Chapter Four

218 9 2
                                    

Sebastian

Tinignan ko ang matataas na officials ng university. From school director hanggang sa mga head teachers, Kilala ko silang lahat. Karamihan sa mga taong 'to ay pinaka-pinagkakatiwalaan ni Dad simula pa noon at ang ilan sa kanila ay kaklase at kaibigan ko.

Once they betrayed Dad, mabubura sila sa mundo.

"Sebby, long time no see!" bati sa'kin ni Nairone. Best friend ko si Nairone simula nung mga bata pa lang kami at galing siya sa angkan ng mga Brila, isa sa mga royal families ng Denian.

Napansin kong natawa si Duxeen sa sinabi ni Nairone. 'Sebby' is my childhood nickname. And every time na tinatawag akong ganyan, naiinis ako.

"You must be Duxeen? Sebby's wife. Welcome to Denian, and to Denian National University. I'm Nairone Brila, Sebby's best friend. Nice to meet you!" inilahad naman niya ang kamay niya kay Duxeen.

Nakasuot naman ng gloves si Duxeen kaya hinayaan ko siyang makipagkamay. I don't want her to have direct contact to anyone here but my family.

"Nice to meet you too, Mr. Brila."

"Ang formal naman masyado, Nairone na lang. Haha!" napakamot siya sa ulo.

Natawa na lang si Duxeen. Nairone's our classroom clown before, matalino siya and at the same time, kwela din. Never naging boring sa klase dahil sa kanya.

"Welcome back to our university, Mr. Sebastian" may isa pang lumapit sa'min. Pagtingin ko, it was Edison, he's a classmate and a close friend. He also belongs to one of the royal families, Denum Family.

"Thank you, Edison. Kumusta naman dito?"

"Well, it's good. Each year, gumagaling ang mga estudyanteng sinasanay namin para sa military service. Some of the students even graduated here with higher ranks."

"That's good to hear. Mas lalong nag-improve na ang quality of education dito."

"Yes it is."

"Do you have like training grounds or something? Where is it?

"Oh, sa likurang part ng university nilagay ang training grounds. I'll show them to you." he told me then started walking.

"Mr. Denum, Mr. Faustus, where are you going?" hinarang kami bigla ni General Michael.

"Sir," sumaludo kami sa kanya "I'll show Mr. and Mrs. Faustus the training ground."

"Oh, tara sasamahan ko kayo. Lord Lucio, I'll tour Sebastian here." pagpi-prisinta niya. General Michael's one of the greatest teachers here. He's not strict when it comes to students kaya masaya siya maging guro. Maraming estudyante ang natuto sa kanya and I'm one of them.

"Much better kung isasama mo si Raleigh sa atin. Duxeen as well."

"Yes, sir. I would love to see the training grounds." sagot naman ni Duxeen. Magkatabi sila ni Raleigh habang nasa likuran naman nila si Achlys. I don't know her actually, bago lang siguro siya dito.

Sumama din sa amin si Nairone. Katabi ko siya ngayon habang naglalakad habang nasa kabilang side naman ni General Michael si Edison. Maraming nabago sa school dahil nasira ito noong nagkaroon ng Great Demon War sa pagitan ng angkan namin at angkan ng mga Viriña, mortal na kaaway ng pamilya namin. Hindi pa naman ako buhay that time noong nangyari 'yun and Dad told me na they're now gone.

Medyo malayo ang training grounds sa pinanggalingan namin dahil nasa likurang parte ito ng university at may nadaanan pa kaming garden of Blue Irises habang papunta doon. I think I should get one for Duxeen later.

"And here it is, the training grounds." bigkas ni General Michael.

Tinignan ko ang buong open field. Nahahati ito sa apat; nasa unahang part ang Martial Arts, katabi nito ang Archery, nasa bandang likod naman ang Shooting Range at Mastery of Demon Power.

"Nakakatuwa naman. I wanna try them." tumabi sa'kin si Duxeen at hinawakan ako sa braso, "Except for the mastery of demon power, I don't have 'em." sabi niya sa'kin.

"Don't worry, magaling ka naman sa tatlong field. You'll be fine."

"Of course, ako pa ba?" ngumisi siya nang nakakaloko

Nakatingin pa din siya sa mga estudyante na kasalukuyang nagsasanay. She doesn't have proper training dahil ako lang ang nagsanay sa kanya.

"Go on, try them."

"Can I?"

"Of course. Show them what you got."

After kong sabihin 'yun, hinalikan niya ako sa pisngi sabay sabing "Thank you!" saka pumunta sa kung saan naroon ang shooting range. Nagsimula siyang suotan ng protective gear at binigyan ng maliit lang muna na baril. Tinanggihan niya 'yun saka medyo hinawi yung long dress niya na may slit. Doon ko nakita yung shotgun na kasinghaba ng legs niya at lagi niyang dala kung saan. Ayaw niyang nakikita 'yun ng mga tao kaya doon niya tinatago.

Tinignan ko naman ang reaksyon nina General Michael. They're staring at her at mukhang gulat. Napailing na lang si Nairone at napangisi. He knows he's about to witness something different.

Ikinasa ni Duxeen ang shotgun, itinutok sa target at ipinutok niya. Kitang-kita ng mga mata namin kung paano mabutas ng bala ang gitnang bahagi ng target. Nakita siya ng ilang mga estudyante mula sa iba't-ibang field kaya napahinto sila sa ginagawa nila.

"Sebastian, I think your wife's a monster."

My Demon Husband (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon