Chapter 6

2 0 0
                                    

-Kian's-

Pagkarating ko sa emergency room, nakita ko si Jane na kausap si Tita Alice.

"Tita... Omg. Si Anne po?

"Iha, wala na si Anne... Hindi na nya kinaya..."

Biglang nawala lahat ng nararamdaman ko. Naging blanko ang lahat. Wala na sya. Wala na ang babaeng minahal ko. Hindi kona kinaya ang sitwasyon kaya napaupo nalang ako bigla sa sahig.

"Kian! Uy! Ayos ka lang? Ok ka lang? Kian alam kong hindi maganda na ngayon ko 'to ibigay, pero kailangan na eh. Sorry. Condolence."

May inabot na letter sa akin si Jane. 'To Kian J ' Sulat 'to ni Anne ah? Buksan ko na.

"One day at a time—this is enough. Do not look back and grieve over the past for it is gone; and do not be troubled about the future, for it has not yet come. Live in the present, and make it so beautiful it will be worth remembering. Happiness is a journey, just as life is. Enjoy the ride. -Ida Scott Taylor"

Hi babe. Nakikita kong malungkot ka L Smile kana ha. Lalo akong malulungkot pag lagi kang sad. Babe, thank you sa lahat ha? Thank you sa pagiging laging nasa tabi ko, sa pagsuporta sakin lalo na sa pagmamahal sakin. Hindi ko sinabi sayo agad kasi gusto kong ienjoy natin yung kung anong meron tayo ng walang worries. J Kian, ngayong tapos na yung pag-aalaga mo sakin, sarili mo naman ang alagaan mo ha? Hindi ko din naman ginusto na mapunta tayo sa ganitong sitwasyon eh pero eto yung plano ni Lord. J Alagaan mo puso mo. Kakayanin mo yan alam ko. Mag-aral ka nang mabuti para sa future mo. Lagi kang kakain ha. Wag ka magpapagod ng sobra. Lagi kang mag-iingat. Babe, ibinilin na din kita kay Jane. Sana maging masaya ka ha. Para sa sarili mo at para sa akin. Wag mong isipin na wala ng nagmamahal sayo, madami kami na mahal na mahal ka. Tiwala lang kay Lord at magiging okay din ang lahat. Yun lang babe. Goodbye na. Thank you for everything. Mahal na mahal na mahal na mahal kita. J 'Til we meet again.



"Iho? Alam kong masakit pero kailangan nating magpakatatag. Mas magugustuhan yun ni Anne."

"Tita, ano po bang nangyari? Bakit bigla nalang po syang napunta sa ganyan? Tita bakit?"

"Wala bang nasabi sa'yo si Anne about sa puso nya?"

"Wala po, bakit? Ang sabi nya lang po sakin sa letter, Hindi nya daw po sinabi agad sakin kasi gusto nyang sulitin namin yung kung anong meron kami ng walang inaalala. "

"(sighs) Akala ko naman alam mo. Iho, may sakit sya sa puso. Malubha na. 2 Months ago, nagpacheck-up sya sa doctor at sinabing 2 months nalang din ang itatagal nya. Sa two months na yun, hindi ko naman sya nakitang naghirap. Nilalabanan nya yung sakit. Masigla pa nga sya eh. Pero kanina, hindi na yata nya kinayang lumaban. Sumuko na sya. Masakit sa part naming kasi nag-iisang anak naming sya, pero Miguel, lumaban ka din ha? Pasayahin mo din ang sarili mo. Alam kong mas matutuwa si Anne kapag pinasaya moa ng sarili mo."

"Si—sige po tita."

Inayos na nila Tita Alice ang burol ni Anne. Madaming tao ang dumating. Mga schoolmates naming, kamag-anak ni Anne, kaibigan namin pati nadin ang family friends nila. Pagkatapos ng limang araw, libang na nya.

*fastforward*

Ngayon na ang huling araw ng burol ni Anne. May mass at program na gagawin para alalahanin sya. Nakiusap si tita na magsalita daw ako. Kahit na masakit, para naman kay Anne 'to. Alam kong maririnig nya ako.

"Miguel, ikaw na ang magsasalita. Wag kang iiyak ha? Kaya mo yan. (slight smile)"

"Sige po tita. Salamat po."

At eto na nga, sisimulan ko na.

"Uhm. Good evening po sa inyong lahat. Ako po si Kian. Boyfriend po ni Anne. So ayun na nga po. Si Anne, isa syang blessing galing kay Lord. Mukhang anghel nga sya e. Naalala ko pa nun, magkaklase kami pero parang naweirduhan sya sakin. Sinubukan kong magbago para sa mas ikakabuti and good thing, gumana. Sinimulan ko yung panliligaw sa parents nya, bago sa kanya. Haha. Mahigit dalawang taon din yung hinintay ko bago nya ako sagutin. Sabi ko non kay Lord, "Lord. Sya na yun". Naaalala ko yung ngiti nya, kung paano sya magpa-cute kapag nagugutom tsaka yung pagiging seryoso nya kapag nag-aaral. Nung araw na nasa hospital kami ni Tita Alice, nagflashback lahat sakin yung mga memories namin. Oo, nakakalungkot, nakakamiss. (sobs) Pero syempre, kailangan naming magpakatatag. Anne, kung naririnig mo ako ngayon, always remember that I'm very blessed to have a girl like you. Thank you for everything we've been through and especially, for letting me love you. Mahal na mahal kita, babe. Ingat ka lagi dyan. I love you."

Hindi ko na kinaya at tuluyan nang dumaloy ang mga luha ko. Sobrang sakit. Hindi ko alam kung paano pa ulit magsisimula.

...

THIRD PERSON'S POV

Kinaumagahan, naghahanda na ang lahat para sa libing ni Anne mamayang hapon. Mga kaibigan at kamag-anak nila ang dumating. Pagpatak ng ala-una ng hapon, nagsimula ng umandar ang kotse papuntang sementeryo. Nang nasa sementeryo na sila ay agad-agad na inilipat ang kabaong sa tent kung saan malapit ilibing si Anne. Madaming bulaklak at kandila ang dala ng mga tao. Dumating na sa punto na ibinaba na ang kabaong ni Anne at hinuhulugan na nila ito ng bulaklak. Hindi mapigilang maluha ng kanyang pamilya, lalo na si Kian. Pagkatapos ng libing ay dumiretso si Kian sa puntod ni Anne at doon sya umiyak. Nung araw din na yun, napagdesisyunan ni Kian na magbago para sa ikakabuti nya. Pinili nyang magpakatatag para kay Anne at para sa dadating na kinabukasan, ang kinabukasang haharapin nya na wala na ang kanyang kasintahan.

Beautiful TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon