Fortell

43 4 0
                                    

May isang pamilya na naninirahan sa gubat. Naninirahan sila sa gubat dahil kailangan nilang lumayo sa mga masasamang mga ordinaries. Sila ang mga taong walang kapangyarihan para maging wizard.

Sila ang pamilya ng Corona. Isa sila sa mga pamilya ng mga wizards sa Wizerene. Ang mundo ng mga wizards.

Ang mga miyembro sa pamilya ng Corona ay si Sorcera ang nanay, si Warlocio ang tatay, si Hexia ang panganay, at ang kambal na sina Conjro at Charima ang bunso.

Si Sorcera ay matangkad at maputi na babae na may mataas at grey na buhok at may brown na mata. Si Warlocio ay madilaw-dilaw na kutis at may katamtamang tangkad na may blonde na buhok at may green na mata na parang lumot. Si Hexia ay may blonde na buhok na may brown na mata at sina Charima at Conjro ay may grey na buhok na may green na mata. Namumuhay sila ng simple at puno ng pagmamahal.

Bakit hindi sila naninirahan sa Wizerene kung saan sila nanggaling? Dahil sa isang trahedya na nakapagbago sa buhay nila.

"Charima! Conjo! Tignan niyo ang nasa ilalim ng kama ninyo! Nay! Mag-aaral sina Charima at Conjo sa Sallmander!" Masayang sabi ni Hexia at tumalon-talon pa.

"Ano anak? Naku! Maganda! Ang mga anak natin ay sabay nang mag-aaral sa Sallmander!" Maligayang sabi ni Sorcera habang lumapit sa kambal at hinalikan sa ulo ang dalawa.

At kinuha nila Charima at Conjro ang nasa ilalim ng kama nila. May sobre na nakalagay:

Ms. Charima Corona & Mr. Conjelro Corona
Wildberry Forest, Cebu

At binuksan nila ang sobre. May nakalagay na:

Dear Ms. Charima and Mr. Conjelro Corona.

You are required to come and study wizardry here at Sallmander School of Wizardry. You are automatically enrolled once you say yes. You can come to Sallmander School of Wizardry in June 25, 9:00 am. At Anery Subway, Manila. You are required to bring:
¤ Wand
¤ White Robe
¤ Cork lids
¤ Shredded Coconut Flakes
Have a great school year!

Sincerely yours,
Jaurus Jackson
Sallmander Headmaster

"Teka, ano naman ang parte sa school year natin ang kinadkad na buko?" Natatawang sabi ni Conjro.

"Para yan sa mga Transmogrification lessons. Ang cork ay para makatransform ng mga bagay at ang kinadkad na na buko ay para makatransform ng powder. At kung ang piniling transformed object at piniling transformed powder ay pagsamahin mo ay makulay na powder ang resulta at yon ang bubuhay sa Creature mo." Mahabang litanya ni Hexia sa kambal.

"Sige maghanda na kayong tatlo para sa pagpunta ninyo doon bukas." Sabi ni Warlocio. Nagulat ang lahat sa biglang pagsalita niya. Hindi nila alam na nandoon siya sa likod ni Sorcera.

"Sige tay." Sabay na sabi ng kambal at naghanda na.

Pero ang hindi nila alam ay may lalaking nakarinig sa usapan nilang magkakapamilya. Nag-portal siya papunta sa Headmaster's Office ng Sallmander.

"Headmaster, nakarating na ba sa inyo ang sagot ng kambal?" Sabi ng lalaki.

"Hindi pa, Deimos. Sabi ng Headmaster na si Jaurus.

At may isinulat ang dahon ni Jaurus sa papel.

Tinignan nilang dalawa ang papel at may nakalagay na:

107. CHARIMA CORONA
108. CONJELRO CORONA

"Deimos. Pakitawag kay Comet." Utos ni Jaurus kay Deimos.

"Masusunod po, Headmaster." Sabi ni Deimos at lumabas ng opisina.

Umupo si Jaurus sa upuan at tinititigan ang alaga niyang si Chalie. Isang Salamander.

At pumasok ulit si Deimos kasama si Comet. Seer.

"Magandang umaga Headmaster." Bati ni Comet sa Headmaster at nagbow.

"Magandang umaga Comet. Pakitingin ng mga kapalaran ng mga batang 'to. May kakaiba silang kakayahan. Nararamdaman ko nung isinulat pa sa dahon ko ang pangalan nila." Utos ni Jaurus sa Seer.

"Masusunod po, Headmaster." Sabi ni Comet at lumapit sa papel at inilagay ang kamay sa dalawang batang Corona.

"Dadating na siya. Dadating na siya." Sabi ni Comet.

"Pasensya na Comet pero sino ang dadating?" Sabi ni Jaurus.

"Ang wizard na may malakas na kapangyarihan. Dadating na siya." Sagot ni Comet.

"Sino? Ang babae o ang lalake?" Sabi ni Deimos.

"Hindi ko po alam. Pero ang batang ito ay walang kulay ang kanang mata niya. Puro puti lang ang meron." Sabi ni Comet.

"At ang isa?" Tanong ni Jaurus.

"Maging tagapagmana. Pero hindi ko alam." Sagot ni Comet at inilayo na niya ang kanyang kamay sa papel na nakapatong sa pangalan ng kambal na Corona.

"Salamat sayo Comet. Makakaalis ka na." Sabi ni Jaurus kay Comet. Umalis na si Comet at naiwan na sila Deimos at Jaurus sa Headmaster's Office.

"Salamat. Dadating na ang wizard na liligtas sa atin. Siya na lang ang ating tanging pag-asa sa Wizarene." Sabi ni Deimos kay Jaurus.

"Sino kaya siya? Pero siya ang tatapos sa dalawang 'yon. Napupuno na ako sakanila." Determinadong sabi ni Jaurus sa kanya.

"Tutulungan natin ang batang 'yon. Wag kang mag-alala." Sabi ni Deimos at tanging tango lang ang sagot ni Jaurus.

"Mabuhay sa pag-asa ng Wizarene!" Maligaya na sigaw ni Jaurus.

"Mabuhay!" Sabi ni Deimos at nagsummon si Jaurus ng dalawang tasa ng wine.

"Mabuhay!" Sabay na sagot ng dalawa at nag-toss sila.

💙💚💛💜💙💚💛💜
Sa media is the Wildberry Forest.

The Wandless WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon