CHAPTER 4.2

41 5 2
                                        

TANNER MATA

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang mga sinabi ni Pressman. Anong meron sa akin bakit sobra akong nababahala sa kung ano ang pinagdaanan niya. Nasa isipan ko pa rin na konektado ang pagsusuot niya ng face mask sa kung ano ang naranasan niya.

"Mr. Mata! "

Aligaga akong lumingon sa harapan. "Ms.? " napaayos ako ng upo. "Ano po iyon? "

"Hindi ka nanaman nakikinig!!! " bulyaw niya sa akin.

"Sorry po. " ang tanging nasabi ko na lang.

"Aba! Himala. Humingi ka sorry? Anong nakain mo? "

"Bistek po Ms. Vergara! Gusto niyo po bang ibili ko kayo? " napatawa ang lahat sa pamimilosopo ko.

"Haist. Makinig ka nalang Mr. Mata. "

Sumaludo lang ako bilang sagot. Pero kahit anong gawin ko ay bumabagabag pa rin sa isipan ko iyon.
Napalingon ako sa bandang dulo kung saan nakaupo si Pressman. Komportable siyang nakikinig sa harapan samantalang ako ay hindi man lang makapag-focus sa pakikinig.

Lumipas ang mga oras hanggang sa natapos ang huling klase ko. Palabas na sana ako ng classroom ng hinarang ni Mr. Villanueva ang daraanan ko.

"Mr. Mata, nasaan si Ms. Pressman? " tinatanong niya sa akin ang dalaga.

"Ayun po oh. " nginuso ko si Pressman na nagliligpit ng gamit.

"Ms. Pressman. " tawag ni Mr. Vilaanueva sa kanya.

"Bakit po? " naglakad papunta sa amin si Pressman.

"Hindi ba't sinabi kong tuturuan mo si Mr. Mata sa subject ko? "

"Oo nga po pala. " napasapo siya sa noo.

"It's still 4. You can use the remaining hour in reviewing. "

"Sige po sir. " si Pressman.

Naglakad na palayo si Mr. Villanueva. Ang malas naman oh! Akala ko ay makakauwi na ako, may mahalaga pa pala akong kailangang gawin.

"Sa rooftop nalang tayo. " nagaimula ng maglakad si Pressman.

Sumunod naman ako at inabutan ang paglalakad niya. Malalaki kasi ang mga hakbang ko, eh ang liit niya, kaya naabutan ko siya kaagad.

"Hoy panget! Umalis ka nga sa daraanan ko! " bulyaw sa paharang-harang na babaeng estudyante. Kaagad naman siyang pumagilid.

"Tss. Wala bang oras na hindi ka nam-bubully? " biglang tanong ni Pressman.

"Meron naman. Kapag tulog ako, and when I'm not in the mood. " nakangiting sagor ko.

"Tch. Bully na nga pilosopo pa. " pabulong niyang sabi pero narinig ko pa rin.

"Narinig ko 'yun ah. "

"Don't care. "

Naglalakad na kami ngayon paakyat ng hagdan, nakasunod na lang ako sa kanya. Baka kasi kung ano pa ang isipin ng iba kapag sabay kaming maglalakad.

Binuksan niya ang pinto at bumungad sa amin ang malawak na rooftop. Buti nalang at hindi masyadong mainit kasi natatakpan ng ulap ang araw. Although, wala namang nagbabadyang ulan.

Umupo na siya at sumandal sa pader. Pagkatapos ay inilabas ang ilang mga papel.

"Oh. Reviewhin mo 'yan. Makakatulong 'yan sayo bukas. Matutulog lang ako. "

"A-ano? Akala ko ba tuturuan mo ako? "

"Self-review ka na lang. Inistorbo mo kasi ang tulog ko kanina. Tsk. " bago pa ako makasabat ay tumayo na siya at lumipat ng pwesto upang humiga at matulog.

Behind Her MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon