TANNER MATA
Hindi ko mabasa kung ano ang reaksiyon ni Pressman pagkakita niya ng larawan ni babe. Hindi siya nakakibo. Parang naestawa siya eh. Hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ito. O baka naman nagagandahan lang?
" Oo baka nagagandahan lang. Sino ba naman ang hindi magagandahan sa 'yo? " sabi ko sa picture. "Baka na-insecure siya haha. "
Pero medyo hawig talaga sila ng mata ha. Kanina ko lang napagtanto. Mata lang naman. Wala ng iba. Dahil imposible namang siya 'to. Masyadong maganda si babe para do'n.
Eh hindi mo pa naman siya nakikita.
Kahit na! If I know, she's hiding her face dahil pangit siya!
Hay! Huwag ko na nga munang isipin 'yun.
Nagpadeliver ulit ako ng makakain. Wala akong oras na makapag-grocery ngayon. At mas lalo na bukas at sa susunod na mga araw. Dahil isinali lang naman ako sa basketball. Hay. Nakakatamad.
Nakarinig ako ng katok sa pintuan. Baka yung pina-deliver ko na 'yan. Ngunit nadismaya ako ng makita kung sino 'yon. Walang iba kundi ang kakambal ko.
"Oh bakit? "
"May sasabihin ako sa 'yo. "
"What? "
Imbes na sagutin ang tanong ko ay pumasok siya sa loob ng condo ko at dumiretso ng upo sa couch.
"Anong sasabihin mo? "
"You'll not believe what I saw earlier! "
"Ano naman? "
"Kamukha 'to ng babae sa picture frame mo. Ngayon ngayon ko lang na-realize, 'yung high school girl na na-meet ko kanina kamukha niya yung nasa picture. "
Hindi ako makapaniwala. "R-really? Baka pinagtritripan mo lang ako ah! "
"No! Tara hanapin natin kung nasaan siya para maniwala ka. "
"S-sige. "
Lumabas kami ng condo ko. Sinundan ko lang kung saan papunta si Tyler.
"Siguro ka-floor natin siya. " aniya.
Kumatok siya sa isang pintuan. Pero iba ang lumabas. Hanggang sa inulit niya ang ginawa hanggang sa ma-isa-isa na lahat ng condo dito sa floor namin. Wala parin kaming nakikitang kamukha daw niya.
"Pinagloloko mo ba ako? "
"Bro! I'm not fooling you around! If you want, you can check the cctv on this floor. "
"Eh, eh bakit wala naman? " I'm disappointed.
"I don't know, baka hindi pa siya nakakauwi. Baka may ginawang project. "
"Are you sure, she's babe? "
"Maybe? "
"What? You're not sure? "
"I don't know, but believe me, she looks like her. The eyes, the lips, the nose, the shape of her face. It's the same. "
"Oh gosh. Sana siya 'yon. "
"But bro. "
"Ano? "
"Bata pa 'yon eh. High school. Baka makasuhan ka ng child abuse. Hahaha. "
"Tss. Age doesn't matter! "
"Haha tara na nga. May pagkain ka sa condo mo? " inakbayan niya ako at nagsimula kaming maglakad.
"Wala. Wala akong grocery. "
"Aww. We're the same. Si dad naman, hindi pa kinumpleto. "
"Ha! Nakapagsalita ka diyan, wh nahihiya ka nga. " pang-aasar ko.
BINABASA MO ANG
Behind Her Mask
FanfictionSi Yassi Pressman ay biktima ng cyberbullying na siyang naging dahilan kung bakit nagbago ang pagkatao niya. Takot siyang ipakita ang mukha sa iba dahil sa pag-aakalang mauulit ang pangyayaring pilit niyang kinakalimutan. Hanggang sa makilala niya a...