Sallmander

21 1 0
                                    

"Ano, handa na pa kayong lahat?" Tanong ni Warlocio sa kanyang mga anak.

"Opo tay!" Sabay na sagot ng mga bata habang dala-dala ang mga bagahe nila at handa nang pumunta sa Anery Subway para sa pagpunta ng Sallmander School of Wizardry.

At nagportal ang lahat papuntang Anery Subway.

"Nandito na tayo!" Sabi ni Sorcera sa mga anak.

"Wow!" Namamanghang sabi ng kambal. Nandito sila sa harap ng subway at may malaking sign sa kanan na nagsasabing:

ANERY SUBWAY:
SUBWAY FOR SALLMANDER SCHOOL OF WIZARDRY °~{

"Tay, bakit may serena sa huli? May serena ba doon?" Sabi ni Charima na nakatitig parin sa sign habang ang iba ay naglalakad na papasok sa subway.

"Charima! Halika na!" Tawag kay Sorcera sa anak.

At tumakbo si Charima tungo sa ibang kasama. "Bakit po may serena doon?" Tanong ni Charima ulit nung nakaabot na siya sa nanay niya.

"Bakit may serena doon? Hindi naman 'yon serena. Salamander 'yun!" Sabi ni Sorcera na natatawa

"Marami talagang mga wizard na napagkamalan 'yong serena. Ahahah ngayon ko lang nalaman." Sabi ni Warlocio sa mga anak.

"Buti alam mo!" Sabi ng mga anak sa tatay at tumawa silang lahat.

At nakarating na sila sa subway.

"Mga anak, hanggang dito na lang kami." Sabi ni Sorcera sa mga anak.

"Sige mga anak. Sana magkaroon kayo ng magandang taon doon ha?" Sabi ni Warlocio.

"Paalam tay! Nay!" Sabi ng magkakapatid sa kanilang mga magulang. At nagyakapan silang lahat.

"Sige na. Umalis na kayo. Nag-aantay ang Pegasus sa inyo." Sabi ni Sorcera sa kanila.

Umikot sila at nakita ang Pegasus. Para siyang kaluluwa na may kulay lavender at silver.

Lumingon sina Charima at Conjro sa ibang mga tao sa subway. May ibang mga bata sa nakikita niya nila ay Griffin, Cerberus, Lindworm, at Phoenix.

"Nay. Bakit magkaiba ang mga hayop na sasakyan namin?" Tanong ni Conjro habang lumalapit sa kanya ang kulay lavender na Pegasus.

Nagulat ang lahat nang nahawakan ni Charima ang silver na Pegaus sa ulo dahil nagliwanag siya at napalitan ng kulay gold. At ang mga mata niya ay naging silver. Napako sa pwesto nila sina Sorcera at Warlocio. At nanlaki ang mata ni Hexia na parang luluwa na sa eye socket niya. At si Conjro na nakasakay sa Pegasus niya ay nahulog. Nagbulong-bulungan na ang lahat at ang naririnig lang ni Charima ay ang mga salitang: 'Nandito na siya!!! Nandito na ang tagapagligtas!!!' At 'Nandito na ang tagapagligtas ng Wizerene.' At nagtataka na ang magkakapatid.

"Sino ang tagapagligtas nay? Tay? Wala naman kayong isinasabi samin ah." Sabi ni Hexia sa mga magulang nila.

"Baka guni-guni lang nila 'yon." Sabi ni Sorcera sa magkakapatid. "Sige na. Sumakay na kayo. Hexia. Nasaan ang iyong sundo?" Sabi ni Sorcera habang tinitignan ang mga tao sa paligid na patuloy parin sa pagbulong-bulungan.

At mas nagulat ang lahat nung nahawakan ni Conjro ang kanyang Pegasus at napalitan ito ng isang agila na kulay green.

"Paano naging agila 'to eh hinawakan ko lang naman." Sabi ni Conjro.

Mas lumakas ang bulong-bulungan at ang karamihan sa mga bulong ay ang: 'Wag mo sabihing may dalawang tagapagligtas?'

"Nay, tay, mauna na po kami. Sabi ni Hexia at sumakay na sa Pegasus niyang kulay blue.

"Sige mga anak. Mag-ingat kayo ha?" Sabi ni Sorcera sa mga anak.

Sumakay na ang lahat at sumakay na rin silang tatlo. At nang binuksan na sa mga guard ang mga pinto sa exit ay naglakad na ang lahat na hayop patungo doon. At nung makalabas na ang lahat ay lumipad ang mga hayop nila. Ang ibang mga hayop ay tumatakbo.

"Wow!" Sabay na sabi ng kambal. Makikita sa itaas ang paaralan. Kulay pula ang kulay kaya madali lang mahanap.

Binuksan ni Charima ang mga braso niya sa magkabilang gilid at niraramdam ang maaliwalas na hangin. Biglang lumiko ang Pegasus sa kaliwa kaya muntik siyang mahulog. At tumawa lang ang mga kapatid niya.

"Ahahahaha! Baka sa sususnod na liko ay ang Pegasus na lang talaga ang pupunta sa Sallmander mag-isa." Natatawang sabi ng kakambal sa kanang gilid niya at biglang lumipad pataas ang agila niya kaya napasigaw siya.

"Ahahahaha. Feel the moment Conjro!" Natatawanag sabi ni Charima sa kakambal habang sumisigaw parin si Conjro.

"Baka pagdating natin doon ay hindi na makakapagsalita si Conjro dahil sa tindi ng sigaw niya." Sabi ni Hexia at nagtawanan silang dalawa.

At lumiko na sa kanan ang mga hayop at papalapit na sila sa paaralan.

Nakarating na sila sa paaralan at bumaba na silang tatlo.

Tumungo ang lahat sa isang malaking arko at nawala lang sa isang iglap.

"Bakit nawala sila ate?" Tanong ni Chrarima sa kaniyang ate.

"'Yan ang daan patungo sa great hall. Dyan magaganap ang choosing of wands." Paliwang ng ate sa nakababatang kapatid.

At wala nang ibang salita ay naglakad na sila papasok sa arko. Pumikit silang lahat. Pagdilat nila nasa great hall na sila. May nga upuan na pumapalibot sa isang silid. Tumungo ang magkakapatid at umupo sa harap.

"Maiwan ko na kayo ah. Ang mga freshmen lang ang umuupo rito. Kami ay nasa likod tinitignan kayo." Pagpapaalam ng ate sa kambal.

"Sige ate. Kita-kita tayo mamaya." Paos na sabi ni Conjro sa ate. Nagpipigil ng tawa si Charima. Paos na paos si Conjro sa sigaw niya kanina.

At sa pag-alis ni Hexia may naglakad na lalaki na may jet black na buhok at grey na mata patungo sa harap ng silid. Kinuha niya ang wand niya at nag-tap ng tatlong beses sa harap ng silid at lumabas ang pinto. Namangha ang lahat pati ang dalawa.

"Magandang tanghali sa inyo. Una sa lahat. Maligayang pagdating sa Sallmander School of Wizardry!" Bati niya sa mga bata. Nagpalakpakan rin silang lahat.

At nung nagtahimikan na ang mga bata, nagpatuloy na siya sa sinasabi niya. "Ako si Jaurus Jackson. Ang headmaster ng Sallmander. Ang mga masasabi ko lang ay sana maligaya ang inyong pag-aaral rito. At sana matuto kayo at 'wag ilagay sa bahala ang lahat ng mga leksyon na nakuha ninyo rito sa paaralan. Salamat sa inyong lahat." Nagpalakpakan ulit ang lahat.

Pinatahimik niya silang lahat. "Bago pa natin gaganapin ang choosing of wands, alam kong wala pa kayong tanghalian. Kaya," Pabitin niya sa mga bata.

"KAINAN NA!" Sabay na sigaw ng mga bata. At sa pagsigaw nila ay ang mga pinggan na may kanin at mga putahe ay nagliliparan at bumababa sa mga bata. Para silang kumakain sa isang invinsible na mesa.

At nung natapos na ang lahat ay lumipad na paalis ang mga pinggan. At naglakad na pabalik si Jaurus sa harap ng silid.

"Magsisimula na ang Choosing of Wands."

The Wandless WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon