Introduction

1.1K 18 3
                                    

.....

"They're here." sambit ni Raleigh habang nakaupo sa bintana ng kwarto ko.

Dumungaw ako sa bintana saka nagsalita, "Nandito na nga sila. Salubungin mo na siya." sabi ko at umupo sa harap ng malaking salamin.

Bumaba naman si Raleigh mula sa bintana at lumabas ng kwarto ko.

Ang tinutukoy ko ay yung ina ni Sebastian. Si Madam Aria Faustus. Madam ang tawag sa kanya ng mga tauhan dahil siya at si Lord Lucio ang namumuno sa kaharian nila.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at pumunta sa big hall. Kung naitatanong niyo kung anong mayroon, ipinagdiriwang namin ngayon ang third year anniversary namin ni Sebastian simula nung ikasal kami.

Biruin mo, tatlong taon na din ang lumipas? Ang bilis ng panahon.

Pagdating ko sa hall, sinalubong ako ng isa sa mga tauhan. Si Errell.

"Where are they?" tanong ko sa kanya. Itinuro naman niya yung table sa harapan sa gitna at nakita kong nandoon sina Mama. Kasama niyang nakaupo si Raleigh.

"Okay, salamat!" sabi ko at pumunta sa pwesto nina Madam Aria.

"Oh, Duxeen, you are so beautiful in your gown today. Happy anniversary to you and Sebastian. Nasaan pala siya?" sabi ni Madam.

"Thank you, Madam. I'm glad that you came. He's still in the palace pa po, nagpe-prepare." sagot ko at tumabi kay Raleigh.

"Dear, from now on call me Mama. Hindi ka na bago sa'kin. Anyway, tell someone to call Sebastian. Gusto ko na siyang makita." sabik na sabi ni Mama.

"Okay po, Mama." nginitian ko siya.

Ipinatawag ko si Sebastian kay Errell.

After that, tumingin ako sa paligid. Wala naman akong nakitang kakaiba. Kaya naman kumain na lang ako at nakipag-usap na lang ako kay Mama.

Habang nakikipag-usap ako kay mama, namataan ko ang isang lalaki sa isang sulok ng hall. Suot niya ang isang black hoody jacket at nakatitig sa akin. Pinagmasdan ko siya saglit upang kilalanin. Pero hindi ko siya mamukhaan. Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain.

Pero nakalipas na ang ilang minuto ay ramdam ko pa din ang titig niya sa'kin. Hindi niya ito inaalis kaya naman tinignan ko ulit siya.

Sa una, normal naman ang lahat. Hanggang sa unti-unting namumula yung mga mata niya. Tumalim ang tingin niya sa'kin. Naglalaway na din siya. Inilabas niya ang kanyang pangil at lumingon siya sa kanan. Hinawakan niya sa balikat at walang habas na kinagat sa leeg ang babaeng katabi niya.

"Ah!" malakas na sigaw ng babae. Tumayo naman yung mga tao sa kalapit na table nila at tumakbo palabas.

Nagpanic ang iba pang mga bisita at nagsimula na ding tumakbo palabas. Tinignan ko ang babaeng nakagat. Nakahandusay lang siya sa sahig at hindi gumagalaw.

"Raleigh, lumabas na kayo! Samahan mo si Mama sa palasyo at 'wag na kayong aalis doon. Sa likod na kayo dumaan." utos ko. Agad naman na sumunod si Raleigh.

Kinuha ko ang shotgun na nakatali sa binti ko. Natatakpan ito ng gown na suot ko kaya hindi masyadong halata. Mabuti na lang at dala ko 'to sa lahat ng oras.

"Duxeen, mag-iingat ka." sabi ni Mama bago sila tuluyang lumabas ng hall.

"Let's see what you can do." bulong ko sa sarili ko. Unti-unting naglakad yung bampira papalapit sakin kaya ikinasa ko ang shotgun na hawak ko.

"Duxeen, ako na bahala dito. Lumabas ka na!" sigaw ni Sebastian habang papalapit sa akin. Naitumba na niya ang iilang bampira na nandito. Ano ba naman 'yan, ready na 'tong shotgun. Kailangan ko nang iputok 'to.

"Nope." sabi ko sa kanya.

Ipuputok ko na sana ang shotgun dahil may tumayo pang isa nang may humila sa akin. Itinutok niya ang baril sa sintido ko at ikinawit ang braso sa leeg ko. Muntik kong mabitawan ang hawak ko. Mabuti na lang at naihampas ko ito sa mukha niya at nabitawan niya 'ko. Lumapit ako kay Sebastian at tinignan kung sino ang taong 'yun.

"Sebastian, long time no see! Ayoko sanang sirain ang masayang wedding anniversary party niyo pero nandito na ako, wala ka nang magagawa." sabi nung lalaki kay Sebastian.

Dumudugo ang ilong nito. Napalakas yata ang ginawa ko sa kanya. Anyway, sino ba siya?

"Masakit ah." sabi nung lalaki at tumawa siya nang kaunti.

"Sino ka? Anong kailangan mo sa asawa ko?"

"Let's say, I'm his old friend. Right, Sebastian?"

Tinignan ko siya nang masama dahil sa sinabi niya. Mukha siyang tanga, sa totoo lang.

"I'm here para bawiin kung ano ang sa akin." sabi niya at naglabas ng maliit na kutsilyo.

"Walang sa'yo." sinugod ni Sebastian ang lalaki.

Nagsimulang iwasiwas ng lalaki ang kutsilyong hawak niya. Iniiwasan lang ito ni Sebastian. May mga pagkakataon na nadadaplisan siya, ganun din ang lalaki. Tumagal 'yun nang ilang minuto hanggang sa mapagpasyahan kong kunin muli yung shotgun ko at binaril sa ulo ang lalaki.

Naupo na lang siya sa sahig at natawa sa ginawa ko. "Pinahirapan mo pa ako." sabi niya at nginitian ako nang matamis.

Nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilang braso. "Happy Third Year Anniversary, Mahal."

My Demon Husband (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon