Chapter 4

2 0 0
                                    

-Kian's-

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung ipinakilala sakin ni Anne yung amazona nyang kaibigan (buti at pumayag na syang amazona ang tawag ko sakanya hahaha). Naging close kami at ngayon, inaya ko sya mag-café para humingi ng tulong. Malapit na kasi yung anniversary naming ni babe. At kung maitatanong nyo, oo estudyante pa kami, Grade 12. Kung tutuusin dapat nasa second year college na kami. Maraming magsasabi, "Bata pa kayo ah" , oh kaya naman " Anoba walang poreber ". Ganto man ang kalagayan namin pero alam naman naming ang limitasyon namin. Kung paano kami maggogrow together at kung paano namin 'to kakayanin. Tsaka alam ko namang tutulungan kami ni Lord. Lagi ko ngang ipinagpepray si Anne eh. J Maya-maya ay may kumulbit na sakin.

"Uy Ugok! Ano na? Libre mo ba? Tsaka bakit naman ngayong araw jusko pinagmadali mo pa ako. Teka teka, nasan si Anne? "

"Oo libre ko. Tsaka ano kasi..."

"Ano?"

"Si Anne kase..."

"ANO NGA!"

"KailangankongtulongkasimalapitnaanniversarynaminniAnne."

"Ano?!? Dahan-dahan nga. Para 'tong rapper. Wag ka magmadali."

"Kailangan ko ng tulong kasi malapit na anniversary namin ni Anne. Oh ayan ok na."

"Kailan ba?"

"Two months pa hehehe."

(nanlaki mata ni Jane) "TWO MONTHS? SA NOVEMBER?"

"Ah eh, wala naman. Hehehe."

-Jane's-

"Kailangan ko ng tulong kasi malapit na anniversary namin ni Anne. Oh ayan ok na."

"Kailan ba?"

"Two months pa hehehe."

(nanlaki mata ni Jane) "TWO MONTHS? SA NOVEMBER?"

"Ah eh, wala naman. Hehehe."

Hala sya bes. Hindi ko na alam. Feeling ko maloloka na yata ako. Huhubels. Eottoke eomma T-T Bahala na. Basta kakayanin 'to.

"Oh so ayos lang ba? Tutulungan mo ba ako?"

"Sure, sige."

Sana umabot pa kami. Sayang naman 'to kung... hays basta.

-Kian's-

Settled na! Oplan: Surprise sa Anniversary para kay Anne. Hahahaha. May pakinabang din pala si Jane. Sinabi ko na yung buong plano about sa gagawin. Sana magawa naming ng ayos. Dalawang buwan pa naman eh, pero dapat ma-polish na agad para month before, masimulan na. Nakauwi na ako nung bilang tumawag si Tita Alice.

"Hello? Miguel? (sobs) Miguel, nasaan ka ngayon?"

"Tita! Kakauwi lang po. Teka, bakit po kayo naiyak?"

"Si Anne kasi..."

"Ano pong meron? Nasaan kayo?"

"Nasa emergency room. Pumunta kana dito. Nirerevive na ng mga doctor si Anne. Miguel pakibilisan. (sobs) Ipagdasal mo na kayanin pa ni Anne."

" Sige po pupunta na ako dyan."

Babe naman! Ano kayang nangyari kay Anne? Lord naman, 2 months nalang eh. Lord tulungan Nyo po kami.

-Tita Alice's-

Gabi na dumating si Anne. Itong bata na 'to oo. Ilang beses na naming sinabihan na wag masyadong magpagod at baka hindi kayanin ng katawan nya. Pagkauwi nya ng bahay---

"Ma'am! Ma'am! Si Alice po nahimatay sa kwarto! Di ko po alam gagawin ko. Ma'am..."

"Ipatawag mo yung driver! Sabihin mo sa ospital. Bilis!

Habang nasa kotse na kami, biglang nagsalita si Anne.

"Ma, naalala mo pa si... si Jane?"

"Oo anak,why?"

"Pakisabi sakanya gawin nya yung favor ko ha... Ma mahal na mahal ko kayo ni Papa. Si Kian ma, sabihin mo lumaban sya,ha? Ma... Ma..."

'"Anne? Anak? Lumaban ka anak! Gising! (sobs) Kuya! Pakibilisan naman! Anne gising!"

Pagkarating namin sa emergency room, hindi na kina-kaya ni Anne. Naghihingalo na sya. Agad kong tinawagan si Miguel para pumunta dito.

"Hello? Miguel? (sobs) Miguel, nasaan ka ngayon?"

"Tita! Kakauwi lang po. Teka, bakit po kayo naiyak?"

"Si Anne kasi..."

"Ano pong meron? Nasaan kayo?"

"Nasa emergency room. Pumunta kana dito. Nirerevive na ng mga doctor si Anne. Miguel pakibilisan. (sobs) Ipagdasal mo na kayanin pa ni Anne."

" Sige po pupunta na ako dyan."

Maya-maya, dumating na si Kian. Pero hindi na kinaya ni Anne. Dumating din si Jane at naluluha agad sya pagkarating nya.

"Tita... Omg. Si Anne po?

"Iha, wala na si Anne... Hindi na nya kinaya..."

Beautiful TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon