Simula

64 6 0
                                    

Hindi ko na namalayan na gumagabi na pala.

Lumipas ang maghapon na puro pagtatrabaho lang ang ginagawa ko.

Ang hirap talaga pag wala kang mga magulang na sumusuporta sa iyo.

Heto tuloy ako, laging bagsak ang katawan dahil sa pagtatrabaho at pag-aaral.

"Lucas! Ipunin mo na nga ang mga banyerang nakakalat pa riyan at tayo'y magsasara na."
Utos sa akin ni Aling Baby.

Sinikap kong ipunin ng mabilisan lahat ng mga banyerang nakakalat.

Gustong gusto ko na rin kasing umuwi para makapagreview pa ako dahil may quiz pa kami bukas sa World Literature.

"Oh Lucas, heto na ang bayad ko sa iyo. Maaari ka ng umuwi para makapagpahinga."

Iniabot sa akin ni Aling Baby ang apat na daang piso.

Ayos na rin yun, may baon na ako sa linggong parating.

Naglalakad ako pauwi ng may isang babae na mukhang nagmamadali ang nakabunggo sa akin.

Napasalampak ang babae sa lakas ng impact.

"Ay sorry Miss,tulungan na kita diyan." Dali dali kong iniabot ang aking kamay para tulungan siya.

"Eh,thanks."

Tsaka siya tumayo ng hindi man lang inaabot ang kamay ko.

Tuluyan siyang umalis ng hindi man lang lumilingon sa akin.

'Sayang, ang ganda niya kaya lang parang ewan. Tsk.'

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa....

"Anaknampuu. kapag nga naman sinuswerte ka."

Napabuntonghininga na lamang ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad bitbit ang sira kong tsinelas.

"Oh Lucas nandiyan ka na pala."
Bati sa akin ni Lolo.

"Mano po, Lo.Kumain na ho ba kayo?"

"Oo apo. Wag mo akong alalahanin. Halina't kumain ka na rin."

Napansin ni Lolo ang tsinelas na bitbit ko.

"Wala ka pa bang balak palitan yan apo? Tignan mo at mukhang siya rin ay sumuko na sa dami ng pinagdadaanan mo."

"Hindi po, lo. Sayang ho ang pera. Kukumpunihin ko nalang."

Napailing na lamang si Lolo sa aking sinabi.

Tulad nga ng sabi ko ay wala akong mga magulang na tutulong sa akin para mag-aral.

Mahalaga bawat singko sa akin.

Lalo na at nag-aaral ako.

At si Lolo Armando na lamang ang kasama ko.

Kung hindi lamang dahil sa scholarships na mayroon ako. Hindi ako makakatuntong ng college. Sa laki ba naman ng tuition ng eskwelahan na yun.

Ngunit ang laging nasa isip ko ay...

Makakabili rin ako ng mga gusto ko at gusto ni lolo kapag nakapagtapos na ako.

Dalawang taon na lamang.

Dalawang taon na paghihirap na lang.

Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na ang libro na aking babasahin.

Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa kapaguran.

To See Her Again (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon