CHAPTER 7

34 3 2
                                    

TANNER MATA

Weekend ngayon. Ibig sabihin, walang pasok. Sa tingin ko'y wala naman akong binalak na puntahan ngayon kaya naman siguro ay maghapon lang ako dito sa condo. And that's a good thing for me! Sana lang ay hindi muna mag-aya si Tyler o Lyis na lumabas dahil nakakatamad talaga ang araw na 'to.

Nakuha na rin pala namin ni Tyler ang kotse namin kagabi. Kasabay nito ang pagdi-dinner namin sa bahay kasama ang buong pamilya. Nagkwentuhan kami habang kumakain, nagkwekwento rin kami ni Tyler sa buhay namin dito sa condo. Kung paano kaming nag-adjust, at kung paano kami muntikan ng hindi makakain dahil walang grocery na labis na ikinatawa ng pamilya. Pero hindi namin parehong nabanggit ang tungkol kay Rebecca. Marahil ay ayaw na iungkat o pag-usapan iyon ni Tyler.
It's 8 in the morning pero nakahilata pa rin ako dito sa malambot kong kama. I don't feel like getting up from bed. I think my laziness strikes again. Pilit kasi akong hinihila pabalik ng kama ko kung susubukan kong tumayo kaya I ended up like this.

Nakayakap ako sa unan ko at nakatulala sa kisame ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bed side table ko. It's a text from Tyler.

'Come to me. '

Napaungol ako sa nabasa. Kung makapag-utos akala mo naman hari.

Nireplyan ko siya.

'Why? '

Ilang segundo lang ang nakalipas ay nag-reply siya.

'I'm sick. '

Ano namang sakit niya? Sa pagkakaalam ko, hindi tinatablan ng sakit ang panget na 'yon. Ako kasi ang madalas magkasakit sa amin nung mga bata pa kami.

Kahit na naiinis ay hindi ko parin na-iwasang mag-alala at kahit pa tinatamad ako ay bumangon na ako sa kama at kaagad na dumiretso sa katapat na condo ko. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos pa, siya lang naman ang kikitain ko eh.

May duplicate kami ng susi ni Tyler sa condo naming dalawa kaya naman naging madali lang ang pagpasok ko sa condo niya.

Naabutan ko ang walang taong sala. Siguro ay nasa kwarto siya, kaya naman umakyat ako para magtungo doon. Pagkabukas ko ng pinto sa kwarto niya ay kaagad kong nakita ang kakambal kong nakatalukbong ng kumot sa kama niya.

Kaagad ko siyang nilapitan. "Hey. You okay? " inilapat ko ang palad ko sa noo niya. "Nilalagnat ka. "

"Yeah. And I need your help. "

"Oo naman! Sige I'll take care of you hanggang sa gumaling ka. "

"No. Not that. "

"Huh? Eh ano? You don't need my help? "

"I need your help to be my substitute and not my nurse. "

"Substitute of what? " naguguluhan kong tanong.

"May photoshoot ako ngayon sa clothing brand na pinagtratrabahuhan ko, gusto kong i-substitute mo muna ako. " nahihirapang sabi niya.

"Ano? Ha! You know I can't do that. Aalagaan nalang kita. "

"I can take care of myself brother. Nakakahiya lang kasi naka-oo na ako. "

"At ano? Pagpapanggapin mo akong ikaw? " naglakad ako ng pabalik-balik sa tabi ng kama niya.

"Hindi. You'll just substitute me. " sabay ubo.

"Pero wala akong alam sa pag-momodel. " katwiran ko.

"They'll guide you. Nasabi ko na sa kanila na ikaw ang pupunta para i-sub ako. "

"Argh! I can't! "

Behind Her MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon