Chapter 4. Innocent Guy

61 6 0
                                    

Alexandra's POV

Wala na nga akong nagawa kundi ang humiga sa kama, antok na rin ako. Naalala ko si Arvey, kaylangan ko syang makausap pero nasa kanila yung bag ko. Badtrip!

Napatingin ako sa pinto nang marinig kong parang may nagbubukas nito, umupo ako habang hinihintay kung sino ang iluluwal ng pinto,

Si Innocent guy? Ano na namang kaylangan nya?

Nakangiti syang naglakad palapit sakin hawak ang isang tray na may lamang kung ano.

"You haven't had your dinner, have you?" - sabi nya at inilapag sa harap ko ang tray na may lamang kanin, ulam at tubig.

"Inyo na, mamaya may lason pa yan." - pagtataray ko, napatawa na naman sya

"Walang lason to, we're not trying to kill you here. Na sa'yo ang alas." - sabi nya,

"Ha? Alas?" - nagtatakang tanong ko,

"Yep. Yung lalaking nang-hostage sa'yo kanina, he's a big person we've been trying to hunt for ages. Walang nakakaalam kung ano ang hitsura nya, ikaw lang." - sabi nya,

So kaya pala sila nagkakaganito.

"Ano namang kaylangan nyo dun sa tao?" - hindi ko napigilang magtanong dahil sa pagka-usisera ko,

"He needs to die." - nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya,

"Ha? Bakit? Anong kasalanan nya?" - tanong ko na naman,

"Masyado ka nang maraming nalalaman." - sabi nya sabay tawa,

"Wala akong balak na tumulong hangga't hindi ko nalalaman ang rason." - pagmamatigas ko,

Bumuntong hininga muna sya, "Sabihin na lang natin na... buhay nya rin ang kapalit para sa buhay na kinuha nya. Okay na?"

Napaisip muna ako, buhay na kinuha nya? Ibig sabihin may pinatay sya? Sino naman kaya?

Dahil ayaw ko namang magmukhang tsismosa ay tinigil ko na ang pagtatanong.

Iniabot ni innocent guy yung backpack ko na ngayon ko lang napansing hawak nya pala,

"So, kain ka na." - nakangiting sabi nya, bakit ba ang hilig ngumiti nito

Hindi na nga ako nagmatigas pa at tinanggap ko na yung pagkain dahil gutom na din ako. Natawa na naman sya, ang hilig nyang ngumiti at tumawa. Ibang-iba sya dun kay creepy guy na tingin pa lang eh pamatay na, kinilabutan na naman ako nung maalala ko ang mukha nya, yung mga mata nya.

May inabot sya saking papel at lapis na ipinagtaka ko, "Sketch his face."

"Ah eh, try ko." - nag-aalangang sabi ko,

Tapos may inilapag pa sya sa kama ko, susi?

"Ano 'to?" - naguguluhang tanong ko,

"It's a key, obviously." - natatawang pamimilosopo nya,

"Tanga ang ibig kong sabihin, kung anong gagawin ko dyan." - sabi ko,

"I'm giving you a chance to retrieve yourself from this place. Goodluck." - sabi nya at tumayo na,

Maglalakad na sana sya pero natigilan sya na para bang may nakalimutan.

Hinubad nya ang suot nyang jacket at isinuot sa balikat ko na medyo ikinamula ng mukha ko,

"Nice bra." - humahalakhak na pahabol nya kaya ramdam kong lalo akong namula, omg! ngayon ko lang na-realize na yung bra ko nga pala sponge bob yung design. Nag-sale kasi to terno na yung bra at panty tapos buy one take one pa kaya binili ko na, ugh! Nakakahiya x_x

Napatingin ako sa kanya na nasa may pintuan na, lumingon ulit sya saglit, "Denim Lopez." - ngumiti sya saka ini-lock yung padlock ng pinto at umalis,

So sya pala si Denim Lopez.

Uminom muna ako ng tubig bago ko sinumulan ang pag-i-sketch, hindi ako magaling sa ganito pero medyo marunong naman akong mag-drawing. Pinilit kong alalahanin yung mukha nung mama. Hindi naman sya mukhang nakakatakot, parang wala sa hitsura nya ang makakapatay.

Pero sabagay, looks can be deceiving.

...

(21Apr2017)

Death Sign [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon