat siya na ganoon ang lalaki kasi baka isang kalabit lang nito ay bumigay agad siya. Kaya sobrang boto dito ang mga magulang niya dahil sa respeto nito sa family niya at higit sa kanya.

"Hon, yong kamay mo pakitanggal, please. Just drive." Namula na lang si Alisha nang biglang igilid nito ang sasakyan. Alam niyang hindi na makapag-hintay ang asawa. Pero siya, kaya niya pang pigilin at hintayin na marating ang Hotel na tutuluyan nila sa loob ng dalawang araw then lilipad sila patungong Hong Kong for their official and formal Honeymoon. Letsugas! May pa opisyal-opisyal pang nalalaman si Matti eh, pareho lang naman pagbabalyahan ng mga sex organ ang gagawin nila. Kung siya nga lang ang masusunod dito na lang nila gagawin ni Matti ang mabagsik na himaksikan sa kama. Lihim na natawa si Alisha sa itinatakbo ng utak niya. Kahit pala virgin, green minded din.

Malakas pa rin ang ulan hanggang ngayon. Umaambon na kanina bago pa sila umalis ng Batangas at malakas ang ihip ng hangin pero ang sabi naman ng PAG-ASA ay low pressure lang daw at hindi naman mauuwi sa bagyo kaya tumuloy pa rin sila. Madilim sa labas pero alam niyang nasa matarik na bahagi sila ng Tagaytay.

"Bakit ka tumigil?"

"Because I can no longer focus on the road, Honey. I want to touch you my Princess." Mabilis na inilapat nito ang labi sa mga labi niya. There was a difficulty in his breathing. Ramdam niya ang pagnanasa sa katawan nito.

"Ahhh.. Matti, later please." She gasped.

"Shit!" Tumigil ito sa pag halik sa kanya dahil sa bagay na malakas na bumunggo sa likurang bahagi ng sasakyan nila.

"Matti, ano yon? Oh my God Matti, mahuhulog tayo." She panicked.

"Fuck! Ali, kumapit ka sa akin. Please kumapit ka ng mahigpit."

"Matti! Oh God! Please save us."

"I'm sorry Mrs. Montezar, we did everything we could but there was no any indication that your son would wake-up anytime today. May pag-asa pa po tayo na hindi ito mauuwi sa comatose. Twenty four hours pa lang siyang tulog, we still have another twenty four hours left to pray and hope that he would wake-up until tomorrow. Magpasalamat na lang po tayo na walang na damage sa upper part of his body, 'yon nga lang, kinailangan naming operahan ang left leg niya, sorry about this Mrs. Montezar. Based on his injuries, he really tried his best to save his wife from that accident."

Night Duty (R-18) PUBLISHED UNDER BOOKWARE(ebook version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon