Chris Gwapo and Chrys Tomboy

5 0 0
                                    

"Grabe yung nangyari noon brad! Halos hihimatayin ang dalawang lalaki na nasa harap ng pating!" Sabi ng lalakeng taga-deer familia at tumawa.

"Sino naman ang nagdadala ng wand noong araw na yun brad?" Sabi ng kausap niyang taga-eagle familia

"Baka ang dwendeng yun ang nagsummon ng pating." Sabi ng kararating na kaibigan nilang tomboy na taga-human familia.

"Hala baka narinig niya kami ni Jazel at sa dalawang lalake ano?" Nakiusyoso na rin ang isang babaeng taga-eagle familia na kamukha nung taga-deer familia.

"Baka nga." Sabi ni Macy at sumubo ng ulam.

Nasa great hall kami ngayon at kumakain na sila ng breakfast. Ang mga kausap naman ni Macy ay ang mga kaibigan niya. Ako naman ay tahimik na umupo katabi si Macy.

"At paano naman kayo maririnig nun eh ang layo niyo sa kanya? Hindi naman siya taga-dolphin familia ah." Sabi ko at sumubo ng kanin. Tumingin naman sila sa gawi ko.

"Hala Charima! Ano na naman trip mo at may eyebags ka?" Sabi niya at hinawakan ang panga ko at hinarap sa kanya.

"Arway! Mwashaket Mwaychi ah." Sabi ko at tumawa silang lima. Tinaggal naman ni Macy ang kamay niya sa panga ko.

"Bakit ka ba walang tulog kagabi?" Tanong ng babaeng taga-eagle familia.

"Malamig kase eh. At pumasok pa sa kama ang hangin. Kaya hindi ako nakatulog." Pagsisinungaling ko sa kanila at nagpatuloy na sila sa pagkain.

Ang totoo talaga, nakonsenya ako sa dalawang lalake na nagbulungan noong nakaraang linggo dahil muntik silang makagag ng pating. Mabuti at agad kong sinabi ang reverse spell nito at hindi natuloy. Kahit na isang linggo na ang nagdaan pero nakokonsensya pa rin ako. Parang kailangan kong magpatawad sa kanila pero paano?

Hindi naman sila maniniwala na kaya kong magpagana ng spell na walang wand. At kung sasabihin ko naman na may wand ako ay hindi rin sila maniniwala dahil walang bulsa ang robe para pagtaguan sa wand. At hindi rin pwede na hinawakan ko ang wand sa likuran ko dahil kung ginawa ko yun edi sana malalagot na ako kay Headmaster.

"Hoy Charima anong meron don?" Sabi ng tomboy na taga-human familia. Nakabalik naman ako sa huwisyo. Tinignan pa niya ang lugar kung saan ako natulala.

"Mio mo." Wala sa isip kong sagot.

"Hala ikaw pala ang tomboy na may Mio brad? Ahahahahaha!" Sabi ng lalakeng taga-deer familia. Tumawa naman kami at binigayan siya na nakakamatay na tingin ng tomboy na taga-human familia.

"Hala nakita ko ang Video mong Vroom Vroom Boom by Hondamioland ahahaha grabe mong sumayaw brad ah!" Sabi ng lalakeng taga-eagle familia at mas tumawa kami. Grabe talaga yung Video na Vroom Vroom Boom ng Hondamioland. Gumiling-giling pa yung tomboy.

Binatukan naman kami ng tomboy isa-isa. "Hoy hindi ako yung tomboy na may Mio no? Panget nun. Pogi ko kaya?" Sabi niya at nagpogi-sign pa. Umiiling na lang kami.

"Utot mo brad. Mas pogi ako." Sabi ng lalakeng taga-eagle familia at sinuklay ang buhok gamit ang daliri at nagpose pa na parang model. Nandidiri pa si Macy. Ako naman umiling.

"Hephep! Mas pogi ako. Sabi ng lalakeng taga-deer familia at nagpose rin na parang model.

"Hoy gaya-gaya ka! Sabi ng lalakeng taga-eagle familia at hinampas sa braso ang taga-deer familia.

"Teka lang ha!" Nagpose ulit siya at kinagat ang ibabang labi. Pumalakpak naman kami ni Macy at sa babaeng taga-eagle familia.

"Whoooo!!! Kambal ko yan!" Sabi ng babaeng taga-eagle familia sa lalakeng taga-deer familia.

The Wandless WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon