Alexandra's POV
*tok tok tok
"Miss Alex!"
Natutulog pa ako anong oras na ba? Tsk.
Tumingin ako sa digital clock na nasa tabi ng kama, pambihira 5:06 a.m pa lang?
"Ano'ng kaylangan mo?" - wala sa sariling tanong ko,
"Kaylangan nyo na pong bumangon dyan, utos po ng headmaster." - sabi ng lalaking nasa labas ng pinto,
"Sabihin mo sa headmaster, wala akong pake sa kanya."
Tsk, natutulog pa yung tao. Ano ba'ng pake nya? Ayoko pa naman sa lahat eh yung nagugulo ang tulog ko.
Rinig ko pa ring kumakatok yung lalaki sa labas pero tinakpan ko na lang ng unan ang tenga ko,
Maya-maya ay tumigil na rin sya, akala nya ha. Susuko din naman pala eh, hindi pa agad kanina.
Bumalik na ako sa pagtulog ko.
"Waaaaaaah!! Sh*t! Sh*t! Ang lamig sh*t!" - sabi ko nang maramdaman ko ang malamig na tubig na bumuhos sa mukha ko,
Si Llance, shet ang creepy na naman nya.
"Get up. And if you don't care, I don't care either." - sh*t, naparinig nya yung sinabi ko?
Mabilis akong napabangon dahil sa tingin nya, nakakapangilabot grr
"Get yourself ready, don't make me wait for more than a minute or else I'll kill you." - grabe naman sya kung magbanta, pero hindi na ako natatakot sa baril nya o pagbabanta nya sakin,
Our only rule: no killing without reason.
Kung hindi lang ayaw kong madamay si Arvey ay hindi ako sasakay sa katangahang to, tss
Napangisi ako habang tinitingnan ang paglalakad ni Llance palabas ng kwarto ko.
Kumilos na ako at nagpalit ng damit. Tama ang sinabi ni Denim, kumpleto na nga ang mga gamit ko dito sa loob. Grabe sila, they prepared everything for me which is weird, I feel like they're planning something.
Nagsuot lang ako ng long sleeves, jeans at rubber shoes tapos ipinuyod ko na lang ang buhok ko into a messy bun. Mag-ready daw ako tapos hindi ko naman alam ang gagawin. Tapos nagugutom na ako dahil hindi na ako nakababa kagabi para kumain, inantok na kasi ako.
Lumabas na ako at nakita ko kaagad si Llance na mukhang inip na inip na.
"Follow me." - sabi nya at nagpatiuna na sa paglalakad, san kaya ako dadalhin nito, tsk
Pumasok kami sa isang maliit na pinto sa tabi ng hagdan pababa, tapos sa loob ng pinto may hagdan pa ulit. Wait? Hindi pa to naipapakita ni Denim.
Umakyat kami sa hagdan at nakarating kami sa rooftop ng building. Malawak yung rooftop tapos medyo madilim pa dahil madaling-araw pa lang. May natanaw akong sofa dun sa gitna, tapos parang may lalaki at babae na nakaupo. Parang si Professor Kira yung isa kasi halata sa suot nyang white na lab coat. Tapos yung isa naman, hindi ko kilala pero hindi si Denim yun for sure.
Naglakad kami ni Llance hanggang sa makalapit na kami sa gitna,
"Aiish! Bakit kasi ako pa? Antok na antok pa ako eh! Tsk yung eyebags ko, my goodness!" - sabi nung lalaki na panay ang tingin sa front camera ng cellphone nya,
"Nagrereklamo ka ba?" - tanong ni Llance,
"Of course not! Ha-ha." - sarkastikong sabi nya at napadako ang tingin nya sakin, "Ow hey there babes. Raven Smith." - sabi nya at inihaya ang kamay nya para makipag-shake hands,
Oh, by the way, mag-iingat ka kay Raven. He's a total jerk.
Ah mukhang ito yung tinutukoy ni Denim na Raven.
"Alex Lamea." - walang ganang sabi ko tapos iniwas ko na yung tingin ko kaya natatawang binawi na lang nya ang kamay nya,
"Proceed." - sabi ni Llance at umupo na sya dun sa sofa,
"Headmaster, grabe parang hindi ko ata kayang galusan tong si babes--" - sabi nya at natigilan sya sa pagsasalita nang tadyakan sya ni Llance,
"Sabi ko nga proceed na, my goodness!" - sabi nya at napairap sya, gay ba to? Cause he sounds gay whenever he says 'my goodness'
"Pasensya ka na babes, trabaho lang walang personalan." - sabi nya at inilabas nya ang balisong mula sa bulsa ng pantalon nya, pinaikot-ikot nya ito sa kamay nya,
Itinutok nya sakin ang patalim na kumikintab pa sa sobrang talas, anong binabalak nila?
Bigla syang sumugod na ikinagulat ko kaya sinubukan kong iwasan sya, sh*t kamuntik nya na akong masaksak sa tyan,
"What the f*** papatayin mo ba ako?" - sabi ko pero hindi lang sya nagsalita at umatake na naman sya,
Ilag lang ako nang ilag kasi wala pa akong lakas para makipaglaban, gutom na gutom na ako tapos antok pa. Aish sana pinakain muna nila ako.
Sinubukan nya akong sugudin na naman pero umiwas ako at tinadyakan ko sya sa hita pero sa bilis ng pangyayari hindi ko namalayang dumudugo na pala yung braso ko, tapos naramdaman ko na yung paghapdi.
"Uh-oh my bad." - sabi nya at akmang susugod na naman,
...
Kira's POV
"I don't understand why you're doing this." - sabi ko kay Llance na hindi man lang ako tiningnan dahil naka-focus lang ang tingin nya kay Raven at Alex na medyo malayo na from us kasi iwas nang iwas si Alex sa mga attack ni Raven,
"What? Initiation? It's a routine, nakalimutan mo na ba? Lahat naman--"
"No. That's not what I'm saying. Bakit kaylangan mo pang i-hire sya bilang asset, I don't understand. She can just focus on the mission then leave after that, hindi mo na dapat pinalaki pa ang koneksyon na meron tayo sa babaeng yan." - sabi ko,
"She can't just leave, Kira. She'll receive the punishment that she deserves." - nakangising sabi nya kaya napailing na lang ako,
"I want you to admit that you're doing this because of her, Ches--"
"STOP----questioning my decision, Shakira Payne." - sabi nya at sinamaan ako ng tingin,
"Ayoko lang maulit ang dati, Llance. Ayokong dumating sa punto na lahat ng pinaghirapan mo ay bumagsak, including yourself." - sabi ko,
"That will never happen. That Alexandra Lamea is different from her." - sabi nya at ibinalik kay Raven at Alex ang tingin nya,
"Uh-oh my bad." - rinig naming sabi ni Raven,
"Bring her to the infirmary." - sabi ni Llance,
"Huh?" - kunot-noong sabi ko although narinig ko naman,
"She's wounded, bring her to the infirmary." - pag-uulit nya sa sinabi nya, oh my gosh this is crazy!
Naglakad si Llance palapit sa dalawa para sabihan si Raven na tumigil na. Tapos nakita ko silang naglakad na paalis at naiwan si Alex dun na nakatulala at naguguluhan sa nangyari,
Tumayo na din ako para sundin ang utos ni Llance na dalhin sya sa infirmary.
"Let's go." - sabi ko nang madaanan ko si Alex,
"Saan?" - nagtatakang tanong nya,
"Infirmary." - maikling sagot ko at sumunod naman sya,
...
(26Apr2017)
BINABASA MO ANG
Death Sign [ON-HOLD]
ActionIsang grupong pinamumunuan ng isang taong gawa sa bato ang puso..DEATH SIGN. Sila ang nasa likod ng bawat pagpatay. Isang ordinaryong babae ang mapapadpad sa kanilang lungga..para sa isang MISYON. Date started: 19 April 2017 Status: On-going Genre:...