Duxeen
Nakatingin sa mata at nakahawak pa din sa kamay ni Sebastian si Ms. Evarrola. Ano bang trip nito?
"Ms. Evarrola, please get rid of my hand already." sabi naman ni Sebastian sa kanya nang mapansin niyang kanina pa nakahawak ito sa kanya.
Naglabas siya ng alcohol at inisprayan ito.
"Anyway, nice meeting you all. Sa hall na lang tayo magkita-kita mamaya." sabi niya at saka tumayo.
"Let's go, Duxeen." pag-aaya niya sa'kin at dumeretso palabas, mukhang nainis siya. Sinamaan ko muna ng tingin si Ms. Evarrola bago tuluyang lumabas ng conference room.
"Sebastian, wait for me. Ang bilis mo naman maglakad!"
Naghahabol hininga kong sabi sa kanya. Pucha, ang hahaba pa naman ng legs nito at ang laki humakbang. Huminto naman siya sa wakas pagkasabi ko nun.
"Let's go to the hall, Duxeen. I don't want to stay there anymore."
"Oh, sure! Tara." sabi ko sa kanya at humawak sa braso.
Naglakad na kami papuntang hall, tamang-tama lang ang dating namin dahil kararating lang din doon ni Lord Lucio. Nag-bow kami sa kanya.
"Sebastian, where have you been all this time? Kanina ka pa namin hinahanap."
"Sorry, Dad. Nanggaling kami ni Duxeen sa conference room at pinakilala sa'kin ni Mr. Denum ang mga department head teachers."
"Oh, okay. Mabuti at nakilala mo na sila," sabi niya at saka nagsimulang maglakad.
Nakarating kami sa gitna ng dalawang magkatabing table at may mga nakaupo doon. Tig-anim ang nakaupo at nakaharap sa table, nag-uusap sila.
"Anyway, kararating lang din pala ng President at Vice President ng DTA, maging ang sampung candidates na pagpipilian. I'll introduce you to them." sabi ni Lord Lucio.
Nang mapansin ng mga nasa table na nasa harap na nila si Lord Lucio, tumigil sila sa pag-uusap at saka tumayo. They bow their heads then stand straight after.
"Sebastian, I want you to meet the president of Denian Teachers Agency, President Joaquin Luna."
Tumayo ang isang lalaking sa palagay ko ay nasa 30 ang edad. Nakahawi ang buhok nito na kulay blonde at may salamin sa mata, parang si Mr. Denum. Kasing-taas niya si Sebastian, kasing-katawan din.
"It's a pleasure to meet you, Mr. Sebastian Faustus. I'm Joaquin Luna." nag-bow naman siya kay Sebastian.
Sa mga ganitong pagkakataon, medyo lumalayo ako kay Sebastian lalo't hindi naman ako masyadong kailangan dito. Dapat pala sinamahan ko na lang si Raleigh sa library at naglibot na lang din dito sa school kasama si Achlys. Magpapaalam na lang ako mamaya na lilibutin ko itong school.
"And also, Vice President Millicent Versoza of Denian Teachers Agency."
"It's a pleasure to meet you, Mr. Sebastian Faustus." sabi naman ni Ms. Versoza.
After ipakilala ni Lord Lucio kay Sebastian ang president at vice president ng DTA, pinakilala niya din ang mga contestants na maglalaban-laban para sa pwesto. Hindi ko na masyadong inintindi, makikilala ko naman sila mamaya kapag nag-start na ang program.
Nang matapos silang mag-usap, lumapit na sa'kin si Sebastian.
"O, ba't ka lumayo kanina?"
"Hindi naman ako relevant doon." sagot ko sa kanya.
"That's not true, Duxeen. Anyway, baka mamaya hindi na tayo magkausap dahil busy na ako bilang judge ng contest. Much better if mapapunta dito si Achlys para masamahan kang maglibot sa university."
"That's a great idea! Gusto ko din libutin itong school para alam ko ang pasikot-sikot dito. I'll call Raleigh na lang." sabi ko sa kanya.
Nilabas ko sa hand bag ko ang cellphone at sinubukang tawagan si Raleigh pero hindi ko siya matawagan, out of reach. Wala yatang signal sa ibang part ng school.
"Sebastian, hindi ko matawagan si Raleigh. Out of reach eh, walang signal."
"Nasaan na naman kaya siya?"
"Ang paalam niya sa'kin kanina sa library daw, kasama si Ms. Achlys."
"Tara, puntahan natin siya doon. Samahan na kita."
"No need, ako na lang pupunta mag-isa. Baka mag-start na ang program at wala ka pa."
"No, dapat may kasama ka." luminga-linga siya sa paligid.
Sinundan ko ng tingin kung saan siya lumilinga at nakita namin si Mr. Brila, may kausap na lalaki. Nang mapansin niya na nakatingin kami sa kanya, nagpaalam siya sa kausap niya at lumapit sa'min.
"Oh, Sebastian, Duxeen, magandang umaga. May kailangan kayo?" bati naman niya samin.
"May gagawin ka ba? Gusto ko sanang ipakisuyo na samahan mo si Duxeen maglibot dito sa university dahil magiging busy ako mamaya. Okay lang ba?"
"Nah, I'm not busy. Actually wala din akong gagawin so, sure, sige. Itu-tour ko si Ms. Duxeen dito sa university as you wish."
"Thank you, Nairone. Please take care of her, okay?"
"Ako bahala sa kanya."
Sakto na after namin mag-usap, nagsimula na ang program. Nagpaalam na kami ni Mr. Brila kay Sebastian na lilibutin na itong university. Pumunta na siya sa pwesto niya at officially nag-start na ang program.
"Let's go, Duxeen." pag-aya sa'kin ni Mr. Brila at lumabas na kami ng hall.
Excited na ako makakita ng mga kung ano-anong bagay dito.
BINABASA MO ANG
My Demon Husband (Major Editing)
FantasyMy Demon Husband is currently in a major editing phase. If you have read the chapters before, expect major changes. I suggest not to read this book unless I finished editing and updating all new chapters. Thank you and have a nice day!