Hired

7 0 0
                                    

"Naman si Chris oh! Ilang araw na ba siyang nandoon sa clinic?" Sabi ni Conjro at napakamot sa ulo.

"Mag-iisang linggo na." Sagot ni Nicho at Kinuha ang libro sa Herbology.

"Ano ba naman yan! Kulang tayo ng isa sa Grupo natin!" Sabi ni Macy at isinara ang librong binabasa.

"Pwede naman nating isasali si Chris kahit absent na yun ng mga isang linggo. Kung hindi na siya absent ay may grupo na siya." Sabi ko at tumango naman lahat.

"This should be a pair activity." Sabi ni Ginang Dalson at napaungol ang lahat ng estudyante kasali na rin si Conjro. Siya na lang ang walang kapares saming barkada. Kami ang pares ni Macy at sila Nicho naman at Perrin ang pares at wala naman si Chris. Napasimangot na lang si Conjro.

"Paano na ito! Wala akong kapares!" Sabi niya at naghanap ako ng isang kaklase na walang kapares. Nakita ko naman si Elfiya na nakaupo mag-isa sa upuan niya.

"Doon ka kay Elfiya oh. Mabait yan pangako." Sabi ko at padabog na tumayo si Conjro.

"Sige na nga." Sabi ni Conjro at tumungo kay Elfiya.

-~-~-~

"Sisiguraduhin mong hindi ka na tatawa Charima." Sabi ni Perrin at tumango ako.

Nandito na naman kaming dalawa ni Perrin sa field at magflying lessons na naman. Hindi ko alam kung saan napadpad si Macy at si Nicho. Bahala na sa buhay niya si Conjro.

At ngayon, dahil sanay na ako sa mga lumilipad na mops ay hindi na ako gaanong tumatawa gaya noon na napapahiga talaga.

Nung kumuha na ako ng mop ay pinigilan ko ang pagtawa. Pero napatawa pa rin ako. Kailan ba ako makakaget-over?

Pumwesto na kami at nagpakita na si Elfi- Wait. Hindi ito si Elfiya dahil taga-Dolphin Familia siya. May asul na buhok siya at pink ang mata. Nakita ko na siya noon pero nakalimutan ko. Saan ko nga ba siya nakita?

Nagtilian naman ang mga babae na kaklase ko.

"Wieeee! Si Zaraihnnah Fuego!"

"Idol!"

"Master Z!"

"Zaraihnnah The Fire Fuego is hereee!!"

Zaraihnnah Fuego? Ah yung hall of famer pala sa Pentaball. Siya ang magtuturo saamin ngayon?

Wait, asan si Elfiya???

"Good morning everyone. I am here as a substitute of Elfiya Sayson who is at the clinic right now." Sabi ni Zaraihnnah at nagreklamo naman ang mga kaklase namin.

"Naman oh. Akala ko si Zaraihnnah na ang magtuturo sa atin hanggang matapos ang school year."

"Sayang, ngayon lang magtuturo sa atin si master Z."

Ano bang problema nila sa mga dwende na tulad ni elfiya?

"Shhh. Wag kayong mag-alala. Kung may mga araw na hindi available si Miss Sayson, ako ulit ang magtuturo sainyo." Sabi niya at sumigla ang mukha ng karamihan.

Kung sila masaya na si Zaraihnnah ay nandito, ako hindi. Nakakunot ang mukha ko habang nagsasalita siya. Napansin naman iyon ni Perrin.

"Uy anyare sa mukha mo?" Sabi niya na kumukunot ang noo. Salamat at natapos na kakasalita ang weird eyed Fuego na yun.

"Ano ba kase ang problema ng mga tao sa mga dwende?" Sabi ko at padabog na naglalakad patungo sa nakahilerang mga kaklase ko na nakahandang lumipad.

"Ops. Wizards tayo. Hindi basta tao lang." Sabi ni Perrin at sumunod sakin.

"Bahala ka na nga. Tao pa rin naman tayo eh." Sabi ko.

The Wandless WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon