Chapter 1

4 0 0
                                    

-Jane's-

Madaming tao ang nagkalat nanaman sa mga mall, lalo na sa ice cream store, ang init na init kahit tapos na ang summer. At syempre isa na ako dun. ANG INIT KAYA JUSKO. Nakapili nako ng ice cream ko, Mango flavor, paborito ko. Papunta na ako sa counter nang biglang---

"Ano ba?!? Aish. Napaka-clumsy naman ng babaeng to oh! Magbabayad nalang magtatapon pa sa kasunod? Puti pa naman 'tong suot ko tsaka may lakad pa ako. Sa tingin mo papayag ako ng ganito? Hindi!"

"Sorry kuya ha! E sa bigla ka nalang sumulpot na parang kabute. Malay ko ba na nandyan ka?!? At saka, pake ko kung may lakad ka pa? Meron din ako! Alis jan, nang makapagbayad na."

"Ah ganon." (sabay tapon ng ice cream) "May lakad ka din pala eh, ayan, para alam mo yung pakiramdam." (walks out)

"ABA! HOY BUMALIK KA DITO! UGHHH! KARMAHIN KA SANA!"

Pambihira. Favorite flavor ko 'to tapos matatapon pa. Init na init na nga ako, sasabay pa yung nakakainis na lalaking yun sa init ng ulo ko. Mga lalaki kahit kailan! Nakaka. Mukha tuloy akong busabos ngayon. Ang lagkit!

-Kian's-

Ang haba naman ng pila. Kanina pa naghihintay yung girlfriend ko eh. Hay nako. Wala nabang ibibilis 'to? ---

"Ano ba?!? Aish. Napaka-clumsy naman ng babaeng to oh! Magbabayad nalang magtatapon pa sa kasunod? Puti pa naman 'tong suot ko tsaka may lakad pa ako. Sa tingin mo papayag ako ng ganito? Hindi!" Talagang hindi! Kanina pa ako dito tapos matatapunan lang ako.

"Sorry kuya ha! E sa bigla ka nalang sumulpot na parang kabute. Malay ko ba na nandyan ka?!? At saka, pake ko kung may lakad ka pa? Meron din ako! Alis jan, nang makapagbayad na." Aba, palaban ha. Subukan natin kung hanggang saan ka hahaha.

"Ah ganon." (sabay tapon ng ice cream) "May lakad ka din pala eh, ayan, para alam mo yung pakiramdam." (walks out)

"ABA! HOY BUMALIK KA DITO! UGHHH! KARMAHIN KA SANA!"

Karmahin mukha mo. Naghihintay na si Anne sakin. Gustong-gusto pa man din nun yung ice cream.

"Babe! Ice cream? Nasan na?" Eto na nga ba ang sinasabi ko.

"Babe sorry ha? May babae kasi kanina, magbabayad nalang tinapunan pa ako ng ice cream. Masyadong palaban kaya ginantihan ko. Pagkatapos nun nag walk-out na ako. Dumiretso nako dito. Tingnan mo! Mango flavor pa yata 'to e! Aish! Baka mag-stain. Puti pa man din 'tong damit ko."

"Hala. Sige okay lang. Para kang bata hahaha. May extra shirt kaba? Magpalit kana muna. Or gusto mo uwi nalang tayo?" Ang sweet ng babe ko 'no? Kaya mahal na mahal ko eh. Sana hanggang dulo kami parin. 

Beautiful TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon