Flying Lessons

2 0 0
                                    

Nakatitig ako ngayon sa bulletin board ng school. Nakikita ko ang mga flyers ng mga kailangan para sa pentaball team sa kada familia. Meh, di ako interesado sa mga larong iyan. Mamaya pupunta na naman kami sa auditorium para manood sa isang laro. Sabi ni ate Hexia na ang lahat daw na mga laro dito ay mga mops ang kailangan. Pero in the mere thought na nay mga lumilipad na mops ay matatawa ako. Muntik na akong matawa pero pinigilan ko dahil may maraming tao. Mapagkamalan akong baliw.

-~-~-~
Pumunta muna ako sa dorm namin at umakyat sa kama. Hinawi ko ang foam ng kama at pumasok sa secret closet ko. Kumuha ako ng panyo at hinubad ang sapatos para kumuha ng bago. At pagkatapos lumabas na ako sa secret closet ko.

Bumaba na ako at dun sinuot ang sapatos sa sahig. Habang itinali ko ang sintas ng sapatos ko ay may narinig akong nag-uusap sa katabing mga kama. Dalawang mga babae at ang isa ay nakahiga sa kama. Ang isa ay nakaupo lang.

"Uy girl wala daw klase ngayong umaga! May meeting ang mga profs! Yes makakapunta na ako sa dagat!" Girl 1. So wala palang silbi ang pagpalit ko ng sapatos. Akmang itatanggal ko ang pagkabuhol ng narinig ko ang sagot mg kausap ng babae.

"Pero pupunta parin tayo sa auditorium dahil manonood tayo ng launching of mop racing tryouts." Bored na sabi ng Girl 2. Meh hindi rin ako interesado sa mop racing na yun. Mas mabuti pang matulog. Tatago na lang ako sa secret closet ko. Natapos na ako sa pagtali ng sintas ko sa kaliwang sapatos kaya sinunod ko ang kanan.

"Ayy ang bad naman nila. Maganda kayang pumunta sa dagat maglalaro ako ng tubig at makipag-usap sa mga sharks!" Sabi ng girl 1 at nanlaki ang mata ko at napahinto sa pagtali ng sintas. Paano nakapasok ang Dolphin familia rito sa dorm namin?

"Bahala ka sa buhay mong babae ka! Ikaw lang naman ang animal interpreter rito. At wag mo akong isama sa pagpunta mo sa dagat. Kayo lang ng sharks ang magkakaintindihan." Sabi ni Girl 2 at nagmaktol naman si girl 1.

"Sige na sama ka na girl please??" Maktol ng girl 1 at nagsimula na akong mainis sa pabebe niyang salita.

"Heh!!! Bakit ba nasa Salamander Familia ka eh nakakaintindi ka naman ng mga hayop? Sana nasa Dolphin Familia ka para hindi ko makita ang pagmumukha mo." Sabi ni girl 2. Natapos na ako sa pagkabuhol ng mga sapatos ko at tumayo na. Saktong nagbell naman at lumabas ang lahat na nasa dorm tanda ng pagpunta sa auditorium.

Isang idea ang pumasok sa isip ko at tumakbo patungo sa labas ng pinto at tumalon pababa.

"WAAAAAHHH CHARIMA BAKA MAMATAY KA NIYAN!" Sabi ng kasama ko sa katabing kama na si Maria Deline. Nagsabi naman ako ng jelly charm para sa sarili ko three inches bago pa ako bumagsak sa sahig. At naging jelly na ako nung bumagsak ako kaya hindi masakit ang bagsak ko. Bumalik na ako sa dati kong anyo at sumigaw sa kanya sa taas. "Hindi naman ako namatay ah!" Sabi ko at tumakbo na papalabas ng poste.

Pinuntahan ko si Macy na papalabas na ng main door at pinasabihan siyang tawagin si Conjro at Chris gamit ang hangin at papapuntahin sa labas ng poste ng Salamander dorm. At ginawa naman niya.

"Ano ba ang meron Charima? May nangyari ba? Punta na tayo sa auditorium." Sabi niya at hinila ako. Hindi ako kumibo at papatakbo na naman.

"May pupuntahan tayo!" Sabi ko habang papalayo na sa kanya.

Bumalik na ako sa dorm at iniisa-isa ang mga kama kung may mga nagtatago ba. So far wala naman kaya ginawa ko na naman ang trip ko ganina. Malapit pa akong sumablay. Naku baka mamamatay ako *laughs*

Lumabas ako ng poste at nakita ko silang tatlo na inip na inip na naghintay sakin.

"Ano ba ang trip mo ngayon Charima ha?" Naiiritang sabi ni Macy.

The Wandless WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon