Ikawalong Kabanata

11 0 0
                                    

*Shawn's POV*

Ang sakit din palang marinig na nasuspend yung kaibigan mo na wala naman siyang ginagawang masama.

Gago kasi yung pangit na yun eh. Walang alam gawin.

"Shawn! Shawn!"  Tawag sa akin ng madaldal at maingay na babaeng ito.

"What is it Irish?! And pwede ba? Wag kang eskandalosa! Ang ingay ingay mo!" Pangaral ko sa kanya.

"Where is Lucas?"

Aba. Parang walang narinig to.

"Umuwi na."

"Ah, okay." Tipid na sagot niya atsaka na siya ngumiti.

Ano kayang problema nun?

Hayy. Yung babae talagang iyon, kung di ko lang talaga kaibigan ang kapatid niya hindi ko papansinin.

Lumipas ang araw ko na wala akong nakikitang Lucas.

Siguro, tatawag din sa akin yun kung may nangyari man o ano.

Papakopyahin ko na rin siya sa mga notes para naman hindi siya mahuli sa klase.

Kinabukasan, nabalitaan ko nga doon sa kaklase namin na ang tatay niya ay kasamahan ni lolo Armando sa pangingisda na sumama si Lucas sa kanila.

Ngunit ang higit na nakakatakot sa sinabi niya ay ang pagkawala ni Lolo Armando.

Nagmadali na akong umalis sa school.

Di ko na inalintana ang mga quizzes ngayong araw.

Wala akong pakelam.

Kailangan ako ng kaibigan ko.

Agad kong pinaandar ang sasakyan ko tungo sa kanila.

Habang nasa daan ako ay nakita ko ang isang ambulansyang patungo sa Agnes Community Hospital.

May kutob ako na baka sila yun. Na baka nandoon sa loob ng sasakyan na yun si Lolo Armando at Lucas.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko tungo doon.

Pagkababa ko ng sasakyan ay tama nga ako.

Si Lolo Armando nga ang ibinaba mula sa ambulansya.

Hindi ko na mawari ang kanyang itsura.

Wala na siya.

Bigla akong nanghina sa naisip ko.

Kakayanin kaya ito ng kaibigan ko?

May ilang kalalakihan ang nasa loob din ng sasakyan. Mga kasamahan siguro ni Lolo.

Nang papasok na sila sa loob ng hospital ay tinapik ko ang likod ng isa sa mga lalaki.

"Manong, kaibigan po ako ng apo ni Lolo. Nasaan po si Lucas?"

"Baka nasa kanila, ang sabi kasi namin sa kanya ay umuwi muna siya kaninang hinahanap namin ang lolo niya. Alam namin na malaki ang posibilidad na wala na siya kasi ang tagal niyang hindi lumilitaw. Kaya ganoon nalang ang pinagawa namin kay Lucas para mapanatag siya kahit papaano."

Tumango lamang ako.

"Ah manong, maaari ninyo po bang puntahan si Lucas at sabihin sa kanya ito?"

Tumango lamang siya.

Tatawag na rin ako sa eskwelahan para malaman nila at magpapaexcuse na rin ako.

Kailangan ako ni Lucas ngayon. Bahala na ang grades. Kaya naman yong bawiin.

Nang nasa loob na kami ay biglang may dumating na nurse.

"Excuse me ho. Who is the closest relative of Lolo?"

Tinaas ko ang kamay ko.

Nagtanong lang siya ng kung anu-ano at inexplain niya rin na patay na si Lolo pagkarating na pagkarating pa lamang niya sa ospital.

Medyo matagal din kasi may iilang papeles na pa na sinabi niya na kailangang asikasuhin.

Nang pagkatapos naming magkausap ay biglang nagulat ako.

May babaeng kakadating lamang at hinahanap si Lucas.

"Excuse me, miss. Why are you looking for my friend?" Curious kong tanong.

"Because I'm worried." Sambit niya lang na ganoon.

Hindi ko na siya inimikan.

Hindi ko naman siya kilala.

Ilang sandali pa ay dumating na si Lucas.

Walang emosyon ang mukha.

Tinignan niya lamang kami at nilagpasan.

Hinayaan ko muna siya dahil alam ko na ayaw niya rin na makita ko ang kung anuman ang nasa loob niya.

Akmang susunod ang babae ngunit pinigilan ko siya.

Nagulat ako dahil umiiyak siya.

"Why?" Tanong niya lang.

Wala na akong nasabi. Niyakap ko na lamang siya.

May mga bagay kasi na hindi na kailangan ng mga salita. Katawan na lamang ang humuhulma.

Hindi ko alam kung sino ang uunahin kong tahanin. Ang kaibigan ko ba o ang magandang babae na ito na humahagulgol sa dibdib ko.

Pumikit ako. Nais ding tumulo ng mga tubig sa mga mata ko.

Pilit kong ipininid ang mga ito. Kinakausap na wag kumawala at manahimik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To See Her Again (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon