Chapter Five

212 11 1
                                    

This chapter is dedicated to @PokoNa. Thank you for reading and supporting this story.

Sebastian

"Sebastian, I'm impressed with your wife." sambit naman ni Edison habang pinupunasan ang salamin niya at saka ito isinuot muli.

"Sigurado akong matutuwa si Lord Lucio kapag nakita ang ginawa niya."

"Why, what happened?" tanong ni Dad.

Hindi namin namalayan na nandito na pala siya kaya tumayo kami nang maayos.

"Anong ginawa ni Ms. Duxeen?" tanong niya sa amin.

"She fired a shotgun, Lord Lucio. Bulls eye!" sagot ni Nairone.

"Really? I also want to see it. Anyway, Sebastian, what can you say about the university's training grounds?

"As expected, maganda at maayos ang pagkaka-construct ng training grounds. Maganda din na nagkakaroon ng first-hand experience sa ganitong bagay ang mga estudyante dahil mas natututo sila." paliwanag ko sa kanya.

"Alright. However, may problema tayo dahil isa sa mga beteranong teacher ng Mastery of Demon Power, Mr. Tenerife, ang nag-retiro kamakailan lang. Hawak niya ang star section kaya naman nahihirapan kaming hanapan siya ng kapalit."

"I suggest na magkaroon ng choosing of candidates at evaluation para dito."

"Good suggestion. Sang-ayon ba kayo dito, General Michael, Mr. Brila and Mr. Denum?"

"Yes, Lord Lucio."

"It's settled then. We will start the choosing and evaluation process tomorrow. Anyway,  mauuna na ako sa inyo dahil aasikasuhin ko na ito agad. Sebastian, go to my office with Ms. Duxeen once na matapos kayo dito."

"Noted, Lord Lucio."

After we bow our heards, naglakad na siya paalis ng training grounds kasama ang dalawang elite guards.

Mukhang magiging busy kami dito.

...

Duxeen

Hindi ko kaagad napansin na dumating pala si Lord Lucio kaya hindi ko na siya nalapitan, nahihiya din kasi ako. Nag-usap naman sila nina Sebastian kaya, okay naman na siguro 'yun.

Anyway, nandito pa din ako sa training grounds dahil susubukan ko naman ang archery. Lumapit ako sa isa sa mga staff at nagpahiram siya ng bow and arrow.

Nagsimula na ako pumana ng mga target. Ang saya pala sa pakiramdam makasubok nito. Nasa kalagitnaan ako ng pagpa-practice nang nilapitan ako ni Sebastian.

"Duxeen, are you done?"

"Hindi pa, bakit?"

"Pinapapunta tayo ni Dad sa office niya."

"Oh, sige. Itutuloy ko na lang mamaya." binalik ko na sa staff yung bow and arrow na hawak ko at sumunod sa kanya.

Paglabas namin ng training grounds, nandoon pa pala sina General Michael. Pinuri nila ako sa ginawa ko kanina, nakakahiya kaya nagpasalamat ako.

"Salamat po. Magaling po kasi na tutor itong si Sebastian." sabi ko sa kanila.

"Pwede ka na maging mentor ng mga estudyante dito, Mrs. Faustus. You should try, madali lang naman sila matuto lalo na kapag magaling ang nagtuturo." suhestiyon ni Mr. Brila.

"I agree." matipid na sambit ni Mr. Denum.

Umalis na kami ng training grounds pagkatapos ng pag-uusap na 'yun. Nang makarating kami sa isang pathway, humiwalay na sila ng landas dahil may kanya-kanyang klase pa daw na dapat puntahan.

Nagmadali naman kami ni Sebastian na pumunta sa office ni Lord Lucio. Pagdating namin doon, kumatok muna kami bago pumasok sa loob.

"Come in."

Pagpasok namin sa loob, nadatnan namin si Lord Lucio na may kausap na babae at lalaki.

"Duxeen, Sebastian, have a seat."

"Kuya Sebastian!" biglang sambit nung babae saka yumakap kay Sebastian "It's been a long time nung huli ka naming nakita, right Lyzer?" bumaling naman ang tingin niya doon sa lalaki.

"Stop it, Alexelle." inalis niya naman ang pagkakayakap nito sa kanya.

"Magpaka-professional ka naman, nasa school tayo."

"Sebastian, nasa loob naman tayo ng office ni Dad. Wala namang masama doon."

"Stop it, Ate Alexelle." sabi naman nung Lyzer.

"Stop it, both of you. Anyway, Ms. Duxeen, I want you to meet my two other children, Alexelle and Lyzer Faustus." sabi ni Lord Lucio sa'kin.

Lumapit naman ako sa kanila at nag-bow.

"Nice meeting you po. I'm—"

Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita at lumapit sa'kin sabay hawak sa kamay ko "Ate Duxeen! Omg, nice meeting you! Sebastian is right, you're so pretty. I'm sorry dahil hindi ako nakadalo sa wedding day niyo, I was so busy that time. Haha!"

"Ate, you shouldn't interrupt someone who's talking. Anyway, nice meeting you, Ms. Duxeen. I'm Lyzer Faustus, ang ikatlong anak ng mga Faustus." pagpapakilala naman niya.

"Siguradong magiging masaya ang pags-stay mo dito sa university. Marami kang pwedeng gawin like this, that, etc." hindi ko na masyadong maintindihan lahat ng sinasabi niya, ang dami eh. Medyo nakakarindi din ang ingay niya pero, kaya naman tiisin.

"Pasensya ka na kay Alexelle, she's just full of energy." sabi sa'kin ni Sebastian.

"It's okay."

"Dad, naiingit ako kay Sebastian! Gusto ko na din ng asawa. Why can't I have one? I'm already 21 years old, malapit nang mawala ang edad ko sa kalendaryo!" reklamo ni Ms. Alexelle kay Lord Lucio.

Bakit naman wala pa? Maganda naman si Ms. Alexelle at nasa lahi na nila 'yun. Maputi ng balat niya, black curly hair na aabot hanggang siko, matangos ang ilong at mapula ang labi.

"Sobrang taas kasi ng standard mo, Ate." sabi ni Lyzer.

"Of course, why would I settle for less?"

She's right!

"Enough. Pinapunta ko kayo dito dahil may importante akong sasabihin. Alexelle, Lyzer, kayong dalawa ang uutusan ko para pumili ng mga magiging candidates para sa kapalit na teacher ni Mr. Tenerife." paliwanag sa kanila ni Lord Lucio.

"What? Umalis na si Mr. Tenerife? Come on, nabawasan na naman ang university ng magaling na teacher." reklamo ni Ms. Alexelle at napahawak ito sa sintido niya.

"Definitely, kaya dapat ang mapipili natin ay kasing galing niya o mas magaling pa."

"Alright, we'll do the best we can for that."

"After niyo makapili ng candidates, they will have a competition for the evaluation. Exchanging of Spells, from simple to complex. Sa pamamagitan nito, malalaman natin kung marami na silang alam, kabisado at kontrolado na nila ang demon power." pagpapatuloy ni Lord Lucio.

Bakit naman nila ako isinama pa sa meeting na 'to? Hindi ako maka-relate since wala akong demon power. Naa-outcast lang ako, sana hinayaan na lang nila ako sa training grounds.

Itinuloy pa nila ang usapan nila nang isang oras. After nila ma-finalize ang plano, tinapos na ni Lord Lucio ang meeting. Finally, makakapag-pahinga na din kami.

Sabay-sabay na kaming lumabas ng office ni Lord Lucio. Habang naglalakad kami, nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa amin dahil nakauwi na ang mga estudyante. Staffs at kami na lang ang nandito.

"Where's Raleigh by the way? Kasama niyo siya, 'di ba?" tanong ni Lord Lucio.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Sebastian. Wala si Raleigh sa tabi namin kanina pa at hindi namin alam kung saan siya nagpunta. Masyado kaming naging abala, hindi namin namalayan na hindi namin siya kasama.

"Where's Raleigh?" tanong sa'kin ni Sebastian.

"I don't know either."

My Demon Husband (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon