Posessed

6 1 0
                                    

Gumising na si Charima at ginagawa ang mga pang-umaga na gawain. Pagkatapos, bumaba na siya. Kani-kanilang mga paraan ang mga taga-Salamander family na bumaba. May iba na gumawa ng mga hayop na lumilipad pababa. May ibang nagpapagaan sa kanilang mga sarili na parang papel para hindi sila mabilis mahulog. Pero si Charima....

*Cricket sound* *Cricket sound* "Paano kaya ako makakababa rito?" Sabi niya.

'Bobo mo kasi! Hindi ka nagsanay kagabi!' Sabi ng maliit na boses sa ulo niya.

"Magbabasa na lang ako." Sabi niya sa sarili at umakyat sa kama niya.

Binuklat niya ang aklat na para sa mga spells at hinahanap ang mga spells na pewdeng gamitin sa pagbaba.

Sa sampung minutong pagbabasa ay nakakita na siya ng spell.

"Sa wakas! Nakakita na ako!" Sabi niya habang tinitignan ang spell na:

Pole spell- makes a pole in any length for the caster.

Incantation: Polareus

Isinara na niya ang aklat at bumaba na. Lumabas na siya sa dorm at nandoon na sa platform. Linabas niya ang wand niya at itinuro pababa. Nagbuntong-hininga muna siya bago sinabi ang inkantasyon.

"Polareus!" Sigaw niya. May lumabas na malaking bakal mula sa wand niya at nung nakaabot na yon sa sahig, itinaas na niya ang wand niya. Nakagawa na siya ng isang pole para makababa!

At hinawakan niya ito. Matibay naman. Kaya hinawakan niya yun at kumapit nun pababa.

Tumatawa lang siya sa kanyang sarili pagkatapos bumaba. "Para akong bumbero nun ah." At tumawa na naman siya ulit.

Lumabas na siya sa bilog na poste at nakita na niya ang mga ibang mga taga-Sallmander sa ibat-ibang mga family. Naglakad-lakad muna siya patungong classroom na agad niyang nakita sina Macy, Chris at ang kakambal na si Conjro. Sa may pintuan ng classrooom nila.

"Charima!" Sabi ng tatlo ng magkakasabay.

"Oh" sabi ni Chris sabay bigay ng papel kay Charima.

Kinuha rin niya yon. "Schedule ito?" Sabi niya

"Hindi. Testpaper. Sagutin mo." Sarkastikong sagot ni Chris.

"O sige pasok na tayo?" Aya ni Conjro at pumasok na ang apat.

Naghanap sila ng upuan at nagkakatabi silang apat sa pinakaharap na mga linya ng upuan na silid-aralan. Maya-maya, may pumasok na lalake na may katamtamang kulay ng balat, gintong buhok at ubeng mga mata.

"Magandang araw mga bata. Ako si Professor Garcia. At ako ang guro ninyo sa kasaysayan ng mahika." Sabi ng guro.

"At magsisimula tayo sa kasaysayan ng Sallmander." Sabi niya. Umupo ng maayos ang mga bata at handa ng makinig.

"Noon unang panahon, wala pang mga Wizard. Pero noong 1687, may isang bata na nakakitaan ng mahika. Napapalipad niya ang mga baso sa bahay nila na hindi niya sinasadya, makakagawa siya ng ibat-ibang mga bagay. At nakakita siya ng libro at sanga ng puno ng birch. Hinati niya ito at nakita ang mga petals ng rosas sa loob. Binalik niya ito at binuksan ang libro. May mga spells na nakalagay sa loob nito. Sinubukan niya ito at sa tatlong buwan, marunong na siyang gumamit sa wand at kontrolin ang kapangyarihan niya. Pagkatungtong niya sa edad na 20, naisip niya na baka may mga tao pang pareha sa kanya na may kapangyarihan. Kaya naglakabay siya. Totoo nga ang naisip niya. May isang bahay na ang mga apat na mga bata ay lahat mga may kapangayihan. Sinama niya sila at nagtayo ng bahay sa gitna ng gubat. Tinuruan niya ang mga bata at pinahiram rin niya ang wand niya sa mga bata. At sa limang taon, natuto ang mga bata na gumamamit ng wand. Lumaki na ang mga bata non. Kaya naisipan ng mga bata na gumawa ng paaralan para sa mga ibang bata na may kapangyarihan. Kaya nagtulungan silang lahat na nagtayo ng malaking paaralan na may sampung silid. Ang isa sa mga bata ay marunong gumawa ng bahay. Ang isa ay ang gumawa ng libro na tulad ng sa guro niya. Ang isa ay gumagawa ng mga wand. At ang isa ang gumawa ng mga batas. Ang guro nila ang gumawa ng mga family. Ang bata na gumawa ng paaralan ay may kapangyarihan ng telepathy. Kaya ginawa niya ang eagle familia. Ang bata na gumawa ng libro ay may kapangyarihan ng Exorcism. Kaya ginawa niya ang salamabder familia. Ang gumawa ng wand ay marunong gumamot. Kaya ginawa niya ang dolphin familia. Yung batang gumagawa ng batas ay may kakayahang makikipagusap sa mga patay. Kaya ginawa niya ang deer familia. At, ang guro mismo ay pwedeng maging invinsible kaya ginawa niya ang human familia. At yun ang simula ng Sallmander School of Wizardry." Mahabang sabi ng Professor Garcia sa mga bata. Nakatunganga lang ang mga bata sa sinasabi niya. Hindi nila kayang maipalarawan na lumilipad ang mga gamit na hindi mo sinasadya. Na hindi mo alam ikaw pala ang gumawa.

The Wandless WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon