Chapter 6. No

44 6 0
                                    

Alexandra's POV

*tentenenenten

Napamulat ako at dali-daling bumangon para tingnan kung sinong tumatawag sa cellphone ko. Si Arvey..

["May sakit ka ba?"] - bungad nya,

"Ha?" - nagtatakang tanong ko,

["Bakit ang laki ng itinransfer mong pera sa account ko?"] - dugtong nya,

"Anong pinagsasabi mo?" - naguguluhan talaga ako, anong sinasabi nya? Sa pagkakaalam ko ay hindi pa ako nakakapag-transfer ng pera sa account nya,

Dahil..teka nangyari ba talaga yun? O panaginip lang? Nasabi ko na bang hirap akong i-distinguish yung nangyari talaga sa panaginip lang?

["P50,000. Kung wala kang sakit, may taning na ba ang buhay mo?"] - sabi nya,

"Sira ulo! Teka lang, inaalala ko kung--"

["Bahala ka nga, ulayanin."]

"Teka lang---" - pagpigil ko pero inend call na ng sira ulo,

Pinilit kong alalahanin ang mga pangyayari habang nakatingin sa salamin, ang alam ko talaga, shet. Kung bakit nga ba may pagka-ulyanin ako?

Nagulat ako nang maparinig ang malakas na pagbukas ng pinto. Tiningnan ko kung sino ang nagbukas,

No...no...sana nga ay panaginip na lang yon.

"A-anong kaylangan mo sakin? Bakit? Paano ka nakapunta dito?" - sunud-sunod na tanong ko sa lalaking nakatayo sa tapat ng pintuan ko,

"Come with me." - walang emosyong sabi nya, nakakatakot ang aura nya, parang nahihirapan akong huminga,

No nakatakas ako...labas na dapat ako dito..

"Ano pa bang kaylangan nyo sakin? Naibigay ko na yung sketch ng mamang hinahanap nyo. Wag nyo na akong guluhin pa.." - halos maiyak nang sabi ko, hindi ko talaga maintindihan kung bakit kaylangang madamay ako dito. Bakit ako pa? Bakit ako pa ang nakakita sa tarantadong yun? Bakit?!!

"I just realized na hindi lang pala ang impormasyong nalalaman mo ang kaylangan ko, kundi ikaw mismo." - nalaglag ang panga ko sa sinabi nya, naramdaman kong may isang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko,

"Hindi..labas na ako dito. Isusumbong kita sa pulis! Umalis ka na bago pa ako makatawag ng pulis! Isa..dalawa.." - pananakot ko sa pag-aakalang makakaramdam man lang sya ng takot,

Napatigil ako dahil ayan na naman sya, yung baril nya. Yung ramdam kong kaya nya yong kalabitin, dahil wala syang takot pumatay, wala syang pakialam sa buhay ng iba, bato ang puso nya, isa syang hayop.

"Hawak ko ang leeg mo, at ng taong yun." - sabi nya at napatingin ako sa kung saan nya sunod na itinutok ang baril,

Sa litrato ni Arvey nung gumraduate sya ng highschool.

"No, wag ang kapatid ko. Please. Sige, isama nyo na ako. Basta wag nyo lang idadamay ang kapatid ko." - sabi ko at natatawang ibinaba nya ang baril nya at nagptiuna na sa paglalakad,

Si Arvey na lang ang meron ako. Hindi ko kakayanin kung mawawala sya. Oo barumbado at sira-ulo yun at kahit kailan ay hindi kami nagkasundo, pero ikababaliw ko kung pati sya mawawala sakin. Itataya ko ang buhay ko para sa kaligtasan nya.

Namatay ang tatay ko nung bata pa ako, hindi ko alam kung bakit. Pero buntis si mama nung nawala sya. Nung isinilang nya si Arvey, nagkaroon ng komplikasyon kaya namatay din sya. Napunta kami ng kapatid ko sa pangangalaga ng ampunan. Nuong 14 years old si Arvey, 18 naman ako ay mayroong gustong umampon sa kanya. Hindi ako pumayag at itinakas ko sya. Magulong buhay ang hinarap namin ng kapatid ko pero para sakin hangga't sya ang kasama ko ay kakayanin ko ang lahat. Nagtanim ng sama ng loob sakin ang kapatid ko, oo nga ang tanga ko nga naman. Bakit hinadlangan ko ang nag-aabang na magandang kinabukasan para sa kanya? Ang selfish ko, nakasama ko sya pero kaligtasan at kasiyahan nya naman ang naging kapalit. Simula nuon ay naging malamig na ang turing nya sakin. Limang taon na ang nakalipas, nagawa kong pag-aralin ang kapatid ko, tiniis ko ang lahat para sa kanya, para bayaran ang kasalanan ko. Pero mukhang kulang pa din

Naramdaman ko ang pagtulong muli ng luha ko,

"What are you doing? Hurry up and move." - dali-dali kong pinahid ang luha ko nang rumihistro sa utak ko ang kasalukuyan kong sitwasyon,

No, Arvey...hindi ko na dadagdagan ang kasalanan ko. I promise.

...

(24Apr2017)

Death Sign [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon