Flamingo Forest

4 0 0
                                    

Nasa classroom na silang apat. At sina Macy at Conjro nagbabangayan parin.

"Hoy ikaw bakit mo ako iniwan kagabi ha?"

"Eh nagugutom na ako."

"Pareho naman tayong gutom eh!"

"Nahawa ka na ba sakin?"

"Che! Mukha mo nahawa."

"Hoy hoy. Tumigil nga kayo dyan matakaw at ariel. Mabibingi ako sa inyo eh." Saway ni Chris na tinakpan ang tenga.

"Hoy kayo ah kanina pa kayo. Hindi kayo nahiya sa bampirang violet ang buhok." Asar na sabi ni Charima at mapaglarong tumingin kay Chris. (Sa mga hindi makagets sa bampira thingy bahala kayo dyan. Ang makagets ay dedicate ko sa next chap)

"Hoy ang petmalou mo saken. Ano bang nakain mo?" Naiiritang sabi ni Chris.

"Saan mo nakuha yang petmalou na yan Chris? Bading ka b--- ARAY!" Hindi natuloy ang sinabi ni Charima dahil hinampas siya ni Chris ng kalakas-lakas.

"Ayan di ako bading letche ka." Sabi ni Chris at natawa sila ni Charima.

"UYYYYY SWEET SILA!!!" Sabay na sigaw nila Conjro at Macy. Binatukan nalang nila Chris at Charima ang dalawa.

-~-~-~

Chris' POV
(Diba nagpromise ako na third person lahat ng chap diba? Hindi ko itututloy ang hirap pala hihihi)

Tapos na ang klase. Naglalakad akong mag-isa patungong Dolphin Lake kung saan matatgpuan ang dormitory ng Dophin Familia.

Sumisid na ako sa lawa pero hindi ako nabasa at ang mga gamit ko rin ay hindi nababasa. Yan ang 'Perks of being a member of Dolphin Familia.' Pwede namang hindi ka sumisid. May tunnel naman papasok sa dorm na hindi ka lalangoy. Para lang yun sa mga hindi marunong lumangoy. Pero mas makakaabot sa dorm ng maikli na oras kung lumangoy ka. Pero mas gusto kong sumisid dahil gusto ko.

Nakapasok na ako sa dorm. Marami na ang nandito. Ang iba nag-aaral at ang iba gumagawa mg takdang-aralin.

Inilagay ko na ang mga gamit ko sa luggage sa sidings ng kama ko. Nasa itaas ako na kama sa double deck bed. At nakita ko ang kasama ko sa double deck bed. Nasa ibaba siya na bed. Si Zaraihnnah Fuego. May blue na buhok siya at may pink na mata. Binati ko naman siya at sumisid na ulit pabalik sa Sallmander.

Nakaahon na ako at nung papatayo na ako may naghila sakin na kung sino.

"Ano ba bitawan mo ako!" Sabi ko at nagpumiglas. Nandito na kami sa Flamingo forest. Nabitawan niya ako at sinuntok ko siya. Nahiga siya nun.

"Kaboses mo pala siya." Nagkaroon ng maikling katahimikan at nagsalita ulit siya. "Ikaw si-" Hindi ko siya pinatuloy dahil sinuntok ko na naman siya.

"Kahit lalake ka ngayon hindi ka makakatakas sa amin. Babalik at babalik ka sa lugar na pinanggalingan mo at narito ako para ibalik ka doon." Sabi niya.

"Kahit kailan hindi ako ang nawawalang anak ng mga Dalfanes. Baka patay na yon." Sabi ko at ngumiti na mas ikinagalit niya.

"Hindi maaaring patay ang anak ng mga Dalfanes. Malalaman yon ng mga Dalfanes kung patay na siya. Kaya halikana at babalik tayo sa Macinia." Sabi niya at hinawakan ng maghigpit ang braso ko at hinatak na naman ako.

Nakita ko ang kutsilyo niya at kinuha ko yon. Sinipa ko siya at pinugutan siya ng ulo. Tumakbo ako at tinawag ko ang mga shark sa Lake at pinakain ko sa kanila. Nilinis ko na ang maduming dugo niya at pinaalis ang mga shark

"Sana nasa impyerno ka na, Rodolfo." Sabi ko at dinala ang kutsilyo. Umalis na ang mga shark at sumisid na ulit ako sa lawa.

-~-~-~
Charima's POV

The Wandless WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon