Duxeen
Nasaan na kaya si Raleigh? Hindi talaga namin napansin na hindi namin siya kasama. Nagmasid kami sa paligid dahil baka makita namin siya kung saan.
"Let's find him. Baka kung ano na nangyari sa kanya." sabi ni Sebastian sa'kin.
"No need, Sebastian. He's here." sabi naman ni Lord Lucio.
Nakita namin siya na pababa ng hagdan ng isang building kasama si Mr. Denum at nag-uusap silang dalawa. Nang makalapit, tumabi si Raleigh sa amin ni Sebastian.
"Ma, Pa, sorry kung nawala ako bigla. I'm with Ms. Achlys kanina, sinamahan niya akong libutin itong university. After that, naki-sit in ako sa klase ni Mr. Denum." paliwanag niya sa amin. Mabuti naman at safe niya. Akala namin kung saan na siya napunta.
"Omg, Raleigh! Is that you? Ang laki-laki mo na!" masiglang sambit ni Alexelle pagkatapos ay nilapitan siya nito at hinawakan sa braso. Hapon na pero ang taas pa din ng energy niya, saan niya kaya nakukuha 'yun?
"Raleigh, next time magpaalam ka kung saan ka pupunta." sagot naman ni Lyzer.
"Sebastian, your son's a smart student and a fast-learner one. He must study here." suhestiyon ni Mr. Denum
"Kung papayag siyang mag-transfer. Don't worry, we'll discuss about that later."
"Sabihan mo kaagad ako, ipapakiusap ko na ilagay siya sa klase ko."
"Sure."
Magandang ideya nga na dito pumasok sa DNU si Raleigh. Hindi din kasi masyadong maganda ang kalidad ng edukasyon doon sa pinapasukan niya sa Persitte.
"Mr. Denum, mauuna na kami. Hapon na din, you should go home." pagsingit naman ni Lord Lucio sa usapan.
"Yes, Sir." nag-bow si Mr. Denum at umalis na.
Lumabas na din kami ng university at sumakay sa kotse, papunta na kami ngayon sa palasyo nina Lord Lucio. Sa wakas, makakamusta ko na ulit si Mama at makakapag-pahinga na din kami.
"Are you tired already?" tanong ni Sebastian. Magkatabi kami ngayon sa back seat ng sasakyan habang nasa passenger seat naman si Raleigh.
"Oo, eh. Masyadong maraming nangyari ngayong araw sa university pero masaya naman."
"That's good to hear. Matulog ka muna, medyo malayo ang bahay nina Dad."
"Okay." sabi ko sa kanya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.
Nakatulog ako kaagad dahil sa sobrang pagod.
...
"Duxeen, wake up. We're here."
Sa sobrang sarap ng tulog ko, hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba ng kotse. Sumalubong naman ang ilang staffs at si Mama sa amin.
"Sebastian, Raleigh, Duxeen, I'm glad you came all the way to Persitte. Ipinahanda ko ang tutulugan niyo." sabi ni Mama sa amin habang nakangiti.
Ang mga nanay nga naman, maasikaso at maalaga. Na-miss ko tuloy yung Nanay ko.
"Alexelle, Lyzer, nandito din pala kayo." nakababa na din pala sila ng kotse. Sinalubong sila ni Mama ng yakap.
"Mama, we missed you!" niyakap naman siya pabalik ni Alexelle "Biglaan ang pag-uwi namin ni Lyzer, si Papa kasi hindi man lang nagpasabi nang maaga." pagre-reklamo niya.
"Don't worry, Alexelle at ipapahanda ko ang kwarto niyo ni Lyzer sa mga maids. Pumasok muna kayo sa loob para makapagpahinga at makakain kayo."
Nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob ng palasyo nina Lord Lucio. Bago makapasok sa loob, may napansin akong tao sa kagubatan na dumaan. Nilingon ko ito pero wala akong nakita kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
Baka guni-guni ko lang 'yun.
...
"Good night, Duxeen! Marami tayong gagawin bukas sa university, hihi." sabi ni Alexelle at tuluyan nang pumasok sa kwarto nila ni Lyzer.
Pumasok na din kami ni Sebastian sa kwarto niya. Kulay puti ang loob ng kwarto at may mga lining na itim sa itaas. Maayos at maaliwalas ang itsura, nakaka-relax. May maliit na chandelier sa kisame, sobrang liwanag nito kaya ito na ang nagsisilbing ilaw sa buong kwarto.
Mayroon ding maliit na sofa bed sa gilid at study table kaharap ang bintana. Natatakpan ng blinds ang bintana kaya hindi ako makasilip sa labas, bukas na lang siguro. Sa kabilang side ng kwarto, may isang mataas na book shelves at may mga librong nakalagay. Nilapitan ko ito at binasa ang mga title na nakasulat.
Hindi na pala ako nasamahan ni Achlys sa library kanina, curious pa naman ako sa librong History of Faustus. Sinubukan kong hanapin kung may kopya si Sebastian ng libro na 'yun, pero wala akong nakita. Bukas na ko na lang babasahin sa library pagbalik namin sa university.
"Tapos na ako mag-shower." hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya.
Humarap ako at medyo nagulat ako sa nasilayan ko. Jusmiyo, paano ba naman kasi towel lang ang nakatakip sa ibabang part ng katawan niya.
"Put some clothes on, Sebastian. Ginugulat mo naman ako."
"Aw, I thought you wanna see my abs?"
"Err, no."
"Haha, don't worry I have shorts." tinanggal niya ang towel na nakatakip at nakita ko naman na may shorts nga siyang suot.
"Alright, magsho-shower na din ako."
"Okay."
Kumuha ako ng mga gamit saka pumasok sa cr at ini-lock ko ang pinto. Binuksan ko na ang shower, medyo nabigla pa ako dahil sa lamig ng tubig. Wala ba silang heater dito?
After ko mag-shower, nagbihis na ako ng pantulog at tumabi kay Sebastian. Nakatulog na din siya, pagod na pagod siya ngayong araw for sure.
Pinatay ko na ang ilaw at tanging maliit na lampshade na lang ang nagsisilbing liwanag namin. Nakatulog na din ako kaagad.
BINABASA MO ANG
My Demon Husband (Major Editing)
FantasyMy Demon Husband is currently in a major editing phase. If you have read the chapters before, expect major changes. I suggest not to read this book unless I finished editing and updating all new chapters. Thank you and have a nice day!