Isang buwan makalipas ang libing ni Anne, nagdesisyon si Jane na dalawin ang puntod.
"Anne, kamusta na dyan? Bes iniwan mo naman agad kami. Hays. Sa future pa naman ikaw yung bride's maid ko. Naman eh, ang hirap nung favor mo. Pero sige, itatry ko. Para sa'yo. Miss na agad kita, Anne. Bye na."
Pagkatapos ng pagbisita nya, dumiretso sya sa café kung saan sila nagkikita ni Anne. Saktong nakatambay din doon si Kian. Nilapitan nya ito.
"Uhhh, Kian. Pwedeng tumabi?""Sige."
"Kian, alam kong alam mo yung sinabi sakin ni Anne. Oo mahirap, pero bilang kaibigan nyo ni Anne, bigyan mo na muna ng oras ang sarili mo. Iexplore mo yung mga lugar na di mo pa napupuntahan. Discover your talents. Know who you really are.Magserve ka kay Lord. Know Him more. Deserve mo ang maging masaya ulit."
"Jane, salamat ha. Pero gusto ko munang mapag-isa. Gusto kong ayusin ang sarili ko para maging better."
"Sige, una nadin pala ako. Medyo late na eh. Basta tumawag ka nalang pag may kailangan ka."
Limang buwan na lang ang natitira bago ang bakasyon nila. Pinili ni Kian na ayusin na muna ang kanyang buhay habang si Jane ay naghahanda para sa kolehiyo. Hindi alam ng isa't-isa na magkapareho ang papasukan nilang unibersidad kaya hindi parin sila nag-uusap.
Dumating na Graduation Day nila. Dalawang buwan bago ang pasukan. Si Kian ay kukuha ng course na Psychology habang si Jane naman ay MedTech.
*2 months after...
-Jane's-
WOOOOOOOOOOOOOH! College life na! And daming tao! Wieeeeeeeee university feels. Excited na ako grabe pero ilang buwan nang hindi nagpaparamdam si Kian. Ano na kaya nangyari dun?
"ALL FRESHMEN, PLEASE PROCEED TO BALAGTAS AUDITORIUM FOR YOUR GENEREAL MEETING ABOUT THE RULES AND REGULATIONS OF OUR UNIVERSITY. THANK YOU."
Sa dami ng tao ngayon, hindi ko alam kung saan yung Balagtas Auditorium hahahaha. Nawawala na yata ako. Habang tumitingin ako kung san may madaming papunta, parang nakita ko si Kian. Pero parang imposible naman yun.
"KIAN! KIAN UY IKAW BA YAN?"
Hindi lumingon yung tinawag ko so feeling ko napahiya ako bessy. Hahahah di bale tatawagan ko nalang mamaya.
-Kian's-
"ALL FRESHMEN, PLEASE PROCEED TO BALAGTAS AUDITORIUM FOR YOUR GENEREAL MEETING ABOUT THE RULES AND REGULATIONS OF OUR UNIVERSITY. THANK YOU."
New life. New University. New faces. New friends. COLLEGE. Naglalakad nako papuntang auditorium pero biglang may sumigaw.
"KIAN! KIAN UY IKAW BA YAN?"
Hindi ko alam kung ako ba talaga yung tinatawag o iba. Bahala na. Nagmamadali na ako e.
BINABASA MO ANG
Beautiful Tragic
Romance"If taking risks would make you feel a little more whole and less broken, take it, because the only mistakes we have in our lives are the risks we didn't take. "