Alexandra's POV
Natapos kong i-sketch yung mukha nung mama. Iniwan ko yun sa ibabaw ng kama. Napatingin ako sa orasan sa cellphone ko, quarter to 12 na.
"I'm giving you the chance to retrieve yourself from this place. Goodluck."
Inayos ko ang pagkakasuot ko nung jacket ni Denim. Ang bango shet!
Isinakbit ko ang backpack ko at binuksan ko na ang padlock gamit yung susing iniwan ni Denim.
Nagtataka pa rin ako kung bakit nya ako hinayaang makatakas pero wala na akong pake sa kung anong rason ang mahalaga ay makaalis na ako dito.
Walang katao-tao sa labas, nagsimula na akong maglakad, masyadong malawak yung lugar, palingon-lingon ako para sa mga bantay, imposibleng wala silang bantay dito. Naka-ninja pose pa ako para astig haha. Pero pwera biro ah, naaastigan ako sa mga nangyari ngayon. Sa mga movie ko lang napapanuod to.
Shet! Seryoso na, may tao na nakaupo dun sa table, dun sa table na inupuan ko kanina tanda nyo pa? Yung malapit mismo sa entrance. Kita kong may hawak na armalite yung lalaki, ewan ko basta yung mahabang baril.*gulp*
May ilang segundo akong tumago dun sa may pader habang nag-iisip, hanggang sa may nakita akong bakal na tubo. Agad ko yung dinampot.
Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaki. Nakatalikod sya sa direksyon ko, mukhang busy sa pagce-cellphone.
Huminga muna ako ng malalim at saka dahan-dahang lumakad papunta sa kinauupuan ng lalaki.
Lord, patawarin nyo sana ako.
*boogsh
Nangangatal ang mga kamay ko matapos kong maihambalos yung tubo dun sa ulo nung lalaki, natumba ito tapos may dugong umagos dun sa sahig. Sheeet napatay ko ata! Kasi naman sa sobrang kaba ko eh napalakas tuloy.
Iniwan ko na yung lalaking nakabulagta. Hawak ko pa din yung tubo nakapwesto lang para kung may tao na naman, pinagpapawisan ako ng malamig shet.
Nakalabas na ako dun sa pinto at bumababa na ako ng hagdan ngayon. May dalawang lalaki na naman akong nakasalubong. Pano to?
Pumwesto sila na parang kakaratehin ako, sumugod ako at sinubukang hambalusin sa mukha yung isa pero nakaiwas sya at nasikmuraan ako, napaubo ako dahil sa sakit.
Habang nakayuko ako ay pinuntirya ko yung tuhod nung isa, namilipit naman sya sa sakit. Tapos tinadyakan ko yung isa kaya gumulong sya pababa, hala omg kawawa naman sya!
Parang papalag pa yung isang nahampas ko sa tuhod kanina kaya inunahan ko na sya, hinambalos ko sya sa mukha tapos dumugo yung tagiliran ng labi nya, sabay nawalan sya ng malay.
Naglakad na ako pababang hagdan tapos nung nadaanan ko yung isang lalaking gumulong pababa na namimilipit pa sa sakit ay tiningnan ko sya tapos itinaas nya yung dalawa nyang kamay na parang suko na sya kaya iniwan ko na sya.
Dali-dali akong naglakad tapos nakarating na ako sa basement, nagmasid muna ako kung may tao pero wala naman.
Siguro dahil gabi na masyado kaya konti na lang yung mga bantay, kaya rin siguro may tiwala si Denim na malalagpasan ko yung mga bantay.
Nakalabas agad ako sa basement carpark at natanaw ko na kaagad ang gate palabas. Salamat naman, mukang makakaalis na ako. Well, muka lang dahil may gwardiyang nakabantay dun sa gate, may baril sya.
Naglakad na ako tapos napatingin sakin yung gwardiya, "Hoy! San ka pupunta? Bumalik ka na dun sa loob, Miss." - sabi nung gwardya,
"Eh kung ayaw ko?" - sabi ko at ipinuwesto ko ulit yung tubo,
Natawa muna sya bago ako tinutukan ng baril nya.
Tumawa din ako tapos ibinato ko yung tubong hawak ko, bull's eye! Sapul sa noo nya. Natumba sya sa semento kaya dali-daling naglakad na ako papunta sa natatanawan kong bus stop.
Denim's POV
Napapalakpak ako habang nakatingin sa screen kung saan pinapanuod namin yung footage ng bawat area na dinadaanan ni Alex. Bilib ako sa tapang nya, akala ko hindi nya kakagatin ang chance na ibinigay ko sa kanya.
"No doubt na may pagkatuso rin sya." - sabi ni Llance na nakatutok rin sa screen,
"Chicks tong isang to boss, type ko." - sabi ni Raven dahilan para sungitan sya ni Llance,
"Fvck off." - walang ganang sabi ni Llance kaya napatawa na lang ako,
"Here's her address." - sabi ni Professor Kira habang iniaabot kay Llance ang isang papel,
"I'll make you suffer."
...
(23Apr2017)
BINABASA MO ANG
Death Sign [ON-HOLD]
ActionIsang grupong pinamumunuan ng isang taong gawa sa bato ang puso..DEATH SIGN. Sila ang nasa likod ng bawat pagpatay. Isang ordinaryong babae ang mapapadpad sa kanilang lungga..para sa isang MISYON. Date started: 19 April 2017 Status: On-going Genre:...