Chapter Seven

161 6 2
                                    

Duxeen

Maaga akong nagising dahil may malaking event mamaya sa university. Ngayong araw darating ang mga chosen candidates galing sa Denian Teacher's Agency kaya dapat makapaghanda at makapag-ayos.

Inayos ko ang isusuot ni Sebastian ngayong araw. Black formal attire ang susuotin niya kaya kailangan ko pa 'tong plantsahin. Pagkatapos kong mag-plantsa, nilinis ko na din ang sapatos na gagamitin niya. Hindi ko na 'to pinagawa sa mga maids dahil kaya ko namang gawin mag-isa saka marami na silang ginagawa, nakakahiya naman kung dadagdag pa kami.

Pagkatapos kong ayusin lahat ng kailangan ni Sebastian, naligo at nag-ayos na din ako ng sarili ko. Suot ko ngayon ang isang black dress, long sleeve ito at may kwelyo. Nag-suot ako ng black high heels para match sila. Hindi na din ako nag-make up, baka magmukhang ewan ako mamaya, naglagay na lang ako ng lip stain sa labi.

Pagkatapos kong mag-ayos, saka ko ginising si Sebastian.

"Sebastian, gising na. Male-late tayo."

"Five more minutes." ungot niya naman sa akin.

Napakahirap talagang gisingin nito lalo kapag malalim ang tulog. Humihirit pa ng limang minuto hanggang sa maging isang oras na.

"No more five minutes, Hon. Male-late na tayo, tumayo ka na dyan." bigkas ko habang nagsusuot ng earrings. Nilapitan ko siya at tinulungang makaupo sa gilid ng kama.

"Wake up, sleepy head. Mag-aayos ka pa."

"Yes po." sabi niya naman habang naghihikab papuntang cr.

"Nandito na lahat ng mga susuotin mo. Mauuna na ako sa baba."

"Okay, thanks." nginitian niya naman ako then he kissed my cheeks bago tuluyang pumasok ng banyo.

Lumabas na ako ng kwarto at naglakad sa hallway. Mas malaki ang palasyo nina Lord Lucio kumpara sa tinitirhan namin sa Persitte.

Bago ako tuluyang bumaba, kinatok ko muna si Raleigh sa kwarto niya. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto kaya nakita kong nakagayak na siya.

"Good morning, Ma. Do you need anything?"

"Good morning, Raleigh. Nothing, I was just checking if you're prepared already. Nakapag-breakfast ka na?"

"Hindi pa. Susunod na lang ako sa baba, Ma."

"Sige."

After that, isinara niya na ulit ang pinto. Bumaba na ako at dumeretso sa dining area. Pagdating ko doon, maraming pagkain ang nakahain sa lamesa. Ipauubos ba nila 'to sa amin lahat?

Naabutan ko din doon si Lord Lucio na nagbabasa ng libro at umiinom ng kape samantalang kumakain naman ng almusal si Mama.

"Good morning po."

"Good morning din, Hija. Have a seat and eat breakfast." paanyaya naman ni Lord Lucio.

Lumapit naman ako at umupo malapit sa kanila. Iniwan kong bakante ang ilang upuan para sa tatlo nilang anak.

Kumuha lang ako ng pancakes, ilang piraso ng bacon at blueberries. Nilagyan ko na din ito ng maple syrup para lalong sumarap. Nagsimula na akong kumain dahil nagugutom na talaga ako.

"Nakatulog ka ba nang maayos, Duxeen?" tanong ni Mama sa'kin sa kalagitnaan ng pagkain ko.

"Opo, Mama."

"Mabuti naman kung ganun." ipinagpatuloy niya ulit ang pagkain.

Patapos na ako dito sa pancakes nang bumaba si Sebastian at Raleigh at umupo sa magkabilang gilid ko. Sumunod na bumaba sina Alexelle at Lyzer at umupo na din.

"Good morning, everyone!" ang aga-aga, ang taas na kaagad ng energy ni Alexelle.

"Ang daming foods, sira na naman ang diet ko nito, huhu." sabi niya habang kumukuha ng pagkain. Halos mapuno niya ang hawak niyang plato sa dami.

Kumuha ako ulit ng kaunting pagkain para makasabay sa kanila. Nauna na kasi ako, nakakahiya naman kung tatayo kaagad ako, 'di ba?

After namin mag-almusal, umalis na kami at pumunta sa DNU. Pagdating namin, dumeretso kami nina Sebastian at Raleigh sa hall na una naming pinuntahan kahapon at nadatnan namin na may mga nag-aayos doon. Dumeretso naman si Lord Lucio at si Mama sa office nila, samantalang si Alexelle at Lyzer may kinausap din na staff sa ibang office.

Walang klase ngayong araw kaya naman hindi naka-sit in si Raleigh sa klase ni Mr. Denum.

Sinalubong kami ni Achlys pagdating doon sa hall, "Good morning po. Kasalukuyan pong inaayos ang hall para sa gaganaping choosing of candidates. Mangyari lamang po na sa conference room muna kayo mag-stay." sabi niya sa amin.

Sumunod naman kami sa kanya at pumunta sa conference room. Malapit na kami doon nang magpaalam si Raleigh na sa library na lang muna mag-stay. Pinasamahan ko na lang siya kay Achlys.

Pagdating namin sa conference room, naabutan namin ang apat na head teacher ng school. Nandoon din si Mr. Brila at Mr. Denum.

"Good morning, Mr. and Mrs. Faustus. Here, have a seat." paanyaya ni Mr. Denum sa amin.

"Thank you, Mr. Denum."

"I want you to meet the four head teachers of our school; Ms. Vibal, Archery Department Head teacher," papakilala ni Mr. Denum at tumayo ang isang babaeng nasa mid-30's ang edad. Nakasuot ito ng uniform ng teacher nila dito sa school.

"Nice to meet you, Mr. and Mrs. Faustus" kinamayan niya naman kaming dalawa.

"Mr. Monfero, our Shooting Range Department Head teacher,"

This time, tumayo naman ang isang lalaki na kung tatantsahin ay kasing edad ni Sebastian. Medyo payat ito pero maganda naman ang hubog ng katawan, matangos ang ilong, kulay asul ang buhok at mga mata. Kinamayan din niya kami.

"Mr. Versoza, our Martial Arts Department Head teacher,"

Tumayo si Mr. Versoza at kinamayan din niya kami. Hay, kailan ba matatapos 'to? Masyadong maraming tao na bago sa paningin ang nakikita ko at kailangan kong makilala. Hindi pa nagkakalahating araw, ubos na agad energy ko.

"And last but not the least, Ms. Evarrola, our Mastery of Demon Power Department Head teacher. Siya muna ang may hawak sa star section ng Mastery of Demon Power habang wala pang kapalit si Mr. Tenerife." paliwanag naman ni Mr. Denum

Tumayo ang isang babaeng may resting bitch face, kulay pula ang buhok, labi, at mata. Tumingin ito sa amin ni Sebastian at kinamayan kami.

"Nice to meet you, Mr. and Mrs. Faustus." sabi niya sa amin habang nakangisi.

Problema nito?

My Demon Husband (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon