-Anne's-
"Okay! Tsaka na yung ice cream... Anne, kailan ka free? Gala tayo soon. Namiss kita eh yieee hahaha."
"Di ko lang sure kasi busy sa school. Di bale, pahingi nalang ng number mo."
Pagkakuha ko ng number ni Jane, we went home na. Grabe talaga ang tadhana 'no. Parang dati lang naalala ko, pag naglalaro kami sa kalsada lagi kaming napapagalitan ni Aling Norma kasi nakakalbo na yung halaman nyang gumamela. Tapos ngayon, sya pala ynug inirereklamo ng boyfriend ko about sa icecream. Small world. Days after, nagmeet kami ni Jane. Magkaiba school naming sayang. Kwentuhan, tawanan, asaran hanggang napunta sa usapang lovelife ang pinagkukwentuhan namin.
"Anne, saan mo naman nakilala yung ugok na boyfriend mo? Akala ko di na magsosorry sakin eh. Hahaha. Boys."
"Si Kian? Naging kaklase ko yun nung second year. Ang weird nya nga dati. Ewan ko ba kung bakit ko nagustuhan yun eh hahaha. Pero Jane alam mo, mabait yun, matalino, responsible, may takot sa Diyos tsaka may paninindigan. Malay mo baling araw, lalapit kana lang sakin tapos may boyfriend kana ahahahaha."
"Hoy! Ayoko nga. Muna. Hahahaha. Dadating din naman sa point na yun pero maghihintay nalang ako."
"Hanep. Iba ka talaga haha. Girl, favor naman."
"Sure. Anything for you."
"Tamang-tama kasi yung pagkikita natin. Gusto ko sanang maging close kayo ni Kian. Sana maging friends kayo. Di ko kasi alam kung---"
Pagkatapos nung gala namin, I decided to not go home muna kasi I really needed some space to think about things. About life. About my life.
*2 Months after...
Pinakilala ko na nang maayos si Kian kay Jane isang araw pagkatapos naming magmeet. Nagkakasundo na nama sila somehow. Pag may gala kami ni Kian, laging thirdwheel si Jane. Yung babaeng yon kase hahaha. Dumating yung oras na pinakahihintay ko. Nakipagkita ulit ako kay Jane kasi may importante akong ibibigay.
Pagkadating namin sa café...
"Oh bes! Napapadalas yata gala natin ah. Namimiss mo naman agad ako. Joke! Hahahhahaaha. So ano na?"
"Jane. Naalala mo ba yung favor ko sa'yo? Pakigawa nun ha. Sobrang sasaya ako kapag nagawa mo yun. Tsaka eto nga pala---."
"---Bes seryoso ka ba? Grabe ka pinapakaba mo ako eh."
"Oo, seryoso ako. Alam kong kaya mo yan. Kakayanin nyo yan."
BINABASA MO ANG
Beautiful Tragic
Romance"If taking risks would make you feel a little more whole and less broken, take it, because the only mistakes we have in our lives are the risks we didn't take. "