Chapter 2

3 0 0
                                    

-Kian's-

Sobrang naiirita parin ako dun sa babaeng nakatapon sakin ng ice cream kanina. Kapag yun nakita ko, nako ewan ko nalang. E ayoko namang umuwi, sayang naman yung pinunta namin dito. Bumili nalang ako ng t-shirt para makapag-bonding kami ni Anne. Pagkatapos nun, dumiretso kami sa isang café para mag-relax at kumain.

"Babe, yung babae kanina.. "

"Oh?"

"Dinaig ang lalaki eh! Matangkad na, mahaba pa buhok, tsaka napaka amazona! Grabe talaga. Akala mo kung sino. Kung makaasta parang tambay sa kanto."

"Hahahaha. May kakilala din ako na ganyan e. Kababata ko. Kalaro ko lagi nung bata pa ako."

"Nako. Bahala na sya. Ano nga pala gusto mo?"

"Uhmmm, ayun. Dark Choco milktea. Large. Tsaka nachos."

"Sige sige. Hanap ka na ng mauupuan natin."

Pagkatapos kong umorder at nakuha na naming yung mga order namin, kumain na kami. 'Di ko mapigilan na titigan si Anne hahaha. Complete package na e. Maganda, matalino, responsible, sweet at higit sa lahat, Napaka swerte ko sa babaeng 'to.

"Babe. Uy. Tulala ka dyan. Kain na sige ka uubusin ko lahat ng yan haha."

"Sige okay lang. Alam ko naming gusting-gusto mo yan."

At ayun. Nangingiti nalang talaga ako ngayon kasi napaka-cute ng girlrfriend ko. Malapit nang maubos yung nachos e sobrang dami nun. Pagkaubos nya, may naaninag ako na mukha.

"Babe. Ayun yung nakatapon sa'kin ng ice cream kanina oh.Yun."

"Saan?"

"Yung naka white shirt tapos maong na short tapos sapatos na puti."

"Sino dyan? Dalawa e hahaha."

"Yung matangkad na may string bag."

"Yoon? Sya yung nakatapon sa'yo?"

"OO nga! Sya nga! Aba aba! Pupunta pa yata dito."

"Sya yung sinasabi ko na kakilala ko noon! Hala! Small world nga talaga hahahaha."

Sa liit ng mundo, bakit sya pa? Bakit sya pa yung kababata ni Anne? Nakakabadtrip naman oh. Hays, bahala na.

"Kuya, isa pong green tea cream. Tsaka blueberry cheesecake. Tsaka---"

"Jane? Jane! OMG naaalala mo pa ba ako?"

"Uhmmm, you're Anne di'ba? Kalaro ko dati? Yung kasama ko kapag nangunguha ng gumamela kila Aling Norma?"

"Oo, ako nga! Hahaha. Kamusta? Ganda ng outfit natin ah. Kasama mo?"

"Ay ano ba nahiya tuloy ako hahaha. Ayos lang naman. Ikaw sino kasama mo?"

"Ah, eto boyfriend ko. Kian si Jane nga pa---"

(sabay si Jane at Kian) "Ikaw!?!"

"Babe yan yung nakatapon sakin ng ice cream kanina! Yan yung amazonang babae!"

"Hoy! Ang kapal naman ng mukha mong sabihin na amazona ako! Ikaw ng yung may kasalanan tapos---"

"Waiiiiiit! Tama na. Tapos na. Okay na. Hahahaha, akala ko pa naman magkakasundo kayong dalawa. Magbati na kayo."

Kung hindi lang kakilala ng babe ko 'tong babae nato, maisusumpa ko'to. Wala na akong nagawa since kaibigan naman sya ni Anne. I need to be nice, sabi nga ni mama, igalang at irespeto ang mga babae.

"Fine. I'm sorry. Papalitan ko nalang yung natapon mong ice cream."

"Wow! Napilitan ka lang yata eh! Void yang sorry mo. Pilit."

" I insist. Para sa ikatatahimik mo. I'm sorry."

"Okay! Tsaka na yung ice cream... Anne, kailan ka free? Gala tayo soon. Namiss kita eh yieee hahaha."

"Di ko lang sure kasi busy sa school. Di bale, pahingi nalang ng number mo."

At nagkahingian na nga sila ng number at hinatid ko na pauwi si Anne. Grabe tong araw na 'to. Nakakahighblood. Nakakapagod.

Beautiful TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon