Grabe. Immense power ang nararamdaman ko. Nakakapanindig balahibo. Nakakakaba. Kasakuluyan pa ding naglalakad si Lord Lucio sa harapan namin. Lahat kami nakayuko, pati mga staff sa palasyo. Grabe tatay mo, Sebastian. Bigatin.
Nang makaupo na si Lord Lucio, sumenyas siya sa amin na maupo na din. Umupo naman kami. Katabi niya ngayon ang mga generals mula sa kanila. Sumunod naman ang mga guards mula sa palasyo namin. Walang nagsasalita hangga’t hindi siya nagsasalita.
“Magandang araw sa inyong lahat. Simulan na natin ang pagpupulong.” Sobrang lalim ng boses ni Lord Lucio. Nakakakaba talaga.
“Sebastian, tell us what’s happening.” sabi niya. This time, medyo malumanay na siya magsalita kaya medyo nabawasan ang kaba ko. Tumayo si Sebastian at nagsimulang magsalaysay ng mga pangyayari dito sa palasyo. Nakikinig lang ang lahat. Nagpatuloy siya sa pagsasalita hanggang sa mabanggit niya ang nangyari sa party nung nakaraan.
“Vampires? Those blood-sucking bastards. Akala ko na-extinct na sila twenty years ago. How come they’re still existing up to this date?” pagku-kwestyon ni Lord Lucio. Napabuntong-hininga siya. Nagtataka siya kung bakit may mga ganung nilalang na nag-e-exist.
“We believe someone is ‘producing’ them.” paliwanag ni Sebastian. May inilabas siyang brown envelope na may black with a touch of red na seal ng isang hindi kilalang facility dito sa Persitte. May nakaukit na letter “O” sa seal at napapalibutan ito ng mga kamay.
“Omibus, pinaniniwalaang sila ang nagpo-produce ng mga bampira. May mga ilang sightings sa ibang kaharian. At ngayon lang din nagsisilabasan ang mga reports ng pagkawala ng mga residente natin at residente sa mundo ng mga tao. Kadalasan sa mga nawawala na lamang bigla ay mga babaeng nasa edad 21 years old.” naglabas siya ng mga papel na naglalaman ng personal information ng iilan sa mga babaeng napaulat na nawawala. Tumingin sa’kin bahagya si Sebastian, siguro nag-aalala siya sa safety ko. Nakakatakot kasi, 21 years old pa man din ako ngayon. Kailangan kong ingatan sarili ko at hindi dapat ako maging sakit sa ulo ng mga tao dito sa palasyo.
“Ipinapakalat nila ito para magdala ng kaguluhan, hindi lang dito sa Persitte kundi maging sa iba pang kaharian at mundo ng mga tao. Ang malala nito, may facility na din sila sa Denian.” naglapag naman siya ng iilang litrato mula sa nasabing facility. In fairness, magaling ang nakuha niyang private investigator. “Madalas nasa liblib silang lugar para hindi magambala ang operasyon nila.” dagdag pa ni Sebastian.
“May impormasyon ka ba kung paano nila ginagawang bampira ang mga residente? Hindi sila maaaring makapag-produce ng ganung nilalalang at dalhin sa mundo ng mga tao. Nilalabag nila ang kasunduang nangyari sa pagitan ng mga kakaibang nilalang gaya natin at mga normal na tao.” biglang tumingin sa’kin si Lord Lucio. Bakit parang ako may kasalanan nun? Dinala lang din ako sa mundo niyo. Huhu.
“May ilang DNA samples na nakuha. Kumukuha sila ng dugo sa mga nalalabing bampira at sapilitang itinuturok ‘yun sa mga nadakip nila. Ang iilan sa kanila ay pumapalpak, at ang mga tagumpay na samples ang siyang pinadadala sa mga lugar upang manggulo at makapagkalat ng lahi.” paliwanag pa ni Sebastian.
Nagsimulang magkaroon ng bulungan sa buong paligid. Tahimik lang kami ni Sebastian. Kung minsa’y kinakausap siya ng ilang heneral na katabi namin. Nakikinig lang ako sa usapan nila.
“Your wife’s a human and is also 21 years old. Better do actions now habang maaga pa. Kundi pati siya ay madadamay.” bigkas ni General Eder. Sumang-ayon naman ang iba pang nakarinig nito.
“Don’t worry, Sir. I trained her well. She knows how to do martial arts and I also taught her on how to hold and fire shotguns properly. She’ll be fine, mas matapang pa siya sa’kin.” sabi ni Sebastian sabay bahagyang tumawa. Nakitawa din sa kanya ang ilang heneral na nakarinig. Nginitian ko lang sila at tumawa din bahagya.
“Silence.” mahinahong bigkas ni Lord Lucio kaya naman nanahimik muli ang lahat.
“Maraming salamat sa iilang impormasyon na naibahagi sa atin ng Persitte, ni Sebastian. You did well. However, there are still information na kulang. Magpapadala ako ng mga tauhan para makatulong sa paghahanap pa ng impormasyon dahil may mga ebidensya dapat tayong hawak bago salakayin ang facilities nila. We also should have spies there para magmanman sa lugar.” sumang-ayon kaming lahat sa suhestiyon ni Lord Lucio.
“I suggest we also have joint trainings para sa mga bago at beteranong military members ng kaharian. Two years ago, may ni-restore na isang university sa Miara which trains demons so they can help our kingdom in the near future. Sebastian, you should visit them.”
“Definitely! You and your wife should visit there. Ipapakilala ko kayo sa hawak kong klase.” pagsang-ayon ni General Michael.
“We will visit bukas na bukas din.” sabi ni Sebastian.
Agad-agad? Pero excited na ako, dahil makikita ko ang university na 'yun. May pinag-usapan pa ang mga generals at si Lord Lucio tungkol sa mga plano nila bago tuluyang umalis.
“We’ll prepare the university para sa pagdating niyo bukas.” Sambit ni Lord Lucio nang nasa harapan na siya ng sasakyan. “By the way, nice meeting you, Hija. Pasensya ka na at hindi ako nakadalo noong kasal niyo. Tama ang kwento ni Aria. You are so beautiful, kind, and smart. Hindi nagkamali si Sebastian sa pagpili sa’yo.” nginitian niya ako pagkatapos sabihin 'yun
Finally, gumaan na ang loob ko sa kanya. Pero nandoon pa din ang kaba sa dibdib ko. Never ‘to mawawala hangga’t kaharap ko siya. “It’s a pleasure meeting you, Lord Lucio. Thank you for accepting me as a member of your family.” yumuko ako bilang pagpapakita ng respeto. Ngumiti siya sa akin bago magpaalam na aalis na siya.
Napabuntong-hininga na lang ako pag-alis niya. Tinignan ako ni Sebastian at nagtanong, “Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik.”
“I’m fine, thanks. Sobrang nakakakaba lang aura ng daddy mo. Hay.”
Natawa naman siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa doon? Halos matae na nga ako sa kaba kanina. Buti hindi ako nahimatay kung hindi, nakakahiya talaga kapag nangyari ‘yun.
BINABASA MO ANG
My Demon Husband (Major Editing)
FantasiMy Demon Husband is currently in a major editing phase. If you have read the chapters before, expect major changes. I suggest not to read this book unless I finished editing and updating all new chapters. Thank you and have a nice day!