TYLER MATA
Nagising ako ng dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana. I was a bit shocked when I saw where I was but suddenly I realized, lumipat na nga pala ako. Hay. New adjustments. I should wake up earlier than today kasi ako pa pala ang magluluto ng kakainin ko.
I got up from bed and went to the bathroom. I took a bath as fast as I could 'cause I'm running out of time. Nagsuot na ako ng damit, it was a plain white shirt and ripped jeans paired with my sneakers.
Nagmadali na akong bumaba at nagluto ng makakain. Ow! I forgot! Wala nga palang grocery. Sa labas na lang ako kakain.
I grabbed my bag at lumabas na ng condo. Ni-locked ko ito at napalingon sa pintuan ng condo ng kakambal ko. Gising na kaya 'yon? Tss. Tatawagan ko na lang, baka tulog pa 'yon.
I hurriedly walk towards the elevator. Pipindutin ko na sana ito ng may nauna sa akin. Niyuko ko ito dahil maliit siya.
"Ay sorry po kuya naunahan kita. Nagmamadali po kasi ako. " paumanhin niya.
"Okay lang. "
Pumasok na kami sa loob ng elevator. Pasimple kong tinignan ang mukha niya. Bilog ang mukha niya, kayumanggi, at maganda. Pero mukhang bata pa. Teka! Parang may kamukha 'to. Tinitigan ko siya ng maigi hanggang sa mapatingin siya sa akin.
"May dumi po ba ako sa mukha? "
"W-wala. May kamukha ka lang kasi. "
"Ah. "
"High school ka? " tanong ko.
"Opo kuya. Graduating na po ako. "
"Aww. Good for you. Graduating na rin ako ng college. "
"Ano pong course niyo? "
"Engineering. "
"Wow. "
*ting*
Lumabas na kami pagkabukas ng elevator. Naalala kong magko-commute nga pala ako dahil nasa bahay ang kotse ko.
Pumara ako taxi. Pagkahinto ng taxi ay bubuksan ko na sana ang pinto nito ng may nauna nanaman sa akin.
"Ay. Sorry ulit kuya. " nag-peace sign siya.
"Okay lang. Sige mauna ka na. "
"Sabay na po tayo kuya. Nakakahiya naman, lagi kitang nauunahan. "
"Are we in the same direction? "
"Saan po ba kayo nag-aaral? "
"SU. "
"Madadaanan po natin ang school niyo. "
"Okay sige mauna ka ng sumakay. "
Sumakay na siya at sumunod na din ako.
"Ano nga palang pangalan mo kuya? Bagong lipat ka dito? " tanong niya.
"Tyler. At oo bagong lipat ako dito. Ikaw, what's your name? "
"Issa po. "
Tumango ako at naupo ng maayos.
"Kuya sa SU lang po. " paalala ko sa driver.
Makalipas ang sampong minuto ay huminto na ang taxi sa harap ng university. Lumabas na ako at iniabot ang bayad mula sa bintana.
"Kuya! Nice meeting you po! " pahabol ni Issa. Ngumiti nalang ako bilang tugon.
I walked through the pedestrian lane. Girls started to stop and stare at me while I'm walking. Well, I'm used to it. I just smiled at them and it makes them tingle. Kinikilig nanaman sila.
BINABASA MO ANG
Behind Her Mask
FanfictionSi Yassi Pressman ay biktima ng cyberbullying na siyang naging dahilan kung bakit nagbago ang pagkatao niya. Takot siyang ipakita ang mukha sa iba dahil sa pag-aakalang mauulit ang pangyayaring pilit niyang kinakalimutan. Hanggang sa makilala niya a...