YASSI PRESSMAN
Pinilit kong iwasan ang mga tingin ni Mata kaninang sumasayaw ako. Alam kong nakatingin siya sa akin. At ayoko sa pakiramdam na 'yon. Kahit pa nagbibiro lang siya kagabi sa pagpuna na magkapareho kami ng mata ng babaeng nasa wallet niya ay kinakabahan pa rin ako. Baka malaman niya na ako 'yon.
Ayokong malaman niya na ako talaga iyon. Ayokong maisiwalat ang mukha na pilit kong itinatago sa loob ng isang taon. Ayokong makita ng lahat ang mukha ko. Dahil natatakot ako, na maulit muli ang mga pinagdaanan ko noong nakaraang taon. Sobrang hirap na pinagdaanan sa kamay ng walang hiyang lalaking iyon.
Ewan ko ba. Na-trauma na ako sa pangyayaring iyon. Baka kapag nakita ng lahat ang mukha ko ay gagawin ulit nila 'yon.
Mahirap na rin sa akin ang magtiwala magmula nang nangyari iyon. Ni isa sa mga nakakasalamuha ko ay wala akong pinagkakatiwalaan. Dahil natatakot ako na baka gawin din nila iyon sa akin.
Maging ang pamilya ko ay iniwan ko. Ayokong ilagay sila sa kahihiyan nang dahil sa pangyayaring iyon. Ang apelyido ng pamilya ko ay isa sa mga tinitingila, kaya naman ayokong mabahiran ito ng kahit ano mang dungis.
Natapos ang aming practice ngunit wala paring dumadating na susi. Kaya naman naisipan naming manood muna ng practice ng basketball habang naghihintay.
Napapatakip na lang ako sa dalawang tenga ko sa tuwing may maghihiyawang mga babae sa likod ko. Sa tingin ko ay malapit ng mabasag ang mga boses nila sa lakas ng kanilang sigawan. At inaamin ko na isa si Mata sa mga hinihiyawan nila sa tuwing nakaka-shoot ito.
Ang mga ka-dance club ko din ay hindi mapigilang humiyaw. Nakita ko pang naghahagikgikan sila sa kilig sa tuwing lumilingon ang manlalaro na hinihiyawan nila.
Ako naman ay nakapalumbaba lang sa inuupuan kong bleacher. Katabi ang ilan sa myembro ng dance club. Namamangha din naman ako kahit papaano sa mga tricks na ginagawa ng mga player sa court. Pero binabagabag pa rin ako sa pinakitang picture ni Mata kagabi. Sana lang ay biro lang talaga 'yon at hindi niya malaman na ako at ang nasa picture ay iisa.
Natapos ang practice game nila. Panalo ang grupo nila Mata. Limang puntos lang ang lamang. Nagpunta sa gitna ng court ang coach nila at isa-isa niya itong tinapik sa mga balikat.
Tinignan ko ang relos ko at nakitang 11:45 na. Labing limang minuto bago mag-alas dose. Tatayo na sana kami nang dumating si Joshua.
"Sorry guys! Ngayon lang ako nakarating. Sobrang traffic. " ani Joshua habang hinihingal pa.
"Hay naku Joshua! Kung hindi mo sana nakalimutan 'yang susi. " umirap si Ella sa kanya. "Sige mag-lunch muna tayo. Mamayang hapon nalang tayo mag-practice. "
Nagtanguan kaming lahat at bumaba na sa bleacher. Pababa ako ng bleacher ng makitang nakatingin sa akin si Mata. Nakakunot ang noo niya, agad kong iniwasan ang tingin niya. Nagmadali akong lumabas mg gym at naglakad palabas ng school.
Makalipas ang halos sampung minuto ay nakarating ako sa apartment. Isinara ko ang pinto at kaagad na inalis ang mask ko. Ibinaba ko ang bagpack ko sa upuan at dumiretso sa kusina upang kumain.
May tira pa naman akong pagkain mula kaninang umaga. Nagluluto talaga ako ng medyo marami para hindi ako mag-abalang mag-luto sa tanghali.
Itinali ko amg buhok ko at nagsimula ng kumain.
TYLER MATA
This day was stressful. Aww. My head hurts. I don't want to encounter those stuffs but, I don't have nothing to do. I'll just complain to myself.
I'm doing some sort of Physics here at the bench with a table in front. It's not that I'm not good in computing, I just hate numbers.
Hay. Napabuntong hininga na lang ako habang ini-scan ang libro ng physics. Hindi ko alam kung bakit engineering ang kinuha ko gayong ayoko talaga sa mga numero. But then, I got interested with this course.
BINABASA MO ANG
Behind Her Mask
Fiksi PenggemarSi Yassi Pressman ay biktima ng cyberbullying na siyang naging dahilan kung bakit nagbago ang pagkatao niya. Takot siyang ipakita ang mukha sa iba dahil sa pag-aakalang mauulit ang pangyayaring pilit niyang kinakalimutan. Hanggang sa makilala niya a...