Alexandra's POV
Tahimik lang akong nakaupo habang nakatingin sa daan, ganun din si creepy guy na syang nagda-drive. Nakita kong papasok na kami sa gate at pinagbuksan kami ng gate nung guard na may benda sa noo, shet sya yung naka-duty kagabi! Omg now I feel bad for him :(
Bumaba ulit kami sa basement carpark at naglakad papunta sa loob.
"Denim!" - tawag ni creepy guy at lumabas si Denim mula sa isang kwarto at ngumiti kaagad sa akin nang makita ako, ewan ko ba kung matutuwa ako sa ngiti neto o maiinsulto. Eh kasi kahit wala namang kangiti-ngiti eh ngiti pa rin nang ngiti,
"Yes bro, ako'ng bahala." - sabi nya kay creepy guy at nag-saludo pa, tss
"Welcome back Alex." - sabi nya habang naglalakad kami papunta sa mahabang table para umupo,
"Wag kang mag-alala, kung susunod ka sa headmaster, hindi sya masasaktan." - sabi nya at napakunot ang noo ko, "Yung kapatid mo, diba sya naman ang dahilan kung bakit ka pumayag?" - sabi nya at napatango ako,
"Nandito ka sa hideout ng Death Sign Gang, kilalang-kilala sa buong bansa pero tagong-tago kami sa mata ng publiko. But we don't kill just for the sake of it, our only rule: no killing without reason. May rason ang bawat pagpatay. We make sure that sinners receive the punishment they deserve, that's why we send them their Death Sign, that means it's time to pay for their bad deeds. See? We are nice people here. We're like heroes in disguise." - natatawang sabi nya, hindi naman ako interesado sa mga pinagsasabi nya kaya poker face lang ako.
"I can see you're not even interested. Isipin mo na lang na ito ang bago mong trabaho, you don't need to tire yourself working as a cashier anymore. Here you get enough money to support your brother." - sabi nya,
"Paano mo nakukuha ang lahat ng mga information na yan?" - tanong ko, grabe kasi hanggang saan ba ang nalalaman niya?
"Good question pero mamaya ko na sasabihin ang sagot dyan." - nakangiting sabi nya, "You'll work as our asset as we don't have one, pihikang pumili ng asset si headmaster. Ang gusto nya, yung mapagkakatiwalaan at mahusay. You're lucky." - dugtong nya pa,
Napabulong ako ng "Lucky your ass." sa sinabi nya at medyo natawa sya dahil narinig nya yun siguro. Man they're ridiculous. Pano naman ako naging maswerte?
"Si Llance Lincoln ang headmaster natin dito, better respect him if you don't wanna go to hell. At ako ang bestfriend nya, Denim Lopez, I can be your best friend too." - sabi nya pa sabay ngiti, so Llance pala ang pangalan nung lalaking creepy,
"Si Professor Kira ang 'Utak ng Gang', all information come from her." - sabi nya,
"Professor sya?" - nagtatakang tanong ko,
"Nope. Gusto lang namin syang tawaging Professor since pangarap nya yun." - sabi nya,
"Eh bakit sya nandito?" - tanong ko,
"Ask her," - sabi nya at natawa, "There are many other members na makikilala mo habang nandito ka. Oh, by the way, mag-iingat ka kay Raven. He's a total jerk." - natatawang paalala nya,
"Do you have any question?" - tanong nya,
"I'm not even interested. May pagkain ba kayo dito?" - sabi ko dahil totoo namang hindi ako interesado, tsaka gutom na gutom na ako, hindi pa ako nakakapag-almusal dahil sa suringot na Llance na yon na basta na lang ako dinala dito, eh mag-aalas-dos ng hapon na ngayon, tanghali na din kasi akong nagising kanina
"Haha yep, come with me." - sabi ni Denim nang nakangiti at sinundan ko sya sa paglalakad,
"This is our kitchen and dining place," - sabi nya nang makarating kami sa kitchen & dining place daw, shet ang bango naaamoy ko na agad yung pagkain, para syang restaurant, kasi may mga table at chairs sya na nakaayos na parang sa restaurant, malawak yung lugar siguro dahil madami ang sabay-sabay kumakain dito, ang astig.
"Mang Ruben! This is Alex, serve her some food to eat." - utos ni Denim at may sumulpot na medyo may edad na na lalaki mula dun sa kitchen,
"Hello Alex, ako si Mang Ruben, the head chef. Saglit lang ha ire-ready ko lang ang pagkain. Do you have any allergies?" - sabi ni Mang Ruben,
"Ah thank you Mang Ruben, wala naman po akong allergies sa kahit ano." - nakangiting sabi ko, ang galing lang talagang inaalam pa nya yung allergy haha, ang astig ang professional ng dating
Niyaya ako ni Denim na umupo sa isa sa mga table kaya sumunod naman ako.
Maya-maya ay pumunta si Mang Ruben sa table na may dalang tray, ang laman nung tray ay kanin tapos may tatlong klase ng ulam na sa tingin ko ay kaldereta at chicken curry yung isa tapos may fried chicken, mayroon ding dessert na fruit salad. Shet yummy
"May extra rice po ba?" - tanong ko at natawa naman si Mang Ruben at pati si Denim,
"Yes, of course." - sabi nya, "By the way, ikaw na lang ang pumili ng drinks dun sa fridge, okay?" - sabi ni Mang Ruben kaya ngumiti naman ako at tumango,
Tapos sinimulan ko nang lantakan yung pagkain ko. Gutom na gutom talaga ako.
"So, tapos ka na?" - nakangising tanong ni Denim, nakaramdam naman ako ng hiya, naka-5 na serve na kasi ng pagkain si Mang Ruben, haha
"Oo, tapos na ako." - sabi ko tapos tumayo na kami sa upuan,
"Thank you po, Mang Ruben." - pahabol ko kay Mang Ruben bago kami makalabas,
"Yep, no worries." - rinig kong tugon naman nya,
"I'll show you the different areas here, this place is quite big." - sabi nya at inilibot na ako sa iba't-ibang parte ng hideout, mayroon silang gym, swimming pool, lounge room, assembly area, training area, infirmary at sports and games area.
At ngayon ay nandito naman kami sa 2nd floor kung nasaan ang lahat ng mga bedroom na kung tawagin daw nila ay 'Chamber'.
"Here's your chamber and your chamber key." - sabi ni Denim at iniabot sakin ang parang atm card na may nakasulat na number 25 dahil number 25 yung chamber ko, chamber key daw yun tapos tinuruan nya ako kung paano i-swipe duon sa lock ng pintuan, ang astig lang grabe, ang high-tech nitong hideout nila,
"One more thing, this chamber beside yours is a special chamber. Tandaan mo to Alex, you should never enter this chamber." - paalala nya na seryosong-seryoso, papatayin naman ako ng curiosity ko, ano kayang meron sa chamber na yun?
"All good, I think you're ready to go. Ayusin mo na ang gamit mo at bumaba ka kung gusto mong kumain." - tanong nya na ikinakunot ng noo oo,
"Gamit? Wala akong gamit!" - sabi ko nang tumatawa, kaloka basta nga lang ako kinalikad ni Llance suringot eh,
"Ow, forgot to tell you, don't worry everything's inside your room. Have a good rest, your initiation will begin tomorrow first thing in the morning." - sabi nya at ngumiti,
"See 'ya tomorrow." - paalam nya, at naglakad na paalis,
"Denim Lopez!" - tawag ko sa pangalan nya,
"Yes?" - binalikan nya ako ng tingin,
"Salamat ng marami." - sabi ko at ngumiti,
"Very welcome, Alex." - sabi nya at nagtuloy na sa paglalakad paalis.
...
(25Apr2017)
BINABASA MO ANG
Death Sign [ON-HOLD]
ActionIsang grupong pinamumunuan ng isang taong gawa sa bato ang puso..DEATH SIGN. Sila ang nasa likod ng bawat pagpatay. Isang ordinaryong babae ang mapapadpad sa kanilang lungga..para sa isang MISYON. Date started: 19 April 2017 Status: On-going Genre:...